Chapter 13

518 5 0
                                    

"How are you feeling?" I asked Kiev.

"Ayos na po ako, Ate."

Napangiti ako nang tawagin niya ulit akong Ate. Nakakagulat talaga kahapon na tinawag niya akong Ate.

Tinanguan ko na lang siya at bumalik na sa silya ko. Naroon sa tabi ko si Siopao, busy on his cellphone. Si Persley naman ay hindi pa tapos sa pagiging isip-bata dahil magmula kanina ay hindi na niya tinantanan ang inuupuan ko.

Panay sipa ampota, ano siya kabayo?

"Railey! Nasa'n si Trane?" Tanong ko sa mas matino pang kambal ni Persley-gago.

"Hideout."

"Ha?"

"Nasa bulsa ko nagkakape!" Halos mabingi ako sa sigaw ni Persley-gago sa tainga ko.

"Bwisit ka!" I shouted. The fuck is his problem?!

Kinuha ko ang libro sa lamesa ko at pinukpok sa ulo niya.

"Aray! Lakas manghampas, akala mo hindi babae!"

"Gusto mo isa pa?!" inis na tanong ko rito. Hindi ba siya pwedeng mapakali sa isang tabi? Dapat sakanya binubusalan e.

"'Wag, masakit." aniya pa na akala mo naman ay sobrang aping-api na.

Inirapan ko siya bago ituon ang tingin sa pisara.

I sighed. Hindi ba siya papasok?

I just only have two weeks! Paano ko magagawa 'yon kung hindi siya magpapakita?!

Nang lunch na ay dali-dali akong lumabas ng classroom.

"Gutom lang?!" sigaw pa ni Persley-gago.

"Oo! Wag kang nagsasasalita d'yan, baka kainin ko 'yang mata mo!" sigaw ko pabalik, agad naman siyang namilipit dahil sa kadirihan.

"Yuck!"

Inirapan ko siya at pumunta sa classroom nila Dyna. Kita ko sa kabilang pinto si Roan at Lougee na alam kong naghihintay kay Dyna.

Maya-maya pa ay ni-dissmiss na sila. Sa entrance siya dumaan kaya hindi niya ako nakita na nasa exit lang.

Lumapit na lang ako dahil ako lang naman ang nag-iisa rito.

"Hello!" Pagbati ko.

"Oh, hi!" Bati ni Roan. Mukhang wala yata sa mood si Lougee dahil sa nakasimangot niyang mukha.

Napatingin siya sa'kin kaya iniwas ko ang paningin ko. Sakto naman na tumama iyon kay Persley-gago na pababa na ng building.

I raised my pinky finger. Gumaya siya at muntik pa matapilok dahil sa mga estudyanteng dumadaan sa pwesto niya.

"Ano ba?! Hindi niyo ba nakikita na dumadaan ang pinaka gwapo rito?!" Sigaw niya.

Natawa naman ako nang magmadali ang ibang estudyanteng bumaba-taas dahil sa sigaw niya.

Ang yabang talaga, akala mo naman kung sino.

"Wanna join us?" tanong ni Roan.

"Oh naman." Sagot ko. I looked at Dyna. "Ano?"

"O-Okay, sige." Saad niya. Naiilang pa rin siguro siya kay Roan. Sinabi na kasing sabihan niya na si Roan para hindi na umasa pa. O kaya maghanap siya ng boyfriend para tigilan na siya.

Nang makarating sa canteen ay puno na ng estudyante pero bakante pa rin ang table namin.

Pansin ko rin sa kabilang table ay kulang sila. Sa'n ba talaga nagsususuot si Trane? Is he avoiding me?

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now