Chapter 35

818 7 0
                                    

That one week celebration ay paulit-ulit lang ang nangyari. There's a sports fest na hindi man lang ako na inform.

Dyna and I enjoyed it so much. Sobrang dami naming picture at food stall na kinainan. Kahit na kasama namin ang Cleratraper ay parehas kaming komportable.

"I'm so tired," pagod na sabi ni Trane. Nakahiga siya sa lap ko at hawak ko naman ang buhok niya.

"Gutom ka ba?" I asked. Iminulat niya ang kaniyang mata kaya nagtama ang paningin namin.

"No? Just continue playing with my hair, I like it."

I smiled. Ginulo ko ang buhok niya hanggang sa makatulog siya.

Pagkatapos ng klase kanina ay isinama niya ako sa bahay nila. Tanging ang mga yaya lang nila ang nandito. Gusto pa nga sana niyang sa kwarto niya kami tumuloy pero tumanggi na ako.

Tumitig ako sa mukha niya. Sobrang amo talaga kapag tulog, pero mukhang dragon naman kapag gising at galit.

Nagtataka man kung bakit hindi na ako sinusundo ni Kaizen at hindi na pinupuntahan sa bahay ay ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Bumabawi siguro sa girlfriend niya, baka nga nag propose na rin yun.

"'Cause everynight I'm talking to the moon!"

Nangunot ang noo ko nang marinig ang malakas na boses ni Persley habang kumakanta.

Nang makapasok siya ay kaagad ko siyang sinita. Gulat naman siyang napatingin sa'kin.

Yung gulat niya ay napalitang ng mapang-asar na tingin. "Kayo ah, kaya pala ang aga niyo umuwi kasi dito kayo tutuloy. Ano ginawa niyo ha?"

"H-Ha? Anong ginawa? 'Wag ka ngang maingay!" asik ko sa mahinang tono.

"Sus! Kunwari pa,"

Umirap na lang ako dahil ayaw ko nang pahabain pa ang usapan.

Dali-dali naman siyang lumapit at naupo sa kaharap naming sofa. Kapal talaga ng mukha niya, nakapang-dekwatrong upo pa talaga siya.

"Tulungan mo naman ako kay Dyrana, oh," panimula niya.

Natawa naman ako sa pagbanggit niya ng pangalan ni Dyna.

I smirked. "Aamin ka na ba? Mr. Admiring her from afar?"

Ngumisi rin siya. "Yes, Ms. Saunalangyanmasaya."

Muntik ko nang hindi ma gets ang sinabi niya. "Ang kapal mo!"

"Mas makapal ka!"

"Mas pinaka makapal ka!"

"Mas pinaka pinaka makapal ka! Lock! Lunok susi!" Umakto pa siyang may nilunok talagang susi.

Isip bata!

"Dali na kasi," pagmamaktol niya.

"Aamin lang 'di mo pa magawa?"

"As if na sobrang dali lang umamin 'no!"

Umismid ako. "As if na gusto ka nun,"

"May sinasabi ka?" nakataas ang kilay na tanong niya pa.

"Ang sabi ko, ihanda mo na ang sarili mo sa rejection." mahinang sabi ko.

He pouted.

"Yuck! 'Di mo bagay!"

"Kaysa naman sa'yo, mukha kang pato!" bulyaw niya.

Napasimangot ako. Niyugyog ko ang balikat ni Trane. Hindi pa ako nakakapagsalita ay inimulat niya na ang mata niya at tumingin ng masama kay Persley.

"Get out," utos niya kay Persley.

Tinignan ko naman siya ng nakakaasar pero umirap lang siya. Tumayo siya at lalabas na sana nang makasalubong niya ng Mommy ni Trane, together with the Villaquer family. Tatlong bata, dalawang babae at tatlong lalaki na katabi naman ng Daddy ni Trane.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now