Chapter 21

630 7 0
                                    

We went to the mall and looked for my debut gown.

Sumasakit ang ulo ko habang kasama si Kaizen. Sobrang daming tinuturo na ayaw ko naman, bakit kaya hindi na lang siya ang magsuot?

"How about this?"

Hindi ko siya pinansin at nagtingin pa ng ibang damit dito sa boutique. Hindi ba pwedeng simple dress lang? Bakit kailangan gown pa?

Nang makakitang red tube gown ay itinuro ko ito. Hinayaan naman ako ng staff na isukat iyon.

Napatitig ako sa salamin. So beautiful. Is it really my birthday three days from now?

It is, Leisha.

Mabilis ko rin hinubad 'yon nang mapagtantong, sa araw pala ng mismong birthday ko ang engagement party.

Nakakasuka!

"Nakapili ka na?"

"Oo, napili kong iwanan ka." Tinalikuran ko siya at naglakad palabas ng boutique. Hindi kaagad siya nakasunod dahil sa pag-uusapan pa nila no'ng staff 'yong napili kong gown.

Inutusan kaya siya ni Dad?

Hinintay ko siya sa exit ng mall. Aba hindi naman ako papayag na maglakad pauwi 'no. Wala na nga akong pera wala pa akong taga-hatid pauwi.

Nang dumating siya ay pumasok na ako ng kotse niya. Tumabi siya sa'kin habang si Dan naman ang nasa unahan.

Malamang, driver 'yan.

Hinatid niya ako sa bahay at nakita ko si Dad na nakaabang na pala sa'min. Humalik lang ako sa pisngi at dumiretso sa kwarto.

"How's it going?"

"Good, Dad."

Dad? Ew! Nakakasuka talaga!

Padapa akong humiga sa kama ko at kinuha ang cellphone. I dialed Ate Leiren's number. Duh, gusto ko siya makausap dahil sasabog na ang utak ko kung paano ko iha-handle itong si baduy na Kaizen.

"Hello, Ate?"

"Hello, Leisha! How are you? Ngayon ka lang napatawag ah."

"Busy sa panunuyo ng boyfriend e."

"Hmm.." alam kong mapang-asar na ang mukha niya sa kabilang linya. "Baka maging kayo na talaga ha."

Napaisip ako. Pwede naman.

"Pero sa tingin ko hindi naman na niya ako makukuha kay Dad."

"Bakit? Akala ko ba siya na?"

Napailing ako kahit hindi niya nakikita. "Wala naman siyang ginagawa, Ate. Isa pa, hahayaan ko na lang yata mangyari 'to. Sino ba naman magmamahal sa'kin at ipaglalaban ako?"

"Your... birthday is coming." usal niya.

Hindi ako nakasagot. Wala na yata akong magagawa.

"Lei, I don't want you to feel kung ano ang naramdaman ko nang hindi ako naipaglaban noon, at pinagsisihan ko 'yon ngayon. Ayokong mapunta ka sa taong hindi mo mahal."

Inayos ko ang aking pagkakahiga at niyakap si Stitch. "But, I don't have someone, Ate. Isa pa, I think, I'm loving a brokenhearted man. How can I make him fall for me? Paano ko mapapalambot ang matigas niya ng puso?"

I let out a sigh. "Wala na akong magagawa, Ate."

"Lei, I don't want you—"

"Enough, Ate. I already accepted my fate."

Pinatay ko ang tawag at napatingin sa bintana ng kwarto ko.

Kung nandito kaya si Mom ay magagawan niya 'to ng paraan? Kung nandito kaya siya, gagawin niya ang lahat para sa'kin?

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now