Chapter 26

679 7 0
                                    

"Ang laki pala talaga ng bahay nila Trane." ani Dyna.

Inilinga ko ang aking paningin. Sobrang laki at lawak ng bahay, may mga antique pang gamit, at alam kong mamahalin ang mga bagong gamit nila rito. Lalong lalo na ang malaking TV sa sala.

Inaya kami ni Clerard sa sala upang maupo sa couch. Napansin ko rin ang paghiga ni Persley sa isang couch, akala mo naman ay bahay niya 'to.

Sa ganda ng bahay na 'to, biglang akong nahiya sa suot ko.

Pero...

I smiled as I sniff his shirt.

"Anong iningingiti mo d'yan? Baliw ka ba?"

Napairap na lang ako sa sinabi ni Persley-gago. Dumating naman si Kleo at Kiev na may dala-dalang pagkain. Orange juice and chocolate cookies.

My favorite!

"Ang kamay mo!" Tinapik ni Persley ang kamay kong kukuha sana ng inilapag nila Kiev.

"Sa'yo ba 'to?!" asik ko.

"Mainit pa 'yan!"

"Hanapin mo." Pinasadahan ko siya ng tingin at walang sabing kumuha ng cookies. Kaya ko naman 'yong init e kaya okay lang.

"Ang alin?" kuryusong tanong niya pa.

"Yung paki ko."

"Ulol! Patay gutom!"

Natigil ako sa pagsubo dahil sa sinabi niya. Pinandilatan ko siya ng mata at akma na sanang tatayo nang dinuro niya ako.

"Nandito Mommy ni Trane! Sige ka!"

"Sino tinakot mo?" I raised my eyebrows.

He just raised his pinky finger and rolled his eyes on me. Inirapan ko rin siya at kinain na lang ang hawak. Nakakasira siya ng araw. Kahit gabi pa naman.

Si Trane ay hindi ko alam kung nasaan. Dumiretso kasi siya sa taas kasama si Railey.

Lumapit ako kay Kiev at umupo sa tabi niya.

"Ano lalandiin mo 'yan?"

Napapikit ako sa inis dahil sa sinabi ni Persley-gago.

"Isa pang satsat mo, Persley. Buking 'yang sikreto mo."

Natahimik naman siya at tinalikuran ako. Talaga, gusto niya si Dyna, kaya kong sabihin 'yon sakanya. As in, ngayon mismo.

"Mukhang sanay na kayo rito ni Kleo."

Kiev looked at me. "Hindi pa rin pala ako makakatakas sa'yo."

"Talaga. Nagtataka na'ko tapos hindi mo sasabihin sa'kin?" Ibinaba ko ang baso at kumuha ulit ng cookies.

"Prinsesa nga 'yong mukha, patay gutom naman."

Mabilis kong kinuha ang unan na nasa tabi ko at ibinato kay Persley-gago.

Marahas akong napabuntong-hininga. Grabe, maaga yata ako tatanda kapag kasama ko si Persley.

"Si Trane na ang nagpapa-aral sa'min, Leisha."

Napanganga naman ako sa sinabi niya. As in, nganga.

"Baka ibig mong sabihin ay 'yong parents niya."

He just shooked his head. Nakita ko naman na lumapit sa'min si Kleo at naupo sa tabi ng kapatid niya.

"As long as iniwan kami ng parents namin ay siya na ang kumupkop sa'min. Him and his parents are so kind to us." aniya pa.

"Kaya kami narito no'ng reunion ay dahil parte na rin kami ng pamilya nila. Gano'n sila kabait, Leisha. He even teach me how to hold a gun, how to fight and how to maintain calm even there's a chaos." Dugtong ni Kiev.

Nakanganga lang ako buong kwento nila. Hindi talaga ako makapaniwala na si Trane mismo ang nagpapa-aral sa kanila. At si Trane mismo ang nagturo sa kanila kung paano humawak ng baril at makipaglabanan.

They even said that if they accept the offer, haharapin din nila ang mga kalaban ng mga Villaquer.

Napatango na lang ako. Kaya pala gano'n ang inasta nila no'ng pumunta ako rito nung reunion. Kaya pala sanay na sanay na sila sa gano'ng kaganapan.

"Hello, people!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa babaeng pababa ng hagdan. Maganda, makinis, maputi and her smile... her smile is so bright.

"Hello, Tita!" bati ni Persley. She must be the Mommy of Trane.

Kasunod ng Mommy ni Trane ay bumaba sila ni Railey.

"How are you guys?" She asked. Sobrang gaan niya kausap. Parang kaibigan ka lang niya kapag kausap.

"Busog na naman, Tita, thank you po dito ha." ani Persley-gago. Akala mo naman sino mabait.

"Sino kaya yung patay gutom sa'min?" I whispered.

"Here,"

Napalingon ako kay Trane. He handed me a paper bag. "Ano 'yan?"

"You can change." aniya. Napatingin naman ako sa suot ko.

Parang ayaw ko pang hubarin ang damit niya.

"Are you Leisha Dianne?"

"Po?" Napabaling ako sa Mommy ni Trane.

"Trane's right, you look like her."

Si Ate?

"Happy birthday, hija." anito. Lumapit pa 'to sa'kin para yakapin ako. Hindi ako makagalaw. Inilayo niya ang sarili at tumitig sa'kin.

"My present."

Napatingin ako sa hawak niyang pearl bracelet. May pendant pa 'tong shooting star.

"T-Thank you po."

She just nodded and caressed my shoulder.

"Tita, nand'yan na raw po si Kevin." saad ni Siopao. Tumango naman ang Mommy ni Trane.

"We'll meet again." aniya sa'kin at tumalikod na. Kasama niya naman si Clerard.

Kaagad na lumapit sa'kin si Dyna.

"So pretty!" aniya. Hinawakan niya pa ang bracelet na nasa wrist ko.

"Can I borrow her?"

"Borrow?" Agad kong saad sa sinabi ni Trane.

"Sakit, mukha ka raw kasing— Kuya!" Natigil lang rin sa pagsalita si Persley-gago dahil sa pag salpak ng Kuya niya ng cookies sa bibig nito. Masama naman ang tingin nito sa'kin.

Inaano kita? 

I looked at Trane as he held my hand. Hindi pa ako nakakabawi nang hilahin niya ako papunta sa taas.

"Good luck!" Kleo shouted.

Good luck?

Dinala ako ni Trane sa isang kwarto na sigurado akong kanya dahil sa mga litrato niyang nakapatong sa lamesa, aparador at may nakasabit pang frame sa gilid ng kama niya.

Bumitaw ako sa hawak niya at nagtatatakbong lumundag sa kama niya.

I let out a sigh. Ang sarap sa pakiramdam humiga sa malambot na kama pagkatapos ng mga nangyari ngayon. Parang gusto ko na lang matulog at bukas na umuwi ng bahay.

Pumikit ako saglit at napabuntong-hininga dahil sa sarap sa pakiramdam.

Kahit gusto kong malaman kung totoo ba na si Ate ang ex ni Trane ay hindi ko magawang magtanong sakanya. Feeling ko sasakalin niya ako ano man ang lumabas sa bibig ko.

Brokenhearted nga pala siya.

Napamulat ako ng mata nang maramdaman ang bagay na humahawi sa buhok ko.

My eyes widened as I saw Trane. Titig na titig siya sa mga mata ko at sobrang lapit ng mukha niya.

"Gladly I got you." usal niya.

Why? Kung hindi ba ay mababaliw lang siya sa pagka miss kay Ate?

"What if you don't? What if... hindi ako nag transfer sa school niyo?" Mahinang tanong ko.

He just fixed my hair and put it behind my ear.

"I will find you."

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now