Chapter 30

882 7 0
                                    

Naabutan naming dalawa ni Kaizen sina Daddy at ang Papa niya. Nag-uusap sa sala habang nakapandekwatrong upo. Parehas pa silang tumatawa.

Natutuwa ba sila sa mga pinaggagawa nila?

Nagsikuhan kami ni Kaizen. Hindi niya man lang sa'kin sinabi na nandito pala ang Daddy niya.

Bosit. Makikipagplastikan na naman ako.

"How's school, hija?" It's Dad.

"Hindi ka raw dumaan sa building, Kaizen." It's Kaizen's Dad.

Kaizen sighed. "Sinundo ko po si Leisha."

"It's fine, Dad." Napabuntong-hininga ako. Ang kaninang maaliwalas kong mukha ay nakasimangot na.

Sa mga tanong nila at kwentuhan ay nakkasakal marinig. Nakakasuklam na puro pera ang iniisip.

"I'm so sorry about that incident on the hotel, Leonel." ani Daron, daddy ni Kaizen. "Ayaw ko lang na may sumira sa.. alam mo na." dagdag niya pa.

Habng nakaupo at nakikinig sa kwento nila ay para akong nabibingi. Lalo pa't nang isama na nila si Trane sa usapan.

"Gano'n din ako, Daron. I won't let a Villaquer to ruined my plans." ani Dad, nakangisi pa. "Akala niya yata sa paraan niyang 'yan ay makukuha niya pa ang anak ko."

Gumalaw ang panga ko, naikuyom ko ang aking palad sa inis. Hindi ba pwedeng magtuloy na sila sa pag-uusap at hindi na kami panatilihin pa sa harap nila na parang mga tangang nakikinig sa usapan ng mga matatanda.

"Kaya pinanatili kong single si Kaizen dahil ayaw kong may ibang sisira ng plano ko. Ikaw lang ang inaasahan ko rito, Leonel." Saad ng Daddy ni Kaizen.

"That's why my daughter is single too. Bagay nga sila."

Katulad ko, nakakuyom na rin ang mga palad ni Kaizen.

"Excuse me po," tumayo na ako at hindi na hinintay ang isasagot nila.

Bastos na kung bastos. Nakakasakal na 'yang pinag-uusapan nila.

Umakyat ako sa kwarto ko at nahiga. Nawalan ako bigla ng gana magbihis. Talaga bang itutuloy nila ang gagong kasal na 'to?

"Leisha," it's Kaizen. Isinara niya ang pinto ng kwarto ko at lumapit sa'kin. Nahiga rin siya katulad ko.

Ngayon lang ako hindi nainis sa kaniya. Dahil siguro hindi naman inis sa kaniya si Trane kanina.

Namiss ko kaagad siya. Gusto ko palaging hawak ang kamay niya.

"Pano kung ituloy nila?" he asked.

"Itutuloy nila pero gagawa tayo ng paraan, Kai. I trust Trane. Ikaw na mismo nagsabi na magtiwala lang tayo kay Trane." bumaling ako sakanya.

"We..." bumaling siya sa'kin kaya nagkatitigan kami. "We can trust him." he nodded. "We can trust your boyfriend."

My boyfriend.

Boyfriend nga ba talaga? Hanggang ngayon ay hindi niya inaamin na gusto niya ako. Gusto niya ba talaga ako? O naguguluhan lang siya kasi hindi pa siya handang magmahal ulit?

Or.. gusto niya lang ako kasi ako yung nandito?

Umuwi na si Kaizen matapos akong dalhan ng pagkain dito sa kwarto. Inaya ko pa siya pero tumanggi na siya. Aniya'y pupuntahan niya pa raw ang girlfriend niya.

Sus, miss niya lang 'yon e.

Matapos kumain ay saktong umilaw ang phone ko. May tumatawag. Hindi ko naman 'to kilala dahil hindi naka register ang number.

Baka si Persley-gago?

Bakit namn tatawag sa'kin ang ugok na 'yon?

"Hello?"

Tahimik ang kabilang linya. Wala akong marinig na kung ano mang ingay.

"Hello?" pagtawag ko pa.

"Yes, baby? It's me."

Naitikom ko ang aking bibig nang mabosesan siya. It's my boyfriend.

Nakangiti akong naupo ng kama. "B-Bakit ka tumawag?"

"I miss you," paubos ang boses niyang saad.

Ano ba naman 'to. Gabi na nagpapakilig pa.

"Nagkita pa lang tayo kanina."

"Let's date."

"Date?! Baliw ka ba?"

Baliw ba siya? Nung una sumayaw sa dagat na wala siyang saplot tapos ngayon date? Date sa gabi? Gabing-gabi?

Baliw nga yata ang dragon na 'to.

"Gusto mo lang ng milktea. Wala kang mautusan 'no?" pang-aasar ko pa.

Narinig ko naman ang pagsinghal niya. "No way. Mas gusto kong makita ka."

My lips parted. Nakakahiya! Feeling ko nakikita niya ang reaksyon ko ngayon. Hindi talaga ako sanay na ganito siya. Lagi niya pa naman ako sinisigawan dati.

"So, it's a yes?"

"No?"

"What, no?"

"Yes?"

"Baby,"

Napakagat ako sa aking hintuturo sa biglang pagsabat niya.

Ano ba?!

"S-Sige, pero hindi naman ako makakaalis basta,"

Nasa baba lang si Kuya Leo, hinihintay si Dad na dumating. Sumama kasi siya sa Daddy ni Kaizen at hindi ko na gustong malaman kung saan sila pupunta.

"Ako si batman! Ako bahala sa'yo!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Persley sa kabilang linya.

"Tss! Get out!" Si Trane. I chuckled, kawawing first, napalabas pa.

"See you." Aniya at pinatay ang tawag.

See you? Kung gano'n magkikita kami ngayon?!

Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na nag-ayos kahit pa walang kasiguraduhan kung makakalabas ba ako ng bahay ngayon.

Napaharap ako sa salamin. I'm just wearing a white floral dress with thin straps.

Tangina. Ano 'tong suot ko?!

Hindi pa man ako tapos maglagay ng perfume ay may bumusina na.

Si Trane na siguro 'yan.

Dali-dali kong kinuha ang sling bag ko at nilagay ng phone. Nagmamadali pa akong isuot ang kwintas at 'yong bracelet na bigay sa'kin ng Mommy niya.

"Ma'am." nakasalubong ko si Kuya Leo sa baba.

"B-Bakit po?" kabado kong tanong.

Hindi niya ba ako palalabasin?

"Kanina pa po naghihintay ang kaibigan niyo," aniya.

Napatanga naman ako. Hindi ba siya galit? Hindi niya ba ako isusumbong kay Daddy?

Ngumiti lang ako at lumabas na ng bahay. Pagkasara ko ng gate ay nakita ko ang isang pulang kotse na nakaparada sa harap ng bahay namin. Dali-dali akong lumapit do'n at sumakay.

"Dyna?" Nakakunot ang noo kong tanong nang makita siya sa loob ng kotse at hindi matigil ang buhos ng kaniyang luha.

"What happened? Why are you crying?" Nag-aalala kong tanong. Lumapit ako sakanya at niyakap siya.

Kaya siguro ako pinayagan lumabas ni Kuya Leo kasi si Dyna ang narito, walang ibang tao. Akala ko pa naman si Trane na.

"I-I told you, I'm scared of him. Travis Dane is fine for me because you like him but Persley... I-I... I don't want him, Leisha."

Bakit?

"A-Anong ginawa nila sa'yo?" tanong ko pero mas lalo lang siyang naiyak. I caressed her back.

Anong ginawa nila sa'yo?!

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now