Chapter 36

724 7 0
                                    

"Siopao! Hindi mo ba kasama si Trane?" tanong ko sa kaniya nang makapasok siya ng room kasama si Railey na problemado.

"No?" mukhang hindi pa siya sigurado sa sagot niya. "Why? Miss him?"

"Huh? Hindi ah,"

"Talaga lang ha,"

Hindi ko na siya sinagot pa at naupo na ulit sa silya ko. Napansin ko naman na lumapit sa'kin si Kiev. Naupo siya sa tabi ko.

"Nakita ko 'yun." sabi niya na nagpalingon sa'kin.

"Ha? Ang alin?" kuryusong tanong ko.

Mapang-asar siyang ngumuso.

Akala ko may itinuturo siya pero doon ko lang napagtanto na baka nakita niya ang ginawa namin ni Trane kagabi dahil nando'n din siya sa bahay nila Trane.

"Hoy! Sumunod ka?"

"No? Napadaan lang ako."

"Sinungaling," sinamaan ko siya ng tingin. Mabilis naman siyang tumayo at lumayo.

"Cute niyo, Ate!"

"Heh!" asik ko. Nakanguso akong tumingin sa blackboard.

"Tignan mo, mukha ka talagang pato!"

Si Persley, hindi ko siya pinansin, wala na siyang ibang ginagawa kun'di mang-asar. Akala ko ba aamin na siya? Torpe din pala.

"Omg! Anong ginagawa niya rito?"

"Pogi niya pa rin, last time nakita ko siya, last year pa nung laro."

"Ang pogi!"

Napalingon ako sa may labas nang magsimulang mag-ingay ang mga kapwa ko estudyante.

Ano na namang meron?

Si Trane na kaya 'yan?

Tatayo na sana ako para tignan nang mahagip ng paningin ko ang isang lalaking matangkad, diretso ang lakad at kapansin-pansin ang maskulado nitong braso dahil sa nakasuot ng jersey.

Francisco, 12? Sino naman 'yan?

Nanlaki ang mga mata ko nang magtagpo ang tingin namin. Nakangiti na siya habang ako ay gulat na gulat kung bakit siya nandito.

"Hi, ganda!"

The fuck?

Inilagay ko ang palad sa mukha para hindi ako mapansin pero ang tanga naman no'n! Nakita niya na mukha ko kaya malamang nakilala niya ako!

Siya lang naman 'yung lasing na lasing kagabi sa back seat ni Kaizen! Ang kapatid ni Hannah.

"Bawal ka rito! Matatalino lang pwede dito." Saad ng maangas na si Persley. Talaga papatol siya d'yan? Sa laki ng katawan niya siguradong tiris lang siya d'yan sa kapatid ni Hannah.

Napapikit ako nang magtilian ang mga kaklase kong babae. Papalapit ba siya? Bakit ba 'yan nandito?

"Watch my game," boses niya. Unti-unti akong lumingon.

"H-Ha?"

Doon ko lang natuunan ng pansin ang mukha niya ng malapitan. Lasing siya kagabi kaya malamang ay wala sa ayos ang mukha niya. Kahit ano-ano pa ang sinasabi.

"May laro kami sa friday, punta ka ha?"

"Ha?" Bingi, Leisha??

He just chuckled. "Wear this, my name is Austin, nice to meet you, Leisha-ganda,"

Napangiwi ako sa sinabi niya. He probably saw my nameplate. Or, alam niya na ang pangalan ko? Bwesit na Kaizen 'yon!

Hindi pa ako nakakapagsalita nang bigla na lang siyang umalis. Anong gagawin ko rito sa jersey mo, lasinggerong Austin?

"Two-timer!" sigaw ni Persley.

"Agree!" sabad naman ni Kiev na tinawanan ni Kleo. Even Clerard and Railey are laughing!

"Hoy! Anong binabalak niya ha?!" Tumayo ako at nilapitan si Persley. Hinampas ko sa mukha niya ang jersey na binigay ni Austin.

"Ano ba! Ang baho!" angil niya.

"Hoy!" Inamoy ko ang jersey ni Austin. "Ang kapal talaga ng mukha mo!"

"Kung makapagtanggol, bakit crush mo ba 'yon? Sino ba 'yon?" tanong niya pa.

"Mabango naman talaga ah? At saka, hindi ko naman talaga 'yun kilala, baka nagandahan lang sa'kin." saad ko.

Tumaas sa ere ang kamay niya, akala ko ay hahampasin ako pero naki-apir siya at agad ding sumama ang mukha niya.

"Kagaling," aniya pa at pumapalakpak.

Sinubsob ko sa mukha niya ang jersey, "Oh! Sa'yo na, ikaw na lang pumunta!"

Bumalik ako sa upuan ko at naramdaman ko na lang na ibinato niya ito kaya nasa ulo ko na 'yon ngayon.

"Trane!"

Nanlaki ang mata ko at agad na kinuha ang jersey sa ulo at mabilis na inilagay sa bag. Mahirap na, baka bumuga pa 'yan ng apoy, imbes na bati kami kahapon.

"What's that?" tanong niya.

"Tinago niya notes niya, ayaw ako pakopyahin," It's Clerard. Tumango pa siya para kumbinsihin si Trane na nasa harap ko.

Umupo lang siya sa tabi ko at sumandal sa balikat ko. Napabuntong-hininga pa siya na para bang pagod na pagod.

"Sa'n ka galing? May ginawa ka ba?" tanong ko.

"Mm, hindi ako nakatulog kagabi,"

"B-Bakit?" Napalunok ako. Anong klaseng tanong 'yan?

Inalis niya ang ulo niya sa balikat ko at alam kong nakatingin na siya sa'kin. Hindi ko siya narinig na nagsalita pero narinig ko ang munting tawa niya. He even pinched my cheeks. Inayos niya ang buhok kong nasa balikat at sumandal ulit sa balikat ko.

Hinayaan ko siya hanggang sa naramdaman kong bumigat ang hininga niya. I smiled as I saw his hands holding mine. Kahit na tulog ay ayaw paawat.

"Mabubuking ka rin," bulong ni Persley-gago nang dumaan siya sa harap ko.

Ang gago talaga!

Teka, kaya siya hindi makatulog ay dahil doon sa kiss namin kagabi? Edi inisip niya rin noon yung halikan nila ng babae niya nung boyfriend ko siya? 'Yung nakakandong sakanya?!

Wala sa sariling tinanggal ko ang ulo niyang nakasanday. Namumula naman ang mga mata niyang tumingin sa'kin. Kunot na kunot pa ang noo at pilit na pinoproseso kung ano ang nangyayari.

"Why?" he asked.

Pinagkrus ko ang mga braso ko at inirapan siya. Talaga?! Talagang nagpapahalik siya sa kung kani-kaninong babae?! Nakakandong pa talaga!

"Baby, why?" malumanay niyang tanong. Binitawan niya ang kamay ko at hinawakan ang braso ko. Isinanday niya pa ang ulo niya sa balikat ko at hinaplos ito gamit ang pisngi niya.

"Do we have a problem?" tanong niya pa. "Or," inilayo niya ang sarili niya at hinawakan ang balikat ko. "Does it hurt?" Hinaplos niya pa ito kaya lalong nagsalubong ang kilay ko.

"'Wag mo nga akong kausapin!" iritado kong sabi. Napatingin pa sa'min sila Clerard na nasa likod lang namin.

"Why? D-Did I do something wrong?"

Nakakaawa ang mukha niya pero hindi ko talaga malimutan kung ano ang ginawa nila ng babaeng 'yon!

"Wala," iniwas ko ang aking paningin para hindi na makita pa ang malungkot niyang mukha.

"I'm sorry," saad niya lang at sumandal na ulit sa balikat ko habang yakap ang braso ko.

"I'm sorry, I didn't know what did I do."

"I'm so confused, can you tell me?"

"Baby,"

Paulit-ulit siyang nagsasalita habang hinahaplos pa ang braso ko. Na-guilty naman ako bigla nang makatulog siya habang nagsasalita at ginagawa 'yon.

Napabuntong-hininga ako at tinignan ang mukha niya. Mukhang hindi nga siya nakatulog. Hinaplos ang maamo niyang mukha at agaw pansin naman ang mahaba niyang pilik-mata.

Kawawa naman, nadamay pa sa kabaliwan ko.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now