Chapter 45

2.3K 13 0
                                    

Wala na akong naging balita pa tungkol kay Persley magmula no'n. Nagbago ako ng cellphone para hindi nila ako ma-contact. Ayaw ko munang makipag-usap sa kung kanino na may kaugnayan sa kanila. Na may kaugnayan sa kaniya.

Even Dyna can't message me. Gusto kong kalimutan lahat pati ang mga nalaman ko at mga nangyari sa'kin. Ang mga nangyari sa'min. I felt sad for Dyna. She fell too late.

Sa loob ng anim na taon ay nanatili ako sa puder niya. Siya rin ang nagpaaral sa'kin, at nakapagtapos ako ng college. Siniguro ko sa sarili ko na tatatagan ko na ang loob at hindi basta basta susuko. Hindi ko na gustong ibalik pa ang dating ako. Ang dating mahinang ako.

Pinutol ko na ang ugnayan sa kanila. At sa tingin ko, ayaw ko na silang makita pa.

Ako man ang nag decide na iwan muna siya ay hindi ko maiwasan ang araw-araw na pananabik kong makita siya. For the second time, he's a brokenhearted man again.

Kung nakayanan niya noon, sana mas makayanan niya ngayon. Wala ako sa tabi niya para patahanin o pakalmahin siya sa tuwing nagagalit o nasusuklam siya.

Sana ay may isang tao man lang siyang masasandalan dahil ramdam ko ang lungkot kapag nag-iisa.

"Mama!"

Nagtatatakbong bata ang sumalubong sa'kin sa labas ng bahay. Kasunod naman nito ang Daddy niya.

"Careful, Kyron!" paalala ni Kaizen. Kalmado lang siyang naglalakad palapit sa'min.

Dumamba ng yakap sa'kin si Kyron at pinagpupugpog ako ng halik sa pisngi.

"Miss mo kaagad ako?" I asked.

"Miss kita," sagot niya naman.

"Ako ba, 'di mo miss?" Tanong naman ni Kaizen nang makalapit.

"Ikaw! Tignan mo nakalimutan mo pa isara ang gate! Puro ka kasi pa pogi."

"Leisha naman, tampo kaagad." saad naman nito.

Umirap lang ako. Bumaling ako kay Kyron. "Want mo ba madaming chocolate?" masayang tanong ko.

"Want!" masayang sagot naman nito.

Hinawakan ko na ang maliit niyang kamay at tumingin ng masama kay Kaizen. "Isara mo 'yung pinto!" asik ko rito.

"Opo, kamahalan." aniya, may payuko-yuko pa.

Hinila ko si Kyron palapit sa fridge at kumuha ng chocolates. Pati tuloy ako ay natatakam.

"Here, careful ha? It's cold. " saad ko. He just nodded. "Or? Gusto mo ba ako na ang sumubo sa'yo?"

Tumango-tango naman siya. Kinarga ko siya at iniupo sa upuan niya sa dining area.

"Where did my baby go?" I asked.

"Jabee!"

Napangiti ako sa naging sagot niya. "Looks like you enjoyed it so much, huh?"

"Nag jabee kami, sayang Mama 'di ka kasama." A four year old Kyron said.

"Ayaw kasi ako isama ng Daddy mo."

Ngumuso naman siya. Ngumanga siya ng isubo ko sakanya ang medyo malamig pang tsokolate.

"You're mataka—"

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang basta na lang tinakpan ni Kaizen ng kamay niya ang bibig ng bata.

"Hoy! Ano ba?!" asik ko at tinanggal ang kamay nito. Nakasimangot naman kaagad si Kyron.

"Daady is so bad." aniya. Agad naman napaawang ang bibig ni Kaizen, dumila naman ako para asarin siya.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now