Chapter 46

2.2K 15 0
                                    

Matagal ko nang napatawad si Ate Leiren kahit na sa tutuusin ay wala naman talaga siyang kasalanan sa'kin. Pinili lang siya noon, at wala akong nagawa do'n.

"Tita!" tawag ni Lalia. Nakasunod naman sa kaniya ang kambal na lalaki na si Lucas.

Pumantay ako sa kaniya at ngumiti. "Kamusta ang baby ko? Sayang, tulog si Kyron, napagod sa byahe, gusto pa naman niya makipaglaro sa inyo."

Pagdating pa lang namin dito ay kaagad na iniakyat ni Kaizen si Kyron sa dati kong kwarto nung dito pa ako tumitira, yung wala pa akong matuluyang lugar. May sarili na rin akong bahay kaya hindi na problema sa'kin ang titirhan.

"Sayang naman po, gusto ko rin ang gusto ko na mag play kami ng new games ko." ani Lalia. Nasa tabi niya naman ang nakasimangot niyang Kuya.

"I told you, Tita, dapat ay hindi niyo dinadala 'yan si Kyron kasi hindi na naman ako papansin nito." angil ni Lucas, itinuro pa ang kapatid. Natatawa ko naman na ginulo ang buhok niya.

"Ayaw mo bang may iba kayong kalaro?" tanong ko pa.

Umiling lang siya. Napabuntong-hininga naman si Lalia.

"Mabuti nandito ka," si Ate. Bumaling ako sa kaniya at umayos ng tayo, kanda takbo naman ang magkapatid kung nasaan si Kyron.

Sana naman ay 'wag nilang gisingin dahil kakatulog lang niya, pagod pa naman yun sa pamamasyal kasama ang Tatay niya.

"Gusto ko lang kamustahin si Mama," nakangiti kong sagot. "Kamusta pala kayo ni Kuya Rupert?"

Nagkibit-balikat siya. "He's always busy." tipid niyang sagot.

"Pero okay naman kayo?"

Nang tumira ako rito, maraming nangyari. Si Ate at Kuya Rupert ay naghiwalay. Dito nanalagi si Ate at hindi alam ni Kuya Rupert ang lugar na 'to. Katulad ko ay tinulungan rin siya ni Patricia.

"Hindi ko alam, lately ang cold niya. Mukhang kakalimutan niya pa nga yata na anniversary na namin bilang mag-asawa next week." paliwanag niya. She deeply sighed.

Talagang sobra siyang nalulungkot. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya ay malulungkot din ako. Sino ba naman may gusto na kalimutan ang anniversary ng pag-iisang dibdib niyo.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang balikat niya. "Magiging okay rin ang lahat, Ate."

Kahit ako sa sarili ko, hindi ko alam kung magiging okay pa ba ako sa anim na taong hindi siya nakikita.

"Dinner is ready!" masayang sabi ni Mommy. Nakangiti siyang lumapit sa'min. "Kain na tayo?"

Unti-unti akong napangiti. Nakakapanibago pa rin, narito siya sa harap ko at nagsasalita.

Sabay kaming tumango ni Ate. Imbes na sumunod sa kaniya ay sabay namin siyang niyakap.

"Why?" malumanay na tanong ni Mommy. Napailing ako at hinigpitan ang yakap sa kaniya.

"Na-miss lang po kita," ani ko. Humarap siya at hinawakan ang magkabila naming pisngi ni Ate.

"Nandito lang naman ako palagi." aniya. Siya naman ang yumakap sa'min.

"Anong drama 'yan? Hindi ba ako pwede sumali?"

Sabay-sabay kaming napalingon kay Patricia. Kasama nito ang kasintahan niya at katabi naman nito si Daddy.

"Sali!" sigaw niya pa. Natatawa naman si Daddy na sumunod kay Patricia.

"Family!" hirit niya pa nang makayakap.

I feel so happy. I finally found my home. My real home.

"Tama na," kumalas si Mommy. "Ikaw, Leiren kunin mo na mga anak mo sa taas. At ikaw," turo niya kay Pat. "Ayain mo na ang boyfriend mo na dito kumain."

Napangiti naman ako. Umakyat sa taas si Ate at inaya namn ni Pat ang boyfriend niya, si Austin.

Who would have thought that they will be in a relationship? Halos nga mabingi na ako tuwing nagbabangayan sila.

Sumunod ako kay Daddy sa dining area. Naupo naman ako sa tabi ni Mommy. Sobrang nami-miss ko ang ganitong eksena. Minsan lang kasi ako makabisita rito dahil sa pagkaabala ko sa sarili kong coffee shop.

There, hindi ko alam na may patutunguhan pa pala ako, akala ko ay ubos na, akala ko ay walang wala na ako. Thanks for Kaizen for doing all of that. He's the best.

"Maduga talaga 'yang kapatid mo. Pumunta kami kanina sa coffee shop mo tapos ang kapal, pinagbayad ako." reklamo ni Austin na katabi ko. Katabi niya naman si Patricia na abala sa pagkuha ng pagkain.

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "Sorry na, business lang."

"Anong binubulong-bulong mo d'yan?" maangas na tanong ni Patricia. Umayos naman ng upo si Austin.

"Tita! Bawal po mag talk kapag full ang 'yong mouth." ani Lalia. Kaagad naman napatingin sa'min si Ate.

"At bawal rin makinig sa pinag-uusapan ng iba." aniya sa anak.

Napanguso naman si Lalia. Binigyan lang siya ng kapatid ng fried chicken sa kaniyang plato.

"Daddy, I'm full." Iyan ang sabi ni Kyron. Napakamot naman sa ulo si Kaizen at tumingin sa'kin.

"Kyron, look! Here oh, madaming pagkain si Tito gusto mo paunahan tayo mag eat?" tanong naman ni Austin na katabi ko. Ipinakita niya pa ang plato niya.

Masigla namang tumango si Kyron, doon ko narinig ang pagbuntong-hininga ni Kaizen.

"Nakakatuwa kayong tignan." biglang saad ni Dad.

Natigil naman ako sa pagsubo. Nakatingin na siya sa'min.

"Maganda kasi ako, Dad." ani Patricia na nagpatawa sa'min.

"Patawa ka?" tanong ni Austin.

Kaagad naman siyang kinurot ni Patricia. "Alam mo epal ka, 'wag kang tatabi sa'kin mamaya ah." asik nito.

Natawa naman ako nang makita ang pagnguso ni Austin. Tiklop rin pala siya.

Nang matapos kumain ay mabilis kaming nagpaalam sakanila. Hindi kasi pwedeng mag-stay rito sa bahay.

"Mag-iingat kayo!" nakangiting sabi ni Ate. Kumaway naman ako.

Tulog na nang ipasok ni Kaizen sa kotse ang bata. Tahimik lang ang naging byahe namin at sa tagal ay nakatulog na rin ako. Nagising lang ako nang maramdaman ang pagtapik niya sa'kin.

"Let's go inside." Aniya.

I nodded. Lumabas ako ng kotse at sinundan sila papasok sa loob. Karga niya si Kyron na tulog na naman.

Nang makapasok ay rinig kaagad namin ang doorbell. Mabilis ko namng kinuha si Kyron kay Kaizen para pagbuksan ang taong nasa labas.

Bumungad sa'kin ang nakangiti mukha ni Hannah. Ang asawa ni Kaizen. They're married last 3 years ago. Saksi ako kung gaano kamahal ni Kaizen ang mapapangasawa niya.

"Pasensya na ha, wala kasi kaming mapag-iwanan kay Kyron. Busy rin si Kuya Austin." anito.

I smiled. "Okay lang, wala rin naman akong ginagawa." saad ko.

"Halika na, inaantok na 'yan, hindi kasi natulog kanina." saad ni Kaizen na nakatingin sa'kin. "Matulog ka na, isasarado ko na mga pinto dito ha, pati 'yung gate."

Ngumiti ako at ibinigay sa kaniya si Kyron.

"Maraming salamat." ani Hannah. Tumango ako at kumaway.

Pumasok na ako sa kwarto ko dahil si Kaizen naman na ang bahala mag-lock ng mga pinto. He's always doing that dahil mag-isa lang ako. Mag-isa lang ako palagi sa sarili kong bahay.

Nang mahiga sa kama ay doon ko na naman naramdaman ang lungkot. Lungkot ng nag-iisa, naghahanap ng kasama. They're all happy now but... how about me? What about me? I badly want to feel that happiness again. I badly want to meet him.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now