Chapter 19

549 7 0
                                    

"Goodmorning, mahal!" Ew. Kay Siopao ko lang dapat itatawag 'yan pero wala akong choice kun'di tawagin ng gan'yan si Trane.

Gagana kaya 'to?

"Paawat ka naman, prinsesa! Ang aga-aga kadiri ka!"

Bakit ba siya prinsesa ng prinsesa?!

Ngumiwi ako at inirapan siya. "Kay aga-aga rin ay nangingialam ka! Palibhasa 'di ka gusto ng gusto mo e!"

"Hoy!" Bumuka ang bibig niya nang lingunin ko pero walang salita ang lumabas.

I smirked. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Hindi siya gusto ni Dyna. Nanahimik naman siya sa inuupuan niya. Aba, dapat lang 'no.

Lumapit na lang ako kay Trane at umupo sa tabi niya. Maaga siya ngayong dumating at hindi ko alam kung bakit.

Baka gusto niya makita kaagad ang girlfriend niya at ako yun.

"Here, oh." I handed him a two pieces of flower na binunot ko lang sa garden kanina habang papunta rito.

"The fuck?" Masama ang tingin niya sa'kin.

"Ano ba! Puro ka gan'yan! Alam mo bang pinaghirapan ko 'tong kuhanin?" asik ko. Nakatitig lang siya sa'kin na para bang wala lang.

Napabuntong-hininga ako. Inis kong kinuha ang isang bulaklak at inilagay sa itaas ng tainga niya. Sa kabila naman iyong isa.

"Wag na 'wag mo 'yang tatanggalin ha?" dinuro ko pa siya pero blanko pa rin ang mukha niya.

Nakakainis talaga! Boyfriend ko ba talaga 'yan?

Iniwan ko na siya do'n at umupo sa silya ko. Panay tingin naman sa'kin ng mga kaklase ko. Ano? Ngayon lang sila nakakita nito?

"You're funny." Clerard chuckled. Isa pa 'to. Hindi man lang ako tulungan manligaw sa kaibigan niya! At isa pa! Dapat ako ang nililigawan niya!

"Sungit."

"Tse!" Tinalikuran ko siya at sakto naman na tumama ang paningin ko kay Railey na nakatingin pala sa'min ni Siopao.

"What are you looking at?"

"Nothing, napaisip lang ako, ikaw lang ang naglakas loob na kausapin kami. Aren't you afraid of us?"

I scoffed. "E sa mukha pa lang nitong unggoy na kapatid mo, e 'di na ako matatakot 'no! Mukhang abnormal, buti hindi ka nahawaan." Nang-ju-judge kong tinignan si Persley-gago.

"Ang kapal. Wow, your face are so thick." Sarkastikong aniya pa.

I nodded. "Nakuha ko sa'yo."

Tatayo pa sana siya nang dinuro ko siya. "Sige! Lumapit ka! Malalaman ni Dy—"

"Shut up!" Sobrang bilis niyang nakalapit sa'kin at hawakan ang bibig ko.

Kinagat ko siya at umaaray naman siyang lumayo sa'kin.

Wow? Kagat lang 'yan umaaray na siya? Akala mo naman hindi humahawak ng baril.

"Takot ka pala e."

Tinulak ko siya at itinuon ang tingin sa pisara. Napansin ko naman na tatawa-tawa si Kleo. Napatingin ako sa katabi niyang upuan.

Namimiss ko na talaga si Kiev.

"Trane!" Pagtawag ko sakanya nang tumayo siya. "Sa'n ka pupunta?"

"Mind your own business."

The hell? Hoy! Girlfriend mo'ko! Baka nauntog siya at nakalimutan niya bigla?

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now