Chapter 33

679 7 0
                                    

Maaga man akong nagising ay hindi ako excited pumasok.

Gusto ko sanang huwag na pumasok dahil puro lang naman activity ang gagawin.

It's 21st Foundation Day. Abala sila Clerard dahil anak siya ng principal.

Doon ko lang nalaman na ang tumulong pala kay Kiev na makapasok sa senior high para makasama ang Kuya niya ay si Siopao.

Nakasuot lang ako ng white t-shirt na may mukha ni Stitch na itinuck-in ko sa white floral skirt at pinaresan ng white flat shoes.

Mukha akong anghel kung tutuusin. Wala kasi akong tshirt ng school na 'to kaya ito nalang ang sinuot ko. Sabi nila ay light blue daw ang palaging damit tuwing foundation day.

Iyon nga ang naabutan ko sa classroom. Pagpasok ko pa lang sa gate ay sobrang dami na kaagad na tao. May mga magulang rin na kasama ang anak nila.

"Nasa'n sila?" Tanong ko sa mga kaklase kong babae. Sila lang kasi ang naabutan ko sa classroom. Nag-aayos sila ng buhok at mukha habang hindi pa naman nagsisimula ang program.

"Mga lalaki nga naman, basta lang umaalis ng walang paalam." Saad ng kaklase kong katabi ni Carlo sa upuan.

"Cute mo!"

Napayuko naman ako sa sinabi ni Rina. Ngumiti ako sakanya.

"Tabi!" asik ng isang estudyante sa labas. Napatingin kami rito.

Bakit andaming estudyante sa labas ng room?

Inilapag ko ang bag sa upuan at kinuha ang phone.

To Travisbf♡:
I'm here

Nagreply naman siya kaagad.

From Travisbf♡:
Otw

Otw lang? Kainis naman siya.

Napabaling ako kay Carlo na pumasok ng classroom. Halos ipagtulakan pa siya ng mga babae sa labas. He's wearing a blue t-shirt na may nakalagay na 21st foundation of Cleram High School. May apelyido niya rin ito sa likod.

"Bakit mag-isa ka lang?" Lumapit ako sakanya.

Inilapag niya ang speaker sa gilid. "Kasi hindi ako dalawa,"

Napasimangot naman ako. "Ang sungit! Parang hindi mo ako tinanungan tungkol kay—"

"Tahimik! Eto na nga oh! Hintayin mo nand'yan na sila."

Napatango na lang ako sa kasungitan niya. Napanguso ako nang lumabas siya ng room at inilibot ang paningin.

Ako lang ba talaga ang nakaputi ngayon? Cute ko naman dito e.

Ano naman ang gagawin nila dito sa speaker?

Tatalikod na sana ako para pumunta sa upuan pero narinig ko ang pagtilian ng mga estudyante sa labas at pagtunog ng speaker dito sa loob ng classroom.

"Gimme your, gimme your, gimme your attention, baby," pagsabay ni Persley sa music. Nag slide siya ng nakatayo at ginaya ang posisyon ni Michael Jackson habang may hawak pang bulaklak sa kaliwang kamay.

"I gotta tell you a little somethin' about yourself. You're wonderful, flawless, ooh, you a sexy lady." pagkanta pa ni Railey habang kalmado lang na naglalakad papasok ng room at may hawak ring bulaklak.

Anong eksena 'to?

Natawa pa ako nang muntik pang madapa si Kiev sa pagpasok dahil pinatid siya ni Carlo.

"But you walk around here like you wanna be someone else." pagkanta niya. Nakabusangot pa pero lumapit siya sa'kin at ngumiti saka ibinigay ng flowers.

"Inamo, ako mauuna!" asik pa ni Persley-gago na nakatayo sa harap ng pisara katabi ang kambal.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now