Chapter 34

661 9 0
                                    

Maraming nag sasayaw sa stage at abala naman ang iba sa mga booth.

Hihilahin ko sana si Trane para dalhin sa photo booth nang mapansin ko si Dyna.

"Sama ka?"

Umiling siya. "No? Sasama na muna ako kila Roan." Aniya. Hindi pa ako nakakapagsalita nang bigla na lang siyang umalis na kumakaway pa.

Nang lingunin ko si Persley-gago ay nakanguso na 'to.

"Sama kayo?" Nakangiti kong tanong sa kanila.

"Sama ako!" Si Kiev, lumapit pa siya sa'kin.

"Tara?" pag-aya ko. Ngumiti lang sila at hindi ko aasahan na tatakbo sila.

Pinangunahan nila ako!

"Hoy, sandali!" Kinuha ko ang kamay ni Trane at hinila at sinabay sa pagtakbo.

Magaling. Sila pa talaga nauna ha.

Nang makarating sa photo booth ay kanya-kanya silang kuha ng props.

Hawak ni Persley ang mustache at gano'n din si Railey. Suot naman ni Kiev ang flower crown  and the word 'I'm hungry' naman kay Kleo.

Bumaling ako kay Trane at pinayuko siya.

Bakit ba kasi ang tangkad niya?

"Relax, kitten." He chuckled. "Nagagalit ka kaagad e." Aniya pa kaya hinampas ko na.

Sinuot ko sakanya ang paper sunglasses at flower crown naman ang sa'kin.

"Ready po?" Tanong ng photographer.

Nag thumbs up kami ni Persley, pero napansin ko si Clerard. Wala man lang hawak na props. Lumapit ako sakanya at isinuot ang cowboy hat, kailangan niya pang yumuko para masuotan ko siya.

"Ngumiti ka naman, Siopao," ani ko.

Ngumiti lang siya at tumango kaya bumalik ako sa pwesto ko. Nakasimangot na si Trane.

"Problema mo?"

Hindi siya sumagot at pumunta lang sa likod ko.

"Okay na po?"

"Oo na! Tagal mo!" Si Persley. "Pumuputi na bigote ko, bilisan mo!"

Tatlong take ata ang ginawa ng photographer.

"Ang bigat ng kamay mo!" Baling ko kay Trane. Wala siyang ibang ginawang pose kun'di ipatong ang braso niya sa ulo ko at ngumiti.

"There, the kitten is angry again," umirap siya.

Cute.

"Bigat mo kaya, you know?" Ibinalik ko ang hawak kong props.

"'Te isa pa nga!" hirit pa ni Persley-gago. Tumabi kami ni Trane at hinayaan ang kambal na mag picture.

"Nagugutom ka ba?"

Napalingon ako sakanya. "Hindi pa naman, bakit?"

"Ako, oo."

I pouted. Epal naman, gusto ko pa magpa picture e.

"Kain tayo?" pag-aya ko. "Baka gusto mo lang ng milktea ha," ungot ko pa.

"Yoko,"

"Sure 'yan?"

"Of course."

Napatango naman ako. Naisip kong magpaalam sa kanila para maghanap ng makakakain pero nakita ko ang babaeng kaasaran kanina ni Persley.

"Tinitingin-tingin mo?" mayabang na tanong ni Persley. Maangas niya pang ibinaba ang bigote niya raw.

"Pangit ka pala sa malayo," sabi ng babae.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now