Chapter 9

487 4 0
                                    

"Trane!" Pagtawag ko nang makita ko siya sa may parking lot. Bitbit ang bag niya sa kaliwang balikat ay lumingon siya sa'kin, pero agad rin umiwas ng tingin at nagsimulang maglakad.

Sungit!

"Trane!" Pagtawag ko pa. Ayaw niya talaga ako lingunin kaya hinabol ko na.

Napatigil ako nang may makitang mga maliit na bulaklak na nakatanim lang sa gilid. Pumitas ako ng dalawa at muling sinundan si Trane.

Nang mahabol ko siya ay iniabot ko sakanya ang bulaklak na hawak ko. Napaarko naman ang kilay niya.

Nanliligaw pa rin ako kaya hindi ko talaga siya titigilan hangga't hindi ko siya nagiging boyfriend. Ewan, parang feeling ko, kapag napa-oo ko siya, magiging maayos na ang lahat.

"The fuck are you doing?" He asked. As usual.

"Giving you flowers?" Patanong kong saad. Bakit? Masama ba magbigay ng bulaklak sa lalaki?

"You're embarrassing me." Aniya kaya napalingon naman ako sa paligid. Ang iba nga ay nakatingin sa'min.

Pakialam ba nila?

"Tanggapin mo na kasi 'to." saad ko. Tanggapin niya lang naman hindi pa magawa.

"Tatanggapin ko lang 'di ba?" tanong niya pa.

Napatango-tango naman ako. Tinanggap niya nga ang bulaklak na hawak ko pero inilapag niya rin lang ito sa sementong upuan.

Ang rude!

Mukhang ako tuloy napahiya dahil naiwan akong mag-isa rito. Pinagtitinginan pa nila ako pero tinaasan ko lang sila ng kilay.

-

"Trane!"

Dumaan ang mga araw pero hindi ako natigil sa araw-araw na pagbigay sakanya ng bulaklak at pag-abang sa kaniya sa parking lot.

Ang sabi pa ni Persley ay mukha daw akong tangang paulit-ulit sa ginagawa e hindi naman tinatanggap ni Trane ang mga bigay ko.

Pakialam ba niya, wala naman siyang ambag sa buhay ko.

"Tell me, why are you doing this?" tanong ni Clerard nang madaanan ko siya sa locker room. Mukha ngang sinadya niyang abangan ako para makausap.

"Gusto ko siya." Diretsong sabi ko.

Natigil naman siya at napatitig sa'kin. "Hindi mo siya gusto, Leisha."

"Paano mo naman nasasabi? Hawak mo ba puso ko?"

"I'm not joking, Leisha."

Natahimik ako dahil mukhang hindi talaga siya nagbibiro. Inilagay ko ang mga notebook ko sa aking locker at sinara ito. Nakatingin pa rin siya sa'kin kaya wala akong nagawa kun'di harapin siya.

"Gusto ko siya, Siopao, okay? Hindi naman porke ginaganon ko siya e pinaglalaruan ko lang siya."

"You should be careful. Hindi mo alam kung anong pinapasok mo. Look, I'm just concern okay?" Bumuntong-hininga siya. "I don't want you to be hurt."

Napatitig ako sakanya. To be hurt? Why masasaktan lang ba ako sa ginagawa ko? E siya na lang ang tanging paraan ko para hindi maikasal sa kung sino man na taong 'yon.

"Feelings ko 'to. Ako lang pwede mag control nito. Gagawin ko kung ano ang gusto ko, Clerard. Gagawin ko kung ano ang makakabuti sa'kin."

Itinikom niya ang kanyang bibig. "Just... be careful."

Iyan lamang ang sinabi niya at bigla na lang umalis. Napabuntong-hininga ako at napatingin sa kawalan. Bakit niya ba ako pinagbabawalan? Bakit niya sinasabi na masasaktan lang ako?

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now