Chapter 38

713 5 0
                                    

"Ang OA mo!"

Kaagad kong sinabunutan si Persley dahil sa naging sagot niya. "Anong OA?! Tignan mo nga ang mukha niyan!"

"Mukha pa rin naman 'yan, nalagyan lang ng kolorete dahil sa kagaguhan niya." aniya pa.

Lumapit sa'min si Trane at tumabi siya sa'kin habang ang dalawang magkapatid ay nasa lamesa pa rin, pinagmamasdan lang kami.

"He disrespected my girlfriend." Trane said.

Napanganga ako. Ito ba yung sinasabi niya na kapag bumalik siya ay dudurugin niya si Jon?

The hell?

Halatang bago pa ang sugat nito dahil kitang-kita ko pa ang pagtulo ng dugo niya mula sa ulo.

"Baliw ka ba?! Kawawa naman 'yung tao—"

"No, he's not! Tama lang sa kaniya 'yan. Isa pa, he kidnapped Princess. Paano akong hindi magagalit sa kaniya?" bumaling siya sa'kin. "He deserves that, kitten."

"Sus, ayan na 'yung langgam." It's Kleo.

"Kadiri!" Sino pa ba? The one and only, Persley-gago.

Kinidnap ni Jon si Princess? Bakit naman?

Ikinwento sa'kin ni Trane na sa ibang lugar sila pumupunta kada biyernes. At mas lalong hindi raw ako pwede dun. Kleo and Kiev said that matagal na raw nilang alam ito. Magmula pa nung kinupkop sila ng Cleratraper.

-

Napabangon ako sa kama nang marinig na mag-alarm ang phone ko.

"Wake up, baby."

Napangiti ako. It's Trane's voice. Siya mismo naglagay niyan para daw kapag kagising ko ay boses niya kaagad ang naririnig ko. Ang daming arte.

Bumangon na ako at bumaba ng kusina. Wala si Dad ngayon dahil weekend. It's Sunday and I know na doon na naman 'yun natulog sa kompanya sa sobrang daming mga papeles. Wala rin dito si Kuya Leo. Siguro ay may iniutos sa kaniya si Dad.

Napagpasyahan kong mag jogging habang maaga pa. Dito lang naman ako sa loob ng village kaya okay lang.

Matagal-tagal na akong hindi nakakapg jogging dito dahil sa abala sa pag-iisip tungkol sa kasal. Hindi ko pa rin nakakalimutan na ikakasal pa rin pala ako.

But now that I have Trane by my side? I have no fear. Hindi ako natatakot sa anumang desisyon ni Dad dahil nand'yan naman si Trane, hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa'kin.

"Sorry!" ani ko sa nakabangga at nagpatuloy sa pagtakbo. Busy kasi ako sa pakinig ng magandang music mula sa earphones ko.

Muntik na akong madapa nang may tumulak sa'kin. Inis kong inalis ang earphones ko at lumingon.

"Ano?!"

"Ang aga-aga nakasigaw ka kaagad, smile ka naman d'yan."

Napairap ako. It's Austin, even sa pag jogging ay naka jersey siya!

"Oh! 'wag ka namang tumingin ng gan'yan, may training kami rito kaya ganito ang suot ko." paliwanag niya.

"Paki ko?"

"Naman o! Sungit!" sigaw niya pa nang tumakbo ako. Napansin kong humabol siya napabuntong-hininga na lang ako.

"Hindi ka man lang talaga pumunta sa laro namin."

Hinarap ko siya, "May boyfriend ako." saad ko at ibinalik ang earphones. Ang aga namba-badtrip siya.

Napatigil ako at napapadyak nang may tumawag sa cellphone ko. Pagtingin ko ay unregistered number.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now