Chapter 6

594 10 0
                                    

Nang matapos ang morning subject ay mabilis kong sinundan si Trane na papalabas na ng room. Nakasunod kay Trane ang tatlo.

"Where are you going?" Tanong ni Clerard nang makitang nasa tabi niya ako.

"Ano... may ibibigay lang ako." Itinuro ko si Trane.

"Love letter ba 'yan? Ang korni mo naman pala." Sabat ni Persley-gago.

Mas korni naman pagmumukha mo!

Naku talaga, kung malapit lang ako sakanya, sinipa ko na siya.

Napatigil sila sa paglalakad at nangunguna na nga si Trane, akala mo walang kasama e.

"Importante ba 'yan?" Tanong ni Railey.

"Malamang nonsense 'yan." Si Persley-gago. Napaka ano talaga!

"Mas nonsense pa mukha mo e," Asik ko, tinawanan naman siya ng kambal niya.

"Leisha, be careful, I'll let you talk to him," Saad ni Clerard.

Bakit? Delikado ba siyang kausap?

Yan! Ito na nga hinahanap ko, sigurado akong makakausap niya si Dad.

"Okay!" Hindi ko na siya pinatapos pa kung ano man ang sabihin niya at agad na sinundan si Trane.

Paglingon ko sa may garden ay wala siya. Nang pumunta ako sa quadrangle ay nakita ko 'yong likod niya kaya tumakbo ako para maabutan siya.

Ano ba, Trane! Gusto ko lang naman ng usap! Usap lang, promise!

Napatigil ako sa paghahanap nang mapansing nasa ibang building na pala ako.

Grade 10 'to ah?

"May napadpad na mataas ang tingin oh,"

"Akala mo talaga irerespeto sila rito."

"Hoy! Anong ginagawa mo rito?"

Napalingon ako sa sumigaw. Nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit parang wala silang respeto sa nakakatanda sa kanila?

"Ako?" Tanong ko pa kahit na ako naman talaga ang tinutukoy nila.

"Bulag ka ba?" Tanong ng isang lalaki. Lima silang lumapit sa'kin at 'yong isa ay tinulak pa ako sa balikat.

"Ano ba?!" Sinamaan ko sila ng tingin. "'Wag mo nga akong hawakan!"

Naagaw ang atensyon ng iba nang dahil sa sigaw ko na 'yon. Matalim ang mga titig nila sa'kin na para bang may ginawa akong masama.

"Maarte. Mataas ang tingin sa sarili. Walang respeto." Saad ng pinaka matangkad sa kanila.

"Kayo ang walang respeto! Can't you see? I'm your senior!"

"Talaga? Senior?" Tanong niya pa habang tinutulak ang balikat ko.

Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko pero ibinalik niya lang iyon at patuloy sa pagtulak gamit ang malaki niyang kamay.

"Stop!" Inis na sigaw ko pero napalala lang yata ang sitwasyon dahil silang lima na ang tumutulak sa'kin hanggang sa napaupo na ako.

Bwisit!

Magsasalita na sana ako pero gulat silang napalingon sa kung sino man ang nasa likuran ko. Ang kaninang maaangas na estudyante na 'yon ay kaniya-kaniyang karipas ng takbo. Iyong ibang estudyante naman ay nag-iwas ng tingin.

Tinulugan ko ang sarili na makatayo at tinignan kung sino ang taong nasa likod ko.

"Trane!"

Hindi niya ako pinansin at nakapamulsa pa talagang tumalikod at naglakad palayo.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now