Chapter 37

689 6 0
                                    

"Puro math! Nakakaasar na! Nakita nang bobo 'yung tao oh!"

Unang sigaw ni Persley pagkalabas ng pagkalabas ni Ma'am. It's Friday of course, hindi magpapahuli ang quiz. I'm so tired to the point na gusto ko na lang umuwi at humiga sa malambot kong kama.

"Anong tinitingin-tingin mo?!"

I raised my pinky finger. "Malamang may mata ako!" asik ko.

"Bunutin ko kaya!"

"Hoy! Kung badtrip ka sa score mo, 'wag mo akong idamay!" inis ko siyang binato ng libro na kaagad niya namang nailagan.

"Tanga!"

"Hoy! Anong pinagsasasabi mo sa best friend ko?!" It's Dyna. Uwian na at nandito na naman siya, masaya kasi hindi na siya pinagbabawalan pa ng Mommy niya na umuwi ng gabi.

Napansin ko naman ang pananahimik ni Persley. Napairap ako, tiklop rin naman pala.

"Let's go?" pag-aya ni Trane.

"Saan?" tanong ko. Lumapit sa'min si Dyna at kumaway sa katabi ko.

"You want to know more about me?"

It's interesting. Know more about him? Hell yeah, tell me more about yourself, about being who you truly are. Hinding-hindi kita huhusgahan.

"Labas na," sabi ni Persley at basta na lang itinulak si Dyna palabas.

"T-Teka! Sandali lang naman! Kasama ko 'yung kaibigan ko oh!" sigaw ni Dyna pero hindi naman siya pinapakinggan ni Persley.

"Persley!" tawag ko.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni Trane sa pisngi ko at pinaharap sa kaniya.

"She'll be safe," he said.

Nakampante ako lalo na nang malaman ko na si Persley pala ang kasama niya. Hindi niya hahayaang mapapahamak ang taong gusto niya.

Dinala ako ni Trane sa kotse niya at pinaandar ito palabas ng campus. He even called Siopao para pumunta sa lugar na pinupuntahan nila kada Friday.

Seryoso ba siya? Seryoso siyang ipakita kung ano man ang ginagawa o pinupuntahan nila kapag biyernes? Anong meron?

"Are you hungry?" tanong niya.

I shooked me head. "Hindi naman," sagot ko pero naririnig ko ang sariling tiyan na tumutunog.

"There's a sandwich on the backseat, dala nila Kleo at Kiev,"

Dala? Bakit saan sila nagpunta?

Hindi ko na siya tinanong pa at kinuha na lang ang sinasabi niya. Kahit pa man na sinabi ko na hindi ako gutom. Sandwich nga. Kinuha ko ang isa at ibibigay ko sana sakanya ang isa nang mapagtanto kong nagmamaneho pala siya.

Napagdesisyonan kong subuan na lang siya. Palinga-linga pa siya sa paligid para malaman kung may nakasunod ba sa'min. Habang sinusubuan siya ay hindi ko maiwasan isipin ang lugar kung saan kami pupunta. Bahay ba? Warehouse? Lumang gasolinahan o dagat? Hindi ba't sabi niya, dagat ang nagpapakalma sa kaniya?

Umilaw ang phone ko sa bag kaya kinuha ko ito matapos subuan si Trane.

Unknown:
Hi, still waiting for you.

My lips parted. Don't tell me..

Unknown:
It's Austin, got your number from Kai

"Sabi ko na nga ba," naiusal ko.

"What's the problem?" tanong niya, tumingin pa siya sa'kin saglit at itinuon ulit ang atensyon sa pag d-drive.

"W-Wala,"

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now