Chapter 4

647 8 0
                                    

Ilang oras na akong naka stay rito sa quadrangle. Nakaupo lang habang iniisip 'yong kahihiyan ko kanina.

Bwisit talaga na Persley na 'yon!

Inis akong tumayo at nagsimulang maglakad. Hinahanap na kaya ako ni Dyna? Tatlong sunod-sunod na subject ang hindi ko napasukan dahil sa badtrip. 'Wag naman sanang malaman ni Daddy 'to.

Nang makakita ako ng bato sa paanan ay malakas ko itong sinipa.

Nanggigigil talaga ako sa Persley na 'yon!

"Fuck!"

Napaangat ako ng tingin. Napalitan ng takot ang inis ko kanina nang makita ang kaharap.

Tinaasan niya ako ng kilay. "The fuck are you doing?" Inis na tanong ni Trane.

Napakagat ako sa ibabang labi. Isa pa 'to, 'di ko alam kung matatakot o magagalit ba ako kasi isa rin siya sa nag-lock sa'kin sa CR nung first day.

Imbes na sagutin siya ay tumakbo ako palayo sakanya. Malayo, hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Ayaw ko siyang kausap, feeling ko kahit wala siyang ginagawa sinasakal niya na ako.

"Aray!" Sapo ang pang-upo na nag-angat ako ng tingin. I bumped into someone.

"I'm sorry, I was just busy—Leisha?"

Umawang ang labi ko nang makilala ang nagsalita. Si siopao pala 'to e.

"I'm sorry, are you okay?" Tanong niya at tinulugan akong tumayo.

Pinagpag ko ang palda kong nadumihan ng kaunti at nakangiting humarap kay Siopao.

"Oo, okay lang ako," kahit araw-araw mo pa akong bungguin, ayos lang sa'kin. "Saan ka pala pupunta?" Nakangiti ko pa ring tanong sakanya.

"Canteen, wanna go with me? Kumain ka na ba?"

Dami mo namang tanong, mahal.

"Ah, h-hindi pa pero sabay kami ni Dyna," palusot ko. Hinahanap ba talaga ako ni Dyna?

"Okay? Then, mauuna na ako?"

Tumango-tango naman ako. "Mmm, ba-bye!" Kumaway rin siya pabalik at umalis na.

Eatwell, mahal!

"Lawak ng ngiti,"

Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang boses ni Dyna.

Hinahanap niya na nga yata ako.

"Crush mo?" Tanong niya.

Nakangiti naman akong tumango. "Pogi-pogi!"

"Sus, bounce ka na agad, may bali-balita na may girlfriend 'yan."

Nanlaki ang mata ko. "May girlfriend siya?"

"Oo, anyway, naikwento na sa'kin ni Kleo ang nangyari. Kasalanan ko rin, hindi ko nasabi sa'yo na may kambal si Persley. Bakit kasi hindi ka nagtatanong?"

"Aba! Sinisi mo pa ako? Hindi ba't responsibilidad mo 'yon bilang best friend kasi ikaw ang matagal na rito?" Asik ko pabalik.

Napasinghal naman siya. "Gusto mo ba na magkwento ako?"

Napatango naman ako. "Oo 'no! Ayoko na maging mukhang tanga ulit."

Papunta sa canteen ay nagsimula siyang mag kwento.

Inuna niya ang kambal na si Persley at Railey. Minsan daw ay palaging nasasaktan si Railey dahil sa mga kalokohan ni Persley-gago, katulad na lang nga kanina na napagkamalan ko si Railey na si Persley. May palatandaan naman pala kung paano malalaman kung sino si Railey at sino si Persley. Bukod sa uniform nila ay may balat rin sila na maaari mong tignan para malaman kung sino sila. Si Persley ay may balat sa kaliwang braso at sa kanan naman ang kay Railey na mabilis lang malaman dahil palaging white t-shirt lang ang suot ni Railey.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now