Special Chapter

1.6K 17 11
                                    

Loving a Brokenhearted Man is painful. Sa una, masakit, hindi mo alam paano mo mahihilom ang naging sugat niya sa puso. Hindi mo alam kung mapapaibig mo pa ba siyang muli.

Akala ko madali lang ang magmahal, iyon pala ay hindi. Sa pagmamahal, kailangan mo ng tiwala, tatag ng loob at hindi pwedeng hindi ka masaktan. Kahit na alam ko na ang kahihinatnan ko kapag inibig ko siya ay ginawa ko pa rin.

"Happy birthday, baby!" masayang sabi ko sa anak kong si Trazen. Tumawa siya dahil sa saya ng boses ko.

Lumapit sa'min si Trane at humalik sa pisngi ng anak, at hindi niya ako pinalampas. He almost grabbed my cheeks just to kiss me!

"Travis!" suway ko. Pinandilatan ko pa siya ng mata.

He just chuckled. Yumakap siya sa'min at muli pa akong hinalikan sa may sintido.

"Smile!"

Sabay kaming napalingon kay Kleo. May hawak siyang camera na kanina pa siya nagiikot-ikot para kumuha ng litrato.

"Yun oh! Ganda!" hiyaw niya. Napangiti naman ako. He just took a picture of us.

Madaming dumalo sa first birthday ng baby boy ko na si Trali. Lahat ng mga Villaquer ay nandito, pati na rin ang mga kaibigan ko.

"Siopao!" sigaw ko nang makita siya sa nagkukumpulan na bisita.

Kumaway siya at nakisiksik. Nakangiti siyang lumapit sa'min.

"Congrats!" bungad niya.

"For what?" tumawa ako. Anong sinasabi niya? Congrats dahil nanganak na ako? E sinabihan niya na ako noon pa.

"For uh..."

Itinaas ko ang aking kaliwang kilay, naghihintay sa sasabihin niya.

"F-For inviting me." Napatingin pa siya sa katabi ko kaya tinignan ko naman si Trane. Blangko lang ang mukha nito. Siniko ko nga, birthday ng anak niya tapos naka simangot siya?

"Yun lang naman pala, tagal mo pa sabihin."

Ngumiti lang siya. "Anyway, can I carry him?" tanong niya pa.

"Oo naman 'no! Marunong ka ba?" tanong ko pa. Even lumalaki na si Trali ay hindi ko naman basta basta pinapahawak sa mga hindi talaga marunong magkarga ng bata.

"Ako pa ba?" mayabang niyang saad.

Nakangiti ko namang ibinigay sa kaniya ang malikot na si Trali. Kaagad naman na dumating si Persley.

"Hoy! Ako nauna!" asik niya kay Clerard. Bumaling siya sa'kin nang nakasimangot ang mukha. "Sabi mo ibibigay mo siya sa'kin?"

"Ang tagal mo! Nakikipagdaldalan ka pa d'yan sa mga bisita e 'yung iba nga hindi mo naman kilala."

"That's him." sabad ni Trane. Tumango pa siya kay Persley na inirapan lang siya at bumaling kay Clerard na karga ang anak ko.

"Achuchuchu, gusto mo ba sa pogi mong Tito?" masayang sabi ni Persley kay Trali. Agad namang ngumiti si Trali at gumagawa ng cute na ingay.

"Ay o, gusto talaga niyan sa Tito niyang pogi, lika!" akmang kukunin ni Persley si Trali kay Clerard nang ilayo naman ni Clerard si Trali sa kaniya. Ending, naghabulan silang dalawa, tuwang-tuwa naman ang anak ko.

Napasandal ako sa balikat ni Trane. I deeply sighed. Hindi ko akalain na umabot kami sa ganito. Na magkakaroon ako ng masayang pamilya kasama siya.

"Tita!" umiiyak na Lalia ang lumapit sa'min. Nagkatitigan naman kami ni Trane at napatingin sa kaniya.

"Why baby?" tanong ko nang magpantay kami.

"K-Kyron, just took my chocolates. Hindi naman po ako makapag reklamo kasi ako po yung mas older." aniya, panay ang punas sa mukha.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now