Chapter 24

640 7 0
                                    

Kung hindi pa ako hihilahin ni Persley-gago palabas ng kwarto na 'yon ay hindi pa ako sasama sa kanila dahil sa pagkatulala.

Ano raw? Selos?

Asa naman ako 'no! Kailan pa magseselos ang lalaking 'yon e wala nga 'yon pake sa'kin.

"Kapag nadapa ka, hindi ko kasalanan ah." bulong ni Persley sa tabi ko. Mas lalo naman akong kumapit sa braso niya.

"Tangina, kay Kuya ka humawak, masasapak na naman ako no'n." aniya pa.

Wala akong nagawa kun'di bumitaw sakanya at kumapit sa braso ni Railey habang tumatakbo.

Nakakatuwang Kuya pa rin ang tawag niya kay Railey kahit na minuto lang naman ang pagitan nila.

Nang makalabas ng building ay hindi ko na rinig ang barilan. Madami pa ring tao ang nasa loob kaya bumalik ang kambal.

Nasa loob pa rin daw sila Dyna kaya nag-aalala pa ako. Sana naman ayos sila nila Kleo. Hindi pa naman magaling ng husto si Kiev.

"Are you alright?"

Nakakapanibago.

Titig na titig lamang ako sakanya habang kinakausap niya ako. Hindi ako sanay na sobrang hinahon ng boses niya.

"Nauntog ka ba?" tanong ko.

Nangunot naman ang noo niya.

"Nauntog ka nga."

"The fuck?" Iyan lamang ang naisagot niya.

Inirapan ko siya. Napatingin ako sa tinitignan niya.

"Bastos!" Napahawak ako sa dibdib ko at tinakpan ito. Muntik ko nang makalimutan na tube lang pala ang suot ko. Ngayong nasa labas na ako ay ramdam ko na ang lamig.

"Let's go." Hinawakan niya ako sa kamay at hinila palapit sa kotse niya.

Wow ha. Nakakapanibago talaga, nung isang araw lang ay halos isubsob ko na ang sarili ko makasakay lang sa kotse niya tapos ngayon siya na nag-aaya.

"Leisha!"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Kuminang ang mga mata ko nang makita si Ate Leiren na kalalabas lang ng hotel.

Nasa loob siya?

Gusto ko sanang bumitaw sa hawak ni Trane pero hindi niya ako hinayaan. Nakalapit na sa'min si Ate at kumaway sa'kin.

"Okay ka lang ba?" She asked. Napalingon siya sa katabi ko. "Boyfriend mo?" Nakangiti niyang tanong.

Ngingiti na rin sana ako nang maramdaman ko ang unti-unting lumuluwag na hawak ni Trane sa kamay ko.

Napalingon ako sakanya. Titig na titig siya sa kaharap niya. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Rad..." He whispered.

Rad?

That familiar name.

Don't tell me...

Napatunayan ko lang na tama ang nasa isip ko nang mabilis na lumapit si Trane kay Ate at yakapin ito. Hindi man ako ang yakap niya ay ramdam ko ang higpit niyon. Ramdam ko ang pangungulila. Ramdam ko ang... pagmamahal.

I found myself crying in front of them. This was the painful image I saw in my birthday.

"I-I miss you..."

And that was the painful words I heard from him.

I bit my lower lip as I heard him sobbing while hugging Ate Leiren.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now