Chapter 7

528 8 0
                                    

Anong ibig sabihin ni Pat?

Pagkatapos ng klase ay hindi ko na nakita pa ang apat. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang tingin nila sa'kin.

Ano ang nagawa ko?

"Leisha!"

Napalingon ako sa sumigaw. Si Dyna, kumaway siya sa'kin bago pumasok sa classroom. Palabas naman na 'yong iba kaya ayos lang.

Sa paglapit sa'kin ni Dyna ay kasama niya na si Kleo at Kiev. Mukhang gusto rin ng kwento.

"Totoo ba 'yong sinasabi nila?" Bungad niya. Naupo siya sa tabi ko habang nakatayo naman sa harap ko si Kleo at Kiev. Halata sa mukha ni Kleo na nag-aalala siya. Iritado naman ang mukha ni Kiev. As usual.

Tumango ako.

"Jusko! Grabe ka, anong ginawa mo?"

Salubong naman ang kilay kong lumingon kay Dyna. "Bakit parang pinagbibintangan mo'ko?"

"Wala siyang ginawa, Dyna, nakita ko lahat." sagot ni Kleo.

Napatingin naman ako sakanya. "Nakatitig ka sa'min simula pa nung una?"

Tumango siya. "Wala kang ginawa pero bigla nalang siyang tumitig sa'yo kasi umiiyak ka na. Baka may naalala siya na may katulad sa'yo."

"Baka may naalala lang siya habang nakatitig sa'yo habang umiiyak ka, ang OA mo kasi." sabat ni Kiev. Nanlaki naman ang mata ni Dyna at napanguso naman ako.

"A-Ano yung reaksyon ni Trane? Tulala ba?" tanong niya.

"Malamang!" asik ni Kiev. Umirap naman si Dyna.

"Trauma? May trauma siya?" Nagtataka kong tanong.

Napatango naman si Kleo at Dyna. Bakit parang alam nila ang lahat?

"May girlfriend siya, almost 2 years na yata sila no'n e, 'yong kinwento ko sa'yo nung nakaraan? Alam mo, saksi ako sa love ng dalawang 'yon. Grade 8 ako no'n at Grade 10 naman si Trane, nagkagusto siya sa Senior High noon. Alam mo bang napaka sweet ni Trane dati? Mabait at palagi pa 'yang nakangiti." Kwento ni Dyna.

Sweet? How is that even possible? Gusto kong makita iyong ugali niya na 'yon. Just looking in his eyes kanina, kitang-kita ko ang pangungulila. Nakikita niya ba sa akin 'yong dati niyang kasintahan?

"Dalawang taon naging sila tapos biglang may bali-balita na bigla raw nawala 'yong babae. Kesyo sumama daw sa iba, malandi at kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi nila tungkol sa girlfriend ni Trane noon. Mula noon, hate na ng mga juniors ang seniors. Sinasabi nila na lahat ng babae sa senior ay katulad ng girlfriend ni Trane, sinasabi nila na maarte, walang respeto at mang-iiwan. Kahit man na maging senior sila ay hindi pa rin sila titigil sa pag-ayaw sa mga senior na babae." Kwento naman ni Kleo.

Doon ko naintindihan kung bakit gano'n na lang ang pagtrato sa'kin nung mga Grade 10 students kanina.

"Maarte. Mataas ang tingin sa sarili. Walang respeto."

Bigla kong narinig ang mga boses nila sa isip ko. Gano'n pala ang rason nila kaya nila ginagawa iyon, pero counted ba 'yon? Babae pa rin kami ano, dapat na irespeto.

"Mula nung nawala 'yong babae madalas nang nangti-trip si Trane ng new students, lalo na kapag babae. Feeling niya lahat ng babae ay t-traydorin siya katulad ng ginawa sakanya ng dating kasintahan. Para maiwasan na 'yung gano'ng ginagawa ni Trane, sila Persley na mismo ang nagsabi na itigil na muna ang pagpasok sa eskwelahan. 2 years din silang tumigil sa pag-aaral para lang maging okay si Trane, pero malaking gulo muna ang ginawa ni Trane bago tumigil. It tooks him 2 years to move on... pero naibalik mo lang iyon ng ilang segundo, Leisha." Patuloy ni Kleo.

Malaking gulo?

"Hindi ko alam kung mabibilib ako sa'yo o hindi e." Nakangiwing saad ni Dyna.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam na gano'n pala ang dinanas ni Trane.

"Teka, anong pangalan nung babae?" tanong ko.

"Ra.. ano nga ulit 'yon, Dyna?" tanong ni Kleo.

"Rad.." umakto naman siyang nag-iisip. "Ah! Radin!"

Radin? Bakit ang weird ng name?

"Radin nga. Radin lang ang alam naming pangalan niya, ayaw naman siya i-expose ni Trane dati e." saad naman ni Kleo.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong naman ni Kiev. Naiinip na yata siya, ayaw ng makinig sa pagk-kwento namin.

"So, get out, get out~"

"Get out of my head~ I'm falling to— oh? Bakit nandito pa kayo? Pinagchi-chismisan niyo ako 'no?" Si Carlo na biglang dumating habang kumakanta pa.

"Oo, mukha kang gorilla e," sagot naman ni Kiev.

Hindi ko alam kung kaya ko pang tumawa sa sitwasyon ko ngayon. Nakaka guilty.

"Gorilla, napo-pogian ka lang sa'kin e, lika nga rito kiss kita." Lumapit naman si Carlo habang nakanguso pa, handang humalik.

"Kadiri!" sigaw ni Kiev at itinulak ang Kuya niya sa harap ni Carlo. "Patigilan mo 'yan, susuntukin ko talaga 'yan."

Natawa naman si Kleo. "Baka gusto mong masuntok ng kapatid ko, Carlo?"

"Crush lang ako niyan e," pang-aasar pa nito.

Napalingon naman ako kay Dyna na animo'y kinikilig sa napapanood ngayon. Seryoso ba siya?

"Bading ka! Straight ako, potanginamoka!" sigaw na naman ni Kiev. Mas lalong natawa si Kleo habang kinikilig naman si Dyna sa tabi ko.

"Tumigil ka na, Carlo, baka masuntok ka talaga niyan." Si Kleo na hinawakan pa sa balikat si Carlo.

"Suntukan na lang kami, sino unang matumba siya iki-kiss, ano game, Kiev?"

"AaaAaaa!" Napatili si Dyna dahil sa sinabi ni Carlo. "Ship ko na kayo! Kinikilig ako! Kinikilig ako! Kinikilig ako!" Paulit-ulit niyang sabi.

"Baliw! Kilig naman isang 'to akala mo naman totoo, may girlfriend ako 'no! Binibiro ko lang si Kiev, bunso 'yan dito satin e." ani Carlo na sinundan niya ng tawa. Lumapit ito sa may upuan niya at kinuha ang folder na nakalapag doon.

"Geh, una na ako. Ingat kayo sa pag-uwi!" saad niya pa bago tuluyang lumabas ng classroom.

"Hala... Tangina naman nun ni Carlo e, paasa." Nanlulumong saad ni Dyna. "Ayun na e, tapos sasabihin may girlfriend siya? Ang cute pa naman nilang dalawa ni Kiev." Nakasimangot na lumingon si Dyna kay Kiev.

Napalingon rin ako rito at hindi ko inaasahan ang nabasa ko sa mga mata niya.

Lungkot. Don't tell me, sineryoso niya 'yong biro ni Carlo kanina? Akala ko ba straight siya? Bakit parang nalulungkot siya nang malaman niyang may girlfriend si Carlo? Interesting. I'm fine kung sino man ang ibigin niya, siya naman 'yan e, puso niya 'yan, siya lang ang pwedeng magdesisyon. Bilang suporta, katulad ni Dyna, ship ko na rin sila.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now