Chapter 47

2.1K 11 0
                                    

Living alone in a big house is so lonely. Ramdam na ramdam ko ang lungkot ng pag-iisa.

Napagdesisyonan kong pumunta na lang sa coffee shop kaysa mag-stay na naman dito sa bahay ng walang kasama.

"How are you, Jane?"

"Maayos naman po, Ma'am." sagot niya. Pumasok ako sa loob ng coffee shop at naupo sa isang table. Sumunod naman siya sa'kin. Siya lang ng hinayaan kong magbantay dito dahil lubos siyang nakakapagtiwalaan.

"Marami bang customer?" I asked. Umupo siya sa harap ko. Sinenyasan niya naman ang isang katulong niya sa pagbabantay dito.

"Marami po, lalo na ngayong malapit na ang Valentines," aniya.

I just smiled. Inilapag ni Kim ang hot chocolate sa lamesa namin and a piece of chocolate cake, katabi pa nito ang kalahating cookies.

I suddenly remembered him. My best friend, ano na kaya ang lagay niya ngayon?

Bumalik na sa trabaho si Jane. Dumami naman ang mga tao sa loob ng coffee shop. Sobrang saya ko dahil hindi ko akalain na magkakaroon ako ng sariling coffee shop. My own.

Gusto ko pa sanang magpatayo ng isang milktea-han sa harap ng bahay ko para sana iyon na lang ang pagkaabalahan ko tutal ay may nagbabantay naman dito sa coffee shop ko.

Baka mas lalo ko lang siyang ma-miss everytime na pupunta man ako dun kung sakali.

I deeply sighed. Matagal ko na silang hindi nakikita. Anim na taon, anim na taon na pero nakayanan ko. Siya kaya? Nakayanan kaya niya? Iniisip niya rin kaya ako? Nami-miss niya rin kaya ako?

Natigil ako sa pag-iisip nang kumalansing ang door chain. Iniluwa nito ang dalawang lalaki at isang babae. And that boy is so familiar.

"Here's the available seat, Sir." bungad ni Jane. Tumango naman ang lalaki.

It's Persley...

Kasama niya ang dating kasintahan ni Carlo. Si Reiza.

"First..." usal ko. Nanggilid ang luha ko nang mapagtantong buhay siya. Na kinaya niya ang pagsubok na 'yon.

Akala ko ay...

I gasped as I wiped my own tears. Tumalikod ako sa pwesto nila nang bigla siyang lumingon sa gawi ko.

Sana naman ay hindi niya ako nakita. Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili. Ayoko muna ng ugnayan sa kanila. Tama na ng siya lang ang nakakita sa akin.

"Leisha," pagatawag nito. Mas lalo akong napaupo. Kahit na sobrang obvious ay pinipilit ko ang sarili ko na takpan at hindi niya makilala.

Lumipat siya sa harap ko at wala akong nagawa kun'di tignan siya.

"Ikaw nga," natutuwang anito. Umupo pa siya sa harap ko, not minding his own family.

"Kamusta ka na? Ang tagal mong nawala." panimula niya.

Inayos ko ang sarili at naupo ng maayos. "Ayos lang ako."

"Ang laki ng pinagbago mo." aniya pa. Inilibot niya ang tingin sa paligid. "Always ka ba nandito? Lagi naman kaming pumupunta rito pero wala ka."

"Hindi naman ako palaging nandito."

"Gano'n? Alam mo ba kung bakit kami palaging nandito? Kasi sobrang sarap ng mga cake nila. Gusto ko nga sana ay dito na lang magpagawa ng cake kahit na imposible."

Imposible? Sa bagay, coffee shop 'to, hindi bakery.

"P-Pwede kitang gawan." mahinang sabi ko. Nangunot naman ang noo niya, nagtataka. Siguro, kahit iyon man lang na gusto niya ay mapagbigyan ko. Madami rin siyang nagawa sa'kin. Sobrang bait ni Persley nung mga panahong walang-wala ako. Siya yung nand'yan kaya kahit man lang itong maliit niyang hiling ay mapagbigyan ko.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now