Chapter 25

724 9 0
                                    

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kahit pa nakaupo na ako sa pampang at kaharap ang kumikinang na dagat dahil sa maliwanag na buwan.

I bit my lower lip. Did he just say that we didn't broke up? Pero sinigawan niya ako nung nakaraan!

At niyakap niya si Ate kani-kanina lang!

"Why are you looking so mad?"

Salubong lang ang kilay kong nakatingin sakanya. Nakita ko ang dimple niyang lumitaw dahil sa pagngiti.

He's smiling.

"Kaya mo naman palang ngumiti hindi mo pa ginagawa!" Asik ko. Napapadyak ako sa buhangin. Hinubad ko ang sapatos kanina kaya ang sarap maglakad sa buhangin habang nakapaa.

"It's expensive."

Napaismid ako sa sinabi niya. "Akala mo naman talaga."

Tumingin na lang ako sa dagat dahil baka ma-stress pa'ko sa mga sinasabi niya.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. He hugged Ate Leiren, isa lang ang ibig sabihin no'n. Trane recognized that Ate is Radin. Iyong ex niya, that's why he hugged her. Dahil kung hindi, bakit niya naman gagawin 'yon kay Ate.

"Funny it is? You and her are sisters."

Hindi ko siya nilingon. Seryoso ba siya?

"That's why you're familiar on our first met. You look like her."

I sighed. So, we will talk about my Ate Leiren?

"Do you want to talk about her?" Ramdam kong lumingon siya sa'kin.

"Why Radin?"

I'm still clueless about her nickname. Iyan ba ang itinawag niya para wala ng iba pang makakilala kay Ate? Para wala nang manghalungkat kung ano ba talagang klaseng tao si Ate?

"Drina..."

"And I'm Dianne." sabi ko. "I'm your girlfriend, anong itatawag mo sa'kin?" Nilingon ko na siya. Nakatitig lamang siya sa'kin.

"Baby,"

Napangiwi ako. "Ang baduy! Ano ka si Kaizen?!"

"Stop mentioning his name." aniya, iritado. Tumayo siya at pinagpag ang suot. Napahawak naman ako sa braso nang maramdaman ang malamig na hangin. I sniff and feel the air. Sobrang sarap sa pakiramdam ng hangin sa dagat.

I suddenly looked at Trane. Hinubad niya ang suot niyang t-shirt at isinuot sa'kin.

For the second time, I saw his six pack abs. I gulped. Seryoso ba siya?!

"A-Ano bang ginagawa mo?" Kahit na hindi ako manalamin ay alam kong namumula na ang mukha ko ngayon.

"Isn't it cold?"

"It's hot, I-I mean, oo m-malamig." Nagkunwari akong humaplos sa damit at nagpalinga linga ng tingin.

Doon ko naamoy ang bango ng suot kong damit. Ang bango niya.

Napalingon ako sakanya nang ilahad niya ang kaniyang palad sa harap ko.

"Shall we dance?"

"Ha?!" Gulat kong tanong. Baliw ba siya? Dito?

"Let's dance. I didn't have the courage to reach you and dance with you at the party, so just let me do this here." Sinipat niya ang kaniyang suot na relo. "Besides, it's only 11pm, birthday mo pa rin."

Seryoso talaga siya? Sasayaw siya ng walang suot sa pang itaas?!

Hindi ko man ibinigay ang kamay ko ay siya na mismo ang kumuha nito at inilagay sa dibdib niya.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Место, где живут истории. Откройте их для себя