ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 23- ᴀʟᴜᴍɴɪ ᴘᴀʀᴛʏ

2K 84 14
                                    

JUNO's POV

Nagkwentuhan lang kami kanina at nilibot ko si Zoe sa mga malalapit na magandang lugar, siguro bukas ko nalang siya ipasyal ng totoo talaga. Around 5PM umuwi na kami at kumain pa nga muna ako ng dinner bago aalis, 7PM ang party pero 8PM na ako pupunta, isa lang naman ang pakay ko.

"Ate ang daya mo bigay mo yan tapos ikaw unang gagamit!"

"HAHAHAHAHA pahiram lang ito naman, sarap idisplay neto sa parking area ng school eh"

"Kotse ni papa gamitin mo!"

"Ihahatid ako ni Zoe, kakahiya papagamitin mo ng range rover!"

"Edi yung Mclaren mo ang gamitin niyo! Di mo pa nagamit yun, pagod na akong kaka exercise dun araw araw!" regalo ni kuya sakin yun at two days after bigla nalang siyang nawala sa amin.

"Why are both of you shouting, are we not going yet?"

"Ate Nico oh, bibinyagan niya Audi ko, may McLaren naman yan!"

Bumuntong hininga ako at sinamaan ng tingin ang kapatid ko na nginisihan ako ng nakakaloko, bwesit na kapatid.

"Wait for me here, I'll get the car"

Agad na akong tumakbo sa garage at nakita ko agad ang sasakyan, hindi ko ginamit to dahil ang sakit parin ng pagkawala ni kuya, tuwing nakikita ko to nuon sumisikip ang dibdib ko na ang hirap huminga.

Kuya, sana masaya ka na.. don't worry po lumalaban parin ako hahanapin ko parin sino ang gumawa sayo niyan.

Nagdrive na ako palabas at pinark kung saan ang binibini at kapatid ko.

"Ang ganda ng driver ko diba Yuno, luluhuran, pagsisilbihan at sasambahin yan" syempre sweet tayo bubugahan ako niyan kasi tinawag kong driver eh.

"Yikeees, yawa ka te, luod kaykag banat dinha, hawa diha" (yikeees, yawa ka ate, kadiri ang mga banat mo, alis nga jan)

Tumawa ako sa mukha ng kapatid ko, cringe ba?

"Tara na binibini?"

"Your mouth is really unfiltered even your sister can't deal with you"

"Di mo sure, try mo bonding kapatid ko sasabog utak mo"

Nagdrive na si Zoe, gusto niya raw magdrive para alam niya asan ako sunduin, sweet diba nililigawan ko yan take note hihi. Binigyan ko rin naman siya ng location ng school pero ewan ko ba dito.

Pagkarating namin sa school agad bumungad samin ang malaking stage sa dulo, pagkapasok mo kasi sa school field na agad at pwede mo ipark agad somewhere sa gilid ang sasakyan, nakita kong maraming nakatingin sa sasakyan namin siguro nagtataka sila sino ang super late.

"They are eyeing here"

"Pogi kasi ng regalo ng kuya sakin"

"I'll not park, I'll just get you to the nearest"

"Agaw pansin na tayo masyado hahaha"

Napakurap ako kasi biglang nagdrift si Zoe, para naka side ang sasakyan namin, taena kinabahan ako. Yung side niya ang nakaharap sa may stage at maraming tao, nakita ko rin na by tent ang mga tao, nawala bigla ang confidence ko huhu.

ASYMMETRIC AGAPE (𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃 𝟸𝟶𝟸𝟸 | 𝙼.𝚄 𝚂𝙴𝚁𝙸𝙴𝚂) Where stories live. Discover now