ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 51- ʙɪᴏ

2.6K 110 25
                                    

JUNO's POV

"Oh pustahan oh, 100k! Mag ka-casual red dress si Ysabelle" mga gago talaga tong mga kaibigan ko, sinabihan ba naman ang kapatid ko na may mini party at casual red ang theme, ewan ko nalang.

"100k she won't wear that, feeling ko malalaman niya na pinaprank siya" Alexa backfired from Jared's conclusion.

Bumaling ako sa binibini at nagtaka akong masaya itong nakipagkwentuhan kina Paris at Maine, nakakapagtaka naman, selos na selos yan kay Maine eh.

"Hala gagi ang bilis naman ni Ysabelle, kanina lang ang sabi kakatapos niya pa sa requirements niya!" Lumingon ako sa gate at totoo nga may pumarada nang sasakyan, ang bilis naman, lumipad ba sila?

Napanganga ang mga kaibigan ko nang unang bumaba si Miss Ivy wearing a bloody red slip dress. Hapit ito sa katawan at may slit na kitang kita ang kaliwang legs pag ito ay naglalakad. Miss Ivy went to the other side at binuksan ang pinto ng sasakyan, niluwa doon ang kapatid kong nagpanganga sa lahat nang nandito, even Maine hung her mouth open.

Yes, that's my sister, the epitome of beauty. Trivia! Mas maganda ang boses niya sa aming lahat, ayaw niya lang talagang kumanta, sabi sainyo salo niya lahat ng good traits ng pamilya.

Ang kapal ng pagmumukha mo Yuno, ang propesor pa talaga ang nagbukas ng pinto para sayo, kala mo hindi gaga.

She's wearing a vibrant red cocktail dress, may malaking ribbon sa hinaharap niya at may pa gloves na pula ang lola niyo. Sorry ganito ko idescribe ang kapatid ko, anyone might find our siblings attractive pero never natin aaminin sa sarili yown, basta kapatid natin kahit anong anggulo parang mukha paring higad.

 Sorry ganito ko idescribe ang kapatid ko, anyone might find our siblings attractive pero never natin aaminin sa sarili yown, basta kapatid natin kahit anong anggulo parang mukha paring higad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hanggang sa makalapit sila ay nakanganga parin sila, immune na ako eh. Miss Ivy is standing next to Ysabelle looking so proud, label check?

"Hindi pa ba nagsisimula ang party?" Yuno inquired na nagpabalik sa mga kasama ko sa realidad.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHAHAHA" biglang tumawa ng pagkalakas lakas ng tatlong lalake. Panalo ata sila sa pustahan.

"Omgosh Ysabelle you look like an angel! Huwag ka lang magsalita" banat ni Alexa na kinatawa ng lahat.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA YSABELLE TEKA TATAWA MUNA AKO HAHAHAHAHAA" tarantadong Jared, nakaluhod na kakatawa. Si Alexa naman parang natakot sa buhay niya, pati si Miss Ivy nauto.

"What the fuck? Don't tell us.." si Miss Ivy na nakakunot na ang noo.

"They just pranked Ysabelle, never thought you'll be a victim too" nakalapit na pala si Miss Railee at tumabi kay Alexa, palaban.

ASYMMETRIC AGAPE (𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃 𝟸𝟶𝟸𝟸 | 𝙼.𝚄 𝚂𝙴𝚁𝙸𝙴𝚂) Where stories live. Discover now