ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 29- ᴍɪꜱꜱ ᴜɴɪᴠᴇʀꜱɪᴛʏ 2.0

2.2K 84 15
                                    

JUNO's POV

Agad akong bumalik sa upuan ko matapos ko magbihis at nakatanggap ako ng maraming batok galing sa mga kaibigan ko. Nandito kami sa harap, ewan ko nga eh, kami lang ang nandito dahil mga Professors ang nandito, kasama namin sila Miss Railee at Miss Ivy, siguro sila nag utos, or dahil inutusan nila si Jared maging videographer, nakita kong binabantayan ni Jared ang camera.

"Ang landi landi mong hayop ka!"

"Grabe pare ang bagay niyo ni Miss Nicoleigh kanina match na match"

"Hindi ko nga alam na mag white siya eh, tas yun ang pinili ko na suit dahil yun naman ang fave color ko duh"

"Ahhh basta! Layag na layag ang ship ko walang mag momove on!!" parang gaga to si Alexa hindi pa ba nawalan ng boses to?

"Minimize your voice, Monteverde"

"Ayaw ko nga, my voice is reserved to shout for tonight, bakit Miss may ibang paggagamitan pa ba ako sa sigaw ko?" ang demonyong Alexa maghahasik na naman ng lagim.

"Shut it" cute ni Miss Railee, sure akong masusuntok niya si Alexa.

"Ayaw mo yun Railee Cyth? Yung mga Cyth on my face?" Cyth is pronounced as Sith. Sana Alexa buhay ka pa matapos ang gabing to.

"A-are you seriously-" Miss Railee was cut off from Miss Ivy's sudden burst of laughter.

"HAHAHAHAHA oh my gash Railee your girl is so witty"

"Shut up Ivy, and you too shut up, or I'll throw you outside"

"Ladies, magsisimula na ang next category" sabat ni Jared at umupo na nang maayos na niya ang camera.

"HELLOOOOOO! MU STUDENTS?! OKAY PA BA ANG LAHAT?! HUMIHINGA PA BA?!" saad ng baklang emce ang tinis ng boses.

"Pati ako partner, nakanganga the whole durations, those professors are breathtakingly gorgeous" yung isang babaeng emce, maganda rin pero hindi ko kilala.

"Before we'll start on our Bikini Category let's all acknowledge our judges, she's a graduate of Multimedia here in MU with flying colors, a top model in Asia, let's all welcome, Janine Manuel!" kapatid yan ni Sixto ah, model pala yan? At dito pa grumaduate.

Pinakilala ang mga judges na hindi ko kilala pero sabi ni Alexa puro mga sikat na models sila, wala akong pake si Janine lang kilala ko dun.

"So, ladies and gentlemen! Here's our the candidates in their bikini attire, around applause please"

Nagsimula nang lumabas ang unang candidate at napuno ng hiyawan ang buong gym, hindi magkandamayaw ang sigawan, gago hindi ako makahinga sa mga hampas ni Alexa.

Natapos hanggang sa panglima na di humupa ang sigawan, hanggang sa lumabas si Miss Amira na todo ang ngiti ay parang naboang si Alexa at tumayo pa ang gaga. Grabe literal na two piece ang suot nila, pareho lang ang kulay at design ng two piece nila pero iba iba ang dating sa bawat candidates, ang hot ni Miss Amira.

"AHHHHHHHH POTAENAAAAA ANG GANDA NI MISS AMIRA, LULUHARAN!"

"CAN YOU FUCKING STAY STILL AND STOP FANTASIZING YOUR PROFESSOR MONTEVERDE?!" hahahahaha si Miss Railee kanina pa nahahayblad tuwing sumisigaw si Alexa, red flag mo kasi Ma'am, ayaw pa aminin may gusto sa bestfriend ko, halata naman ang inis nito at lagi lang sumusulyap kay Alexa tuwing lumalabas na ang candidates at naiinis sa mga reactions ni Alexa.

ASYMMETRIC AGAPE (𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃 𝟸𝟶𝟸𝟸 | 𝙼.𝚄 𝚂𝙴𝚁𝙸𝙴𝚂) Where stories live. Discover now