ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 33- ᴀᴜᴄᴛɪᴏɴ

2.5K 76 15
                                    

JUNO's POV

I received a call from Alexa, nasa likod sila ng gym stage nag aayos at nagliligpit ng mga kalat at iprepare yung mga gagamitin sa Auction mamaya.

Iniwan ko na si Zoe after kong magligpit, serious mode na naman kasi ulit ang lola niyo. Pansin kong tambak ang mga papeles sa lamesa niya kaya di na ako nagtangkang mangialam at hinalikan nalang ito saka umalis.

"Hoo! Salamat naman andito kana Master! Feeling ko ako ang Third year representative eh, always absent ka" salubong ni Yuan na panay himutok.

"Sino bang nagsabing iboto niyo ako" napakamot lang ito sa ulo.

"Andun na sila Alexa, ayos naman na, yung konting design nalang sa stage para hindi lousy mamaya sa Auction, we have 1h and 30 minutes nalang"

Pumunta na ako sa likod at tinulungan na sila sa mga dapat gawin. Pansin kong wala sa mood si Alexa kaya nilapitan ko ito, hindi man lang ako napansin na nandito eh.

"Hoy! Anong nangyari? Pangit ka na nga panay bugnot pa mukha mo" biro ko rito at inakbayan ito.

"Wala!"

"Ouch, nakakahurt kayo hindi na kayo nagsheshare sakin" madamdamin kong saad, tinulak ako ni Alexa at kunot nuong tinignan ako.

"Para kang adik. Yung malditang professor na nagngangalang Railee Cyth napaka red flag, nagagalit pag may lumalandi sakin pero di niya raw ako gusto! Paasa!"

"HAHAHAHAHAHAHA ang tibay mo talaga, proud na proud ako sayo chanel gurl, haba rin ng pasensya mo dun ah, ramdam ko naman na gusto ka niya, siguro confused yun, denial, mapride pa naman yun, saka straight yun, habaan mo pa ang pasensya if gusto mo talaga"

"Hindi naman gaano, kaya ko pang mag move on, makikita niya talaga pagmakakita ako ng bagong crush"

"Ganda ni Miss Railee, go ka na accla"

"Juno wag ka ngang ganyan naninibago ako sayo, hoy pagka talaga magtransfer na yung kapatid mo dito, lalandiin ko talaga yun, ang ganda talaga nun eh, nabuang ako kakastalk sa insta niya, feeling ko ampon ka lang" napailing nalang ako, indeed Ysabelle is incomparable, ika nga nila sa angkan siya ang taga angat ng lahi, we are all fine pero naiiba yung bunso, parang nakuha lahat ng good traits sa both side ng ancestors. Hindi naturally blue ang mata niya pero iba ang kulay pagnagagalit lalabas ang kulay asul talaga.

"Nagdadalawang isip nga ako if dito ko yun papaaralin, pero mas gusto ko talaga dito kasi mababantayan ko"

"Kung ikaw juno mababaliko mo lahat ng babae, yung kapatid mo hahabol lahat genders hahahaha"

"Kaya mas mahigpit ang security na binibigay ko dun, dami niyang manyak na stalkers at admirers, may nahuli na akong iba puno ang kwarto ng litrato ng kapatid ko, minsan being beautiful is a cursed"

"Pero she never covered her eyes noh"

"Mukha naman kasi niya ang asset niya, my kuya and I got the rarest eye color kaya agaw pansin, at ayaw ko talaga sa attention, where Ysabelle is an influencer and aspiring model so yeah"

"Ah basta I can't anymore, malapit na end ng school hihihi"

Naglakad kami ni Alexa habang nagkwekwentuhan kung anong plano ko kay Yuno, lilipad na yun dito matapos ang school niya dun, dito raw siya magbabaksasyon para hindi siya maging ignorante sa mga lugar.

ASYMMETRIC AGAPE (𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃 𝟸𝟶𝟸𝟸 | 𝙼.𝚄 𝚂𝙴𝚁𝙸𝙴𝚂) Where stories live. Discover now