ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 57- ᴘᴀʟᴀᴡᴀɴ 2.0

1.8K 68 10
                                    

JUNO'S POV

I don't know if I should worry or not, gusto ko mang ifocus ang sarili ko dahil last day na ito ng bakasyon namin ni Zoe pero hindi ko kayang ibalewala ang mga mail galing sa Erudite site. Wala man ako patuloy nilang hinahanapan ng butas ang tatlo pang sanga ng black society, led by Sixto.

"Quin! Look at these cute living species, they are full of thorns, the lady said we can eat these" napatingin ako sa tinuturo nito at sea urchins pala ang tinutukoy niya.

"You can eat it raw, just add something like calamansi, I prefer that"

"You don't cook them? Like the others oh they are grilling" tinuro niya ang mga nagtitinda ng iba pang mga sea foods.

Nandito kami ngayon somewhere sa kalagitnaan ng dagat kung saan may mababaw na tubig at maraming turista ang nagstostop by para itry ang mga binebenta dito.

"They are grilling fish, babe. Some tourists love to eat meals here, try the oysters, you can directly slurp 'em or put lemon" tinikman niya lahat ng nirekomenda ng babae sa kanya, ang kinain ko lang is yung mga inihaw na pusit at iba't ibang isda. Nagulat nga ako may baby shark sila pero di ako kumain, it's not really healthy.

"Woah! Is it legal po to eat baby shark?" Ay himala ang galang ng binibini. Good influence talaga ako eh.

"Oo naman iha, malinis na yan at dalawang araw kong binabad sa iba't ibang spices para mawala ang langsa" they said it's edible pero nah ayoko pa rin, sa ngalan na ilang taon nilang iniihan ang sarili nila hindi ko kaya.

"Let's try the baby shark, babe!" Umiling agad ako kaya lumapit ito sakin, malayo ako konti dahil ayoko sa usok, kumakain ako sa paper plate at kinakamay ang pagkain.

"Why?"

"Isang libo nalang ang pera ko, di ko naman alam sobrang mahal pala sana nagdala nalang ako ng isang suit case" pero ang totoo ayoko lang talaga sa baby shark.

"Then we'll pay them later, tell them"

"Mangungutang tayo? Hoy, bahala ka mag-isa mo" kunot ang noo kong binalingan ito at tumawa siya ng malakas. Timang na babae.

"Then go back and get some cash" umirap pa ito.

"Kung di ka nag two piece edi sana may nasuksuk kang cash sa bewang mo" may cardigan akong suot kaya malaya kong sinuksok ang pera sa lace ng underwear ko, parang mga balang nakahilera sa bewang.

"Are you really serious earlier you wanna put cash in my bra?!"

"Binibini yung bibig mo, alangan namang sakin na flat chested edi magmukhang bukol?"

"HAHAAHAHAHAHAHA ohmygosh stop it, I can't breath anym-more" tanga sinong may sabing tumawa siya.

Ewan ko ba siya naman ang may period samin pero parang ako pa tong madali mainis.

"Tama na tong pagkain dito, ang dami na nga neto di ko kayang ubusin" kung di ko lang papakasalan ang babaeng to kanina ko pa sinakal, halos lahat binili niya at pagkatapos tikman ibibigay sakin, sayang naman kung di kakainin, kada may bibilhin siya nauubos ang isang libo.

"Alright, I don't want to piss you" she giggled and started to eat with me, we just shared a plate dahil daw mahal ang plato, mga palusot talaga ni Zoe pangbobo, professor ba talaga to?

ASYMMETRIC AGAPE (𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃 𝟸𝟶𝟸𝟸 | 𝙼.𝚄 𝚂𝙴𝚁𝙸𝙴𝚂) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon