ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 28- ᴍɪꜱꜱ ᴜɴɪᴠᴇʀꜱɪᴛʏ

2.2K 89 13
                                    

JUNO's POV

Ang daming damit nakalatag sa bahay ni Zoe, oo nga pala mamaya na ang Coronation, hindi ko parin alam bakit pumayag ang lahat sa ganitong patimpalak, like anong napasok sa utak ni Zoe at pati siya pumayag?

"Yung totoo Zoe, bakit may ganito? Pano ka napapayag ng lahat, president ka naman? At talagang ang daring ng mga suot niyo sa social media, hindi ko parin magets, ano kayo pauso?"

"Why are you so noisy? Kanina ka pa ah, I told you to help me pick a dress not to rant and spit nonsensical things"

"Nye nye nye, ang daya mo talaga pag ikaw magtatanong dapat lahat sasagutin ko dahil kung hindi mag aalburoto ka na parang-"

"What?!"

"Wala, ano ba ang mga susuotin? Ilang categories?"

"Hmmm at first a dress we'll use to walk when introduced, second uhhhh bikini and-"

"What the fuck, anong bikini?! Hoy Miss University lang yun hindi Miss Universe! Taray niyo ah!"

"You don't want me to wear a bikini?" parang cute na tanong nito na pinaglalaruan pa ang kamay, wala na talo na naman ako, hays.

"Hindi naman sa ganon, you can wear anything you want, nakakashocks lang may ganto"

"It was requested by the majorities, I'm just a president, the majority's opinion matters the most"

"Thank you, next" barumbado kong sagot pero parang wala naman sa kanya.

"There's a talent portion"

"What will you do?" I saw her grinning na parang may binabalak.

"Secret. Next is the ramp introduction for every department, we're not obliged to change dress naman kasi last is the question and answer"

"Ang hirap namang mamili, puro magaganda tas galing pa sa mga sikat na designer, vongga, teka hindi naman ako marunong sa mga ganto Zoe!"

"Just tell me what will look best in me"

"I think even with nothing on you look good"

Tumaas ang kilay nito na parang nawawalan ng pasensya, bigla na lang may lumipad na designer bag sa mukha ko, punyemas!

"PERVERT!"

"Taray mo binibini, gold ka?"

"I'm worth more than that" umirap siya saka tinalikuran ako, magbibihis ulit ng panibago.

Natapos kami around 2PM, ang arte talaga sa damit ni Zoe, kahit nakaupo lang ako nadrain ang utak ko sa mga tanong niya, okay na ba raw, anong shades ng lipstick, anong curve ng kilay, kulay, should she dye her hair, amputa malay ko ba sa ganyan dapat si Alexa pinapunta niya, nahilo lang ako dahil kung ako tatanungin yung walang make up at damit na Zoe ang gusto ko.

Dumating ang mga make up artist niya at habang ginagawa ang kuko niya sa kamay at paa nakasunod lang akong subo ng pagkain niya, ginawa pa akong isa sa mga alagad ng babaeng to. Gutom to, ayaw pa kasing kumain kaninang lunch.

"Zoe ahhhh! Ubusin mo na to, hoy hindi lang ikaw ang mag aayos ako rin noh, ano pambahay lang ako pupunta dun? Iiyak ang fans ko"

"Why do you care about your fans?!"

"Joke lang to naman, natatakot yung mga tao" bulong ko sa kanya dahil nabigla yung mga tao sa kanya, maldita pa naman tingin nila dito.

Nagtataka nga sila sa inaakto nito dahil gustong magpasubo sakin, ang cute pero naiinis ako sa idea na isa ako sa mga alagad neto, imagine niyo nga nakaupo lang siya nakalahad ang kamay at paa, relax na relax may taga subo pa, aba reyna nga!

ASYMMETRIC AGAPE (𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃 𝟸𝟶𝟸𝟸 | 𝙼.𝚄 𝚂𝙴𝚁𝙸𝙴𝚂) Where stories live. Discover now