Chapter 1 - Arden

28.2K 1K 258
                                    

Juztine POV




Nakatayo ako sa taas ng hagdanan namin at tahimik na nakatanaw sa ibaba kung saan nanduon ang mga kamag anak namin.

Pang 8th birthday ko kasi tapos bumaba lang ako kanina nuong nag blow ako ng candle at umakyat na ulit ako pagkatapos dahil ayaw ko sa madaming tao. Ayaw ko ng maiingay at higit sa lahat ayaw ko na may humahawak sa akin.

"Juztine? Why are you hiding there, baby?"- my mother asked.

"I'm not hiding."

"Then go down there and socialize with your cousins."

"Ayaw ko po."

They will just tease me for being different.

"E kung sabayan mo nalang kami kumain?"

"Ayaw ko din po."

"Anak, Ano bang problema? Palagi ka nalang ganyan."

"Get used to it, Mom. I won't change. You gave birth to a freak."

"Juztine!"

Ano bang kinakagalit ni mommy? E totoo naman na I'm a freak!

I may look like a feminine girl, but I... gosh, I can't even say it!

"I'm not like Kuya. This is where I'm comfortable, alone but happy, so please stop forcing me to go and socialize with everyone."

She heaved a sigh and massaged her temple. I stayed in my position, crossing my arms and silently watching the people down there with no emotion in my eyes.

After a while of staring at me, my mother decided to go down as well.

When I got bored, I turned my back and walked back towards my room, but I stopped in my tracks when something caught my attention.

Muli akong tumingin sa baba at tinignan ang babaeng kausap ng kuya ko. Sa tingin ko magkasing edad lang sila dahil halos pareho lang sila ng height.

12 years old na kasi si kuya at malapit na din sya maging highschool. Baka kaklase nya itong kausap nya.

Napansin kong tinuro ako ni kuya at for the first time nakaramdam ako ng gulat ng lingunin din ako ng babaeng kausap nya.

She's fair and pretty. Mukha syang si Snow White.

Kumaway ito sa akin pero nanatili lamang akong nakatingin sa kanya kahit pa hindi ko maintindihan kung bakit ako biglang nagulat kanina.

Hindi ko pinansin ang pagkaway nya at tuluyan na akong umalis at pumasok sa kwarto ko.

Kinuha ko nalang ang paint brush ko at nagpatuloy na tapusin ang painting ko na hindi ko natapos kahapon.

Sabi ng iba weirdo daw ako dahil hindi pambata ang isip ko at hindi daw ako marunong makipag friends. Pero para sa parents ko gifted daw ako dahil sa murang edad ay maayos na ako mag isip at saka ayon nga may something sa akin pagdating sa physical na aspeto. Hindi ako katulad ng normal na bata na puro laro lang ang inaatupag sa ganitong edad.

Hindi ko naman kasalanan kung lumaki ako na komportable na ako na pamilya ko lang ang ka close ko at nakakaalam ng sikreto ko. Well, hindi naman totally close na close pero ayon nga sa kanila lang ako komportable.

Magkahawig lang kami ni kuya pero magkaiba kami ng personality. Kung sya ay friendly, ako naman ay hindi.

Kung bet na bet nya na napapaligiran sya ng mga may gusto sa kanya, ako naman ay hindi. Iritang irita ako kapag may mga bata na sinasabi na crush nila ako dahil una sa lahat bakit nila ako magiging crush? E halos i isolate ko na ang upuan ko sa loob ng classroom huwag lang nila ako makausap o malapitan.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now