Chapter 13 - Flower

13.8K 770 179
                                    





It's been a week, and Addison keeps ignoring me. Or is it just in my mind? But she's no longer going to our house, even though my brother is there, which is quite unusual. Even Mommy misses her too.

Our graduation was fast approaching as well, and I know my brother and her were also busy with their upcoming college graduations. But at the back of my mind, I know there's something more.

Feeling ko pinaghahandaan na din nila ang engagement nila...

Kumuha ako ng cutter at walang pagdadalawang isip na tinarak sa canvas. Humugot ako ng malalim na paghinga at nagbihis.

"Ma'am! Saan ka po pupunta?"- habol na sigaw ni Lucille matapos akong makita na lumabas ng bahay.

Nilingon ko sya at pinaningkitan ng mga mata.

"Anong pakialam mo?"- singhal ko dahil ang dungis dungis pa ng itsura nya at may hawak pa itong hose.

"Nagtatanong lang naman po e."- kamot ulong sabi nya.

Pumikit ako at pinilig ang ulo ko. Tinignan ko sya ulit at tinalikuran na. Wala akong time makipag usap.

Pagkalabas ko ng gate namin ay naglakad na ako hanggang highway at pumara ng taxi. Wala ang mga kotse at driver sa bahay at wala din ang parents ko kaya solo flight ako ngayon.

I blow an air as I roam my eyes around the flower shop. Napagkamalan pa akong nagluluksa dahil sa suot ko na all black pero hindi ko na sila pinagpapansin. Busy ako sa pagtingin ng bulaklak na babagay kay Addison.

Alam ko naman na wala akong kasalanan sa kanya pero nagtataka lang ako dahil himalang hindi nya ako inaaya kahit nababanggit naman ni Kuya na wala silang ganap sa school or kahit wala silang date.

Nasanay lang ako na palagi syang naka aligid sa akin. Dapat nga matuwa ako na tahimik ang mundo ko pero kabaliktaran ang nangyari. Hinahanap hanap ko sya...

Ang boses nya..

Yung amoy nya..

Yung mga ngiti nya..

Yung buong sya, as in lahat. I think I'm fucked up!

"Miss? Bibilhin mo po?"

Napadako ang mga mata ko sa babaeng nagsalita. Yung tindera yata ito. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin at sa bulaklak na kanina ko pa pala hawak.

"Para kanino ko po iaadress?"

Umiling ako at kumuha ng cash sa bulsa ko saka inabot sa kanya. Narinig ko na nagpasalamat sya bago ako makalabas sa shop.

Sumakay ulit ako at nagpahatid sa school nina Kuya. Gusto ko lang maibigay ito sa kanya, baka sakali kasi na pansinin na nya ako.

Gusto ko din kasi na okay kami dahil magbibirthday na din naman ako. Ang awkward naman kung hindi na kami mag uusap e sa pagkakatanda ko wala naman akong ginawang masama.

Pagkababa ko ng taxi ay sinuot ko yung hood ng jacket ko at sa kabilang gate dumaan. May guard kasi duon sa entrance at mahihirapan akong mag alibi lalo pa at wala naman akong dalang kahit ano bukod sa sarili ko, pera, at bulaklak.

Nag antay ako duon sa ilalim ng malaking puno. Matatanaw ko naman kung labasan na nila e. Pero sana huwag na ako mapansin o makita manlang ni Kuya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko kung sakali na magtanong sya bakit ako nandito.
Makalipas ang kalahating oras ng paghihintay ay nakita ko na na naglalabasan na yung ibang students sa bawat building. Napapatingin yung iba sa akin pero sa isang pasilyo lang ako nakatuon ng atensyon.

When I saw the door of their classroom open from afar, I unconsciously smiled and breathed in and out. Bigla kasi akong kinabahan.

I saw her female classmates walking while talking with each other. There are also boys behind those girls who are laughing and teasing each other.

She Loves Me ✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin