Chapter 2 - Cake

17.7K 909 167
                                    

Seven years later.




"Juztine! Get back here!"- malakas na sigaw ni kuya.

Hindi naman ako natakbo pero kung makahabol sya akala mo may ginawa akong mali sa kanya.

Nineteen na sya pero may pagka isip bata pa din. Ang katwiran nya kasi ay hindi pa nya ako nakakalaro kahit nuon kaya naman kahit pareho na kaming teenager ay ginugulo pa din nya ako.

"Hoy payatot!"- sigaw nya ulit dahil hindi ko sya pinansin.

Kunot noo lang na tumingin ako sa kanya at binato sa daanan nya yung kutsilyo na hawak ko kaya napahinto sya at napatalon pabalik sa kinatatayuan nya. Bigla din syang namutla.

"P-Papatayin mo ba ako?"- kabado nyang bigkas.

Inirapan ko naman sya.

"I'm not skinny. I'm just tall!"- I said, turning my back on him.

Makasabi ng payatot akala mo sya hindi parang kawayan sa tangkad at payat.

"You almost killed me. I'm going to tell Dad!"

"Sayang nga e. Muntik lang."- I replied and sat down on the edge of the pool.

Nilubog ko ang mga paa ko at dinama ang masarap na init ng araw na tumatama sa balat ko.

Ganito lang ang buhay ko. Bahay, eskwelahan lang dahil nga ang boring kung lalabas pa ako at makikipag plastikan sa ibang tao.

"Nakakarelax.."- mahinang bulong ko at nilaro and tubig.

Hindi din naman nagtagal iyon dahil bigla kong naramdaman ang paglubog ko sa swimming pool. Tinulak ako ni Kuya at nag dive din sya pagkatapos kaya pareho na kaming basang basa.

"Hahaha akala mo ha."- sabi pa nya at winisikan ako ng tubig sa mukha pagka ahon ko.

Nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa kanya dahil tinatamad akong pumatol sa kalokohan nya.

Natigil sya sa ginagawa at biglang sumeryoso ang mukha. Parang namula pa nga ang pisnge nya e dahil sa nakita nya sa likuran ko kaya naman lumingon na din ako at nakita duon si ate Rein.

"Ah.. A-akyat na ako Juztine. Huwag ka magbabad ha, baka sipunin ka."- paalala ni Kuya at umahon na.

Sinundan ko lang sya ng tingin at nakita ko na hinalikan nya si ate Rein sa pisnge pagkalapit nya dito.

I didn't hear what they talked about, but I saw my brother run inside the mansion, maybe to change his wet clothes and be presentable because he had a visitor.

Hindi ko alam kung girlfriend na nya si ate Rein dahil same school lang naman sila. Basta recently madalas itong nadalaw dito sa bahay at palagi syang may dalang regalo o di kaya pagkain para sa akin.

Hindi ko naman pinapansin ang mga iyon kaya ang ending si Kuya lang din ang umuubos ng dala nya para sa akin.

"Hi."- rinig kong bati nya sakin at naupo duon sa sun lounger.

Her dress complements her fair skin. She is glowing under the sunlight.

Tinanguan ko lang sya at hindi na pinansin. Lumapit nalang ako sa hagdan ng pool at umahon na. Wala naman sa isip ko na maligo eh sadyang papansin lang si Kuya.

Minsan nga gusto ko nalang sya itulak sa hagdanan baka sakaling kapag nabagok sya ay maging matured na sya.

Inayos ko ang damit ko dahil hapit ito sa katawan ko, dahil nga basa. Nakaitim naman ako kaya hindi makikita ang panloob ko pero yung lower part ko ang inaalala ko. Tinakpan ko nalang iyon ng kamay ko para hindi nya makita.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now