Chapter 4 - My day

16.9K 914 286
                                    



"Juztine! Tuli ka na ba?"

Iyon ang bungad ni Karl sa akin nang makita nya ako na lumabas ng bahay. Balak ko kasi tignan yung inaayos na dekorasyon sa malawak namin na garden.

Sya lang yung bukod tanging pinsan ko sa side ni mama na hindi ko ka close dahil masyado syang mahangin tapos may galit pa sya sa akin dahil ako yung crush ng babaeng gusto nya. Mabait naman yung bunso nyang kapatid na si Beverly kasi bata pa iyon e at huwag sana mag mana sa kanya.

"Aba snob ka na ngayon?"

Talagang sinundan pa nya ako dahil nilagpasan ko lang sya kanina.

"Alalahanin mo mas matanda ako sayo."

Anong diperensya ng one year gap? Sapukin ko kaya mukha nyang lintek sya.

Tumigil ako at humalukipkip. Salubong ang kilay na tinignan ko sya.

"What do you want?"

"Marunong ka din palang mamansin e. Gusto mo pa pinipilit ka!"- paismid na sabi nya at nagpamulsa sa pants nya.

He cleared his throat and stared at my whole body before smirking.

"Nagpatuli ka ba? Baka hindi yan natayo ha."

Natayo? Required bang tumayo iyon? Hindi ko pa kasi naranasan dahil hindi naman ako lumaking expose sa mga bastos na bagay.

"Ano? Di ka makasagot kasi para kang lantang gulay?"

Bumuntong hininga ako at napakamot sa kilay ko.

"Sabay nga tayo di ba? Tapos nahimatay ka pa nga e dahil takot ka sa karayom."- pang aasar ko.

Parang nakakita ako ng usok na lumabas sa ilong at magkabilang tainga nya.

Huwag nya ako simulan dahil alam ko kung ilang beses syang ni schedule tulian pero lagi syang nahihimatay.

"May sasabihin ka pa?"- taas kilay na tanong ko.

"Ang yabang mo. Paano nalang kapag nalaman ng iba yan sikreto mo?"

Lumapit ako sa kanya at malakas na sinipa ang binti nya. Napaluhod sya kaagad at napasigaw dahilan para magtinginan ang mga nag aayos sa garden.

"Saka mo na ako angasan kapag hindi ka na parang bakla."

Umayos ako ng tindig at pinagpag ang dulo ng sapatos ko baka kasi nag ka germs dahil sa pagdikit sa binti nya.

"Kung hindi kita pinsan baka matagal ka ng wala sa mundo."- walang ganang dagdag ko at inirapan sya.

Tinalikuran ko na sya matapos nyang tumayo at pag pagan ang tuhod nya. Lihim akong napangisi bago may pinindot sa remote na nasa bulsa ng jacket ko.

Hindi nagtagal ay narinig ko ang nang gagalaiting sigaw ni Karl sa likuran at nang tignan ko sya ay basang basa na sya dahil natapon sa kanya yung isang timbang tubig na sinabit ko nuong isang araw.

Nag walk out ito at sakto naman na nakasalubong nito si Kuya na nagtataka.

"Binully mo na naman?"

"Sya naman nauna. Gumanti lang ako."

Natawa naman si Kuya at inakbayan ako at pinisil pisil ang pisnge ko.

"Iyan ang gusto ko sayo! Kaya mong ipagtanggol sarili mo."

Tinabig ko naman yung kamay nya at tinulak sya palayo. Sinamaan ko din sya ng tingin dahil ayaw ko nga ng skinship.

Kinikilabutan ako kapag may dumidikit sa akin.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now