Chapter 7 - Good job

16.5K 892 111
                                    




"Hindi ka ba maliligo?"

Mula sa pagkakadapa sa kama at sa pagbabasa ng libro ay nag angat ako ng tingin. Kakapasok lang ni Addison sa kwarto at kasalukuyan na nag hahalughog sa gamit nya.

Nilingon nya ako at ngumiti, "Hindi ka ba maliligo?"- pag ulit nya dahil hindi ko sya sinagot.

"Hmm, later."- cold na sabi ko at tumingin na ulit sa binabasa ko.

Hindi naman na sya umimik at tuluyan ng nagtungo sa banyo matapos makuha ang mga kailangan nyang gamit.

Pag uwi namin kanina ay kinausap ako ng parents ko, sinabi ko nalang na wala talaga ako sa mood at hindi ko sinasadya yung ginawa ko kanina sa hapag, pero hindi ako nag sorry, tinanggap ko lang na may mali din ako.

Makalipas ang ilang minuto ay nag desisyon na ako na tumayo para mag ready na din ng bihisan. Sakto naman na bumukas ang pinto ng banyo at niluwa ang babaeng naka tapis lang ng tuwalya.

Nanlaki ang mga mata ko at napabalik sa pagkakaupo. Kinuha ko din yung unan ko at pinatong sa lap ko habang hindi na magkanda mayaw ang mga mata ko kung saan titingin.

"I forgot my clothes."- she said while chuckling.

"Pinaabot mo nalang sana.."

"As if naman susunod ka sakin."- bulong nya na narinig ko naman.

Pagkatalikod nya sa akin ay saka lamang ako tumayo at madaling kinuha ang sarili kong gamit. Pasulyap sulyap lang ako sa kanya dahil baka maghubad nalang sya dito bigla, sisigaw talaga ako ng malakas.

"D-Dito ka magbibihis?"

Damn! At bakit ka nautal Juztine?!

She turned to me and nodded. "You can use the bathroom now."

"Okay, lock the door first before you remove your towel." - I said lowly and stepped back until I turned around and went inside the bathroom. 

Napasandal nalang ako sa pader habang naghahabol ng hininga. Ang bilis din ng tibok ng puso ko dahil kinabahan talaga ako.

Nagtagal ako ng ilang oras dahil nagbabad pa ako sa shower. Alam nyo na kung bakit kaya huwag nyo na ako tanungin. Para tuloy akong pagod na pagod paglabas ko. Mabuti nalang ay tulog na sya sa sarili nyang kama at hindi na nya napansin pa ang itsura ko.

Lumapit nalang ako sa higaan nya at inayos yung kumot nya. Hininaan ko din yung air-con dahil baka nilalamig sya. Magkaiba naman kasi kami ng pantulog e, kung ako balot na balot, sya naman ay hindi.

Matapos kong magpatuyo ng buhok ay nahiga na din ako at humarap sa direksyon nya.

She looks so peaceful in her sleep. Even though we're not sharing the same bed, I can still see the beauty of her face. My lips twitch in a playful manner before I turn my back and face the wall instead. 

"What's wrong with you, Juztine?" - I mumbled as I closed my eyes and drifted to sleep. 

************

We roamed the next day; of course, I'm a solo flight, as always, because they have their own partners. 

Napipilitan na nga lang ako sumama sa mga pictures nila e dahil pakiramdam ko batang bata ako kahit ang tangkad ko naman.

Sa isang fine dining restaurant kami kumain kasama ang parents ni Addison at as usual ako na naman yung OP dahil hindi ko talaga gusto ang topic kapag patungkol sa business.

Someone nudges me on my side, and when I look, I see Addison giving me a questioning look. She's asking me what's wrong through her eyes. 

Hindi ko nalang sya pinansin dahil tinawag din naman sya ni kuya kaya natanggal ang tingin nya sa akin.

She Loves Me ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon