Chapter 16 - Step away

16.8K 918 331
                                    





Naalimpungatan ako at ngayon ko lang na realize na nakatulog pala ako sa semento. Umabot naman ako sa bahay kagabi pero halos hindi ko na makayanan ang pagod dahil basang basa din ako sa ulan. Hindi ko na nga din nagawang magbihis kaya ang bigat ng ulo ko ngayon.

Kahit binabahing ay pinili ko pa din mag asikaso. Pupuntahan ko ngayon si Kuya. Nag flash back na naman kasi sa isip ko lahat ng nangyari kagabi matapos ang party.

Nagmukha akong tanga pero at least nabawasan yung tinatago ko.

"Ouch.."- daing ko at minasahe ang ulo ko.

Nahihilo talaga ako pero hindi ko na pinansin pa ang nararamdaman ko.

"Good morning po."- bati ng nakasalubong kong maid sa hagdanan.

Nilagpasan ko lang ito at dumiretso ako sa kusina hoping to find my parents there but they're not here.

Maaga pala sila umalis pero dahil mahimbing ang tulog ko ay hindi ko na narinig.

"Ma'am okay ka lang po?"

Kunot noo na tumingin ako kay Lucille.

"Where's your mom?"

"Nasa likod po. Inaasikaso yung——"

"Pumunta ka duon at palitan mo sya. Mapapagod yon matanda sa ginagawa mo."

"Pero ma'am sabi po ni nanay dito nalang po ako sa loob."

Lumapit ako sa kanya kaya napaatras ito at ngumuso. Napabuntong hininga nalang ako at naupo sa kabisera.

"Give me coffee please."- nakatungong sabi ko.

Agad naman syang tumalima para gawin ang inutos ko. Matapos akong makapag kape ay umalis pa din ako ng bahay kahit pa sabi ni Lucille ay wag na daw.

I need to talk to my brother. After what happened last night, I realized that I betrayed him, and he deserves to know that I did something behind his back before Addison told him herself.

Mabait sila sakin pero anong ginanti ko? Damn this feeling of mine. Sinubukan ko naman iwasan pero kasi kusa nalang nahulog ang loob ko e.

Ang kinakainis ko lang sa dami ng babae na pwede kong magustuhan ay bakit sya pa? Kung saan wala pa akong chance na maging masaya.

Pagkadating ko sa lobby ng condominium ay kinausap ko na yung front desk to inform them na pupunta ako sa unit ni Kuya. I answered some of their questions, and they even called my brother to make sure that I was related to him.

Lulan ako ng elevator pero halos gusto ko ng humiga sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Pagkadating ko sa floor kung na saan ang unit nya ay lumabas na ako at hinanap ang room number nya.

Hindi na ako nag abala pa na kumatok or mag doorbell. Binuksan ko nalang yung pinto gamit yung binigay ng receptionist at tuluyan na akong pumasok sa loob.

"Kuya?"

Pipikit pikit pa ako habang naglalakad papasok at saka hinubad yung sapatos ko para makapag suot ako ng panloob na tsinelas.

"Kuya, we need to talk!"- sigaw ko ulit dahil walang sumagot.

"Claire?"

Nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto. Dumako ang mga mata ko sa babaeng kagabi lang ay iniiyakan ko ng sobra.

My eyes automatically drop to her attire. She's wearing my brother's shirt. Nagmukha tuloy dress iyon sa kanya dahil malaki.

"You slept here?"- I was still shocked to see her here.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now