Chapter 23 - Engagement

20.9K 1.1K 693
                                    





True to her words, she really did not bother me anymore. Almost two weeks ng tahimik ang buhay ko. Walang foods and gifts gaya ng sinabi nya sa akin.

Ginagaslight ko nalang yung sarili ko. Sabi ko okay lang dahil ito naman yung gusto ko kahit deep down masakit na tuluyan mawalan kami ng interaksyon sa isat isa.

Yung tipong ang lapit nya lang pero ang layo layo ng pakiramdam.

Minsan nakikita ko nalang yung sarili ko na tulala. Halos hindi ko na din mabigyan pansin yung pagpipinta. Palagi ko nalang naibabasura yung mga canvas na hindi ko matapos tapos iguhit.

I don't know. Everything seems so tiring for me. The things I used to enjoy and love doing before don't excite me anymore.

I'm also not getting enough sleep because every time I close my eyes, all I can see is her face, and all I can hear is her voice.

"Good morning, ma'am!"

I stared blankly at Lucille. Buti pa sya ang lawak ng ngiti.

"Nothing's good in the morning."

Nilampasan ko sya at nagtungo na ako sa dining area.

"Good morning anak."- hinalikan ako sa pisnge ni mama at tinap pa ang ulo ko na parang isa akong paslit.

"Malungkot yata ang prinsesa ko. Nakakapagod ba mag trabaho?"- nakangiting tanong ni Dad.

"I'm not a princess, Dad. And yeah, nakakapagod po mag work."

Lucille helped the other maid place the food on the table. I saw her discreetly looking at me and smiling like she was telling me to cheer up, but I just furrowed my brows and looked at my parents again.

"Masasanay ka din. Baka nga sa susunod ayaw mo na din umuwi at sa kompanya ka na mag tambay."

I chuckled, "Not gonna happen unless..."

"Unless what, Juztine?"- mom asked curiously.

"Unless may dahilan po ako para hindi na umuwi."

Nagkatinginan sila at sabay pa na nagkibit balikat.

Hindi ko alam pero parang ang ganda ng awra ng parents ko ngayon. Mukha silang mga teenager na mga kinikilig at silang dalawa lang ang nakaalam ng rason kung bakit sila ganyan.

Matapos akong kumain ay nagpaalam ako na aalis na ako dahil may pasok pa ako. Last department na itong work ko ngayon and after this week pwede nako mag pahinga tapos lilipat naman ako sa company namin. Another pakikisama na naman sa mga tao.

"I can't wait sa merging. Excited na ako para sa anak natin."

I stopped on my track after accidentally hearing what my mother said. Her voice sounds so giddy, and as I peeked at them, I saw my father smiling as well.

I felt a pang in my chest when the realization dawned on me.

Merging.. So that means their engagement is near.

Kaya ba tumigil na sya kakahabol sakin? Kaya pala inisahan bagsak nalang nya yung sakit dahil mas may masakit pa palang balita na darating.

Aligaga akong nakarating sa building at wala sa sariling pumasok sa entrance. Medyo nabunggo pa nga ako at napunta ako sa gilid dahil dumagsa ang tao.

Mga men in black kasama ang mga guard sa kompanya. Kumunot ang noo ko dahil pati mga front desk staff ay nagsitayo at nakatitig sa entrance.

I followed their sight while brushing off the dust on my clothes.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now