Chapter 25 - Taste

24.1K 1K 491
                                    



Matapos ang naging pag uusap namin sa hapag kaninan ay hindi pa din kami nagpapansinan hanggang ngayon.

Nag pakabusy sya sa loob ng bahay habang ako naman ay naglibot sa buong villa.
Gusto ko nga sana mag cellphone nalang pero sobrang sariwa pa ng wedding namin at panigurado na pinag uusapan pa din ito ng mga tao. Ma stress lang ako kapag may mga nabasa ako na hindi maganda.

Sa huli ay nagtampisaw na nga lang ako sa seashore habang pinagmamasdan ang araw na masakit sa balat.

The air here is so refreshing. The calm waves of the sea somehow managed to capture my interest. I want to swim, but at the same time, I don't want to get sunburned.

"Ang ganda sana ipaint kaya lang wala akong gamit, hay naku."- bulong ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mata ko.

Bumalik nalang ako sa loob ng manawa ako sa labas. Naabutan ko naman syang nakaupo sa sala habang may ka video call.

Naka loud speaker yung phone nya at mukhang hindi pa nya napapansin na nasa loob na ako ng bahay. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig na maiinom at pagkatapos ay lumabas na ulit para tignan sya.

Sumandal ako sa pader na hindi ako mahahagip sa video at pinakinggan syang natatawa sa sinasabi ng friend nya.

Her laughter is really pleasant to the ear. It's so girly, and I find it beautiful rather than annoying.

"Where's your wife?"

Napaayos ako ng tindig dahil sa narinig. Sumimsim din ako sa tubig na hawak ko.

"She's outside, I think. Why?"

She shifted in her seat and combed her hair. She angled her phone to her face as well, and I almost got caught in there.

Fudge! Eavesdropping is not my thing, but there's a force or voice telling me to not go away.

"Ginawa nyo ba? Tell me, malaki ba?"

The heck?! Anong malaki?

I heard her groan and flick the screen of her phone.

"Stop asking such. My gosh, Liz, you're such a pervert!"

The other girl laughed, which made me frown. What's so funny?

"Curios lang kung nasarapan ka ba."

"Oh my gosh! Shut up!"- she said almost in hushed tones.

She fancied herself and ignored her friend's teasing smile at her.

My cheeks burn as well because of the scenarios that suddenly pop into my head.
Yung honeymoon ba ang tinutukoy nya?

"Yiieeh nadiligan."

"I'm going to drop this call if you won't stop."- she threatened, but her friend just chuckled at her.

Inubos ko yung tubig na iniinom ko pero yung sunod na sinabi ng kaibigan nya ang naging dahilan para maibuga ko yung iniinom ko.

"Baka pag uwi mo buntis ka na ha! Ninang ako bessy!"

Mabilis na napalingon sa gawi ko si Addison dahil sa pag ubo ko. Rumehistro ang gulat sa mukha nya at mas namula sya lalo.

"I want to see your crush——"

Aligaga nyang naihagis yung phone nya at hindi na pinansin pa yung kausap nya. Nakataob na iyon ngayon sa couch at hindi na marinig yung nagsasalita.

Pinunasan ko ang labi ko at mabilis na bumalik sa kusina. Napatuon ako sa lababo at naghabol ng hininga dahil pakiramdam ko ay ako din yung na hot seat.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now