Chapter 8 - Close

16.3K 845 127
                                    





I'm happily humming a song while sketching in my sketchbook. I didn't sleep last night because I was so busy drawing unrealistic things.

Pinagmasdan ko ang kwarto ko na puno na naman ng mga nilukumos na papel. Lantang gulay akong bumaba ng kama at pinulot iyon isa isa bago tinapon sa trash bin.

Napahikab ako at nag inat ng katawan. Weekend ngayon kaya okay lang kung matulog muna ako.

Sakit ko na kasi yung ganito, kapag may nagustuhan akong gawin hindi ko talaga tinitigilan hanggat hindi ako nakakaramdam ng pagod. Kaya inabot na naman ako ng umaga kaka drawing.

Nagpalit muna ako ng damit at pabalik na sana sa kama nang may kumatok sa pinto.

"Mom?"

She scanned my room after opening the door. I'm probably checking to see what I was up to since last night. 

"Let me guess, you didn't sleep again?"

"I was planning to if you didn't knock.What do you need, mom?"

She smiled and said, "Someone's looking for you. Kailan pa kayo naging close ni Rein?"

Nawala yung antok ko at nagulat din ako ng bahagya dahil sa sinabi nyang pangalan.

"She's here?"

"Yes"

"But Kuya is not here."

"Hmm oo nga, pero ikaw ang hanap e."

Lumabas na si mama kaya naman nagtungo na ako ulit sa walk in closet ko para humanap ng presentableng damit.

Okay naman yung suot ko pero ewan ko ba, gusto ko ulit magpalit.

Naghilamos na din ako at nagsuklay. Nag apply din ako ng pabango.

"What the heck?!"- bulalas ko ng marealize ang ginagawa ko.

It's just Rein Addison Elin, so why do I feel the need to dress up well for her? 

Binitawan ko yung hawak kong pabango at napailing. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba habang naka poker face.

Naabutan ko silang magkausap ni mama. Nagtatawanan pa nga sila kaya naman hindi ko na naman maiwasan na hindi purihin ang ganda nya.

She's really glowing in my eyes after the vacation.

I think there's something about Vancouver that makes me appreciate her existence.

"Oh, nandito na pala ang anak ko. Paano ba yan, maiwan ko muna kayo at babalik na ako sa ginagawa ko."- sabi ni mama at tumayo na.

Nang mawala sya sa paningin namin ay bumaling na ako kay Addison. Ngumiti sya sa akin at umayos ng upo.

My eyes rake on her body first before settling on her angelic face.

"Bakit nandito ka?"

"Masama ba?"

Tumango ako at nagpamulsa sa baggy pants na suot ko.

"My brother is not here."

She pouted and sighed. "Can't I visit you? Or you still don't consider me your friend?"

Hindi ako umimik dahil hindi naman talaga kami friends. Sadyang these past few days ay magaan lang ang loob ko sa kanya kaya kami medyo nagkakaroon ng interaction.

"Sabi ko pa naman kay tita hihiramin kita para makapag bonding tayo."

Napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya. Para kasi syang batang hindi nabigyan ng kendi.

She Loves Me ✔Where stories live. Discover now