Chapter 5 - Practice

16K 881 131
                                    




"Touch me again."

Napalunok ako matapos ko iyon sabihin. Ngayon lang ako nag request ng ganito dahil ayaw ko naman talaga na may nadikit sa akin.

Halata naman na nagulat sya dahil biglang umawang ang labi nya pero wala syang nasabi. Ang ending tuloy ay nagsalubong nalang ang kilay nya.

Tinalikuran lang nya ako at walang imik na dinampot na yung hand bag nya sa couch.

"I said, touch me again."- tiim bagang na sabi ko at lumapit sa tabi nya.

Tinitigan naman nya ako gamit ang nagtataka nyang tingin. Bahagya din syang nakatingala dahil mas matangkad ako sa kanya. Actually, ayaw ko naman itong gawin pero meron lang akong gustong malaman.

"Ayaw ko, Claire."- matigas na sagot nya at nilagpasan na ako.

Umayos ako ng tindig at saka sya sinundan ng tingin. Napanguso ako at napairap sa kawalan.

"Suit yourself, Addison."

Napahinto naman sya pero ako naman ngayon ang nilagpasan sya. Dumiretso na ako sa labas at habang naglalakad ako ay kung ano ano nang panlalait ang sinasabi ko sa sarili ko.

Ako lang naman pwede manlait sa akin e dahil kung lalaitin mo ako ay tumingin ka muna sa salamin baka mamaya makinis pa paa ko kesa sa mukha mo.

"Juztine!"

Sinalubong ako ni mama. Hindi naman na sya nagtaka kung bakit nagbago na ang damit ko. Wala naman kasi syang magagawa dahil nakapagbihis na ako.

Dinala nya ako sa table nila ni Dad kung saan may mga ilan matatanda din silang kausap.

Pinakilala nila ako sa mga oldies na nanduon. Yung iba nga nirereto pa mga anak nilang lalaki sa akin. Mabuti nalang hindi sumasang ayon ang parents ko.

I'm a girl physically, but I could impregnate someone if I wanted to. My doctor already explained everything to us, and they even asked me if I wanted to have an operation to fully become a woman, but I disagreed because I didn't want to suffer someday due to this so-called transformation of the genital area.

Namataan ko naman si kuya kasama ang girlfriend nya. Naglalakad sila papunta sa amin at magkahawak pa sila ng kamay.

Nagtama ang tingin namin ni Addison. Hindi ko sya tatawagin ate. Hindi naman sya welcome sa akin. Ako ang unang nag iwas ng tingin at nag paalam na sa parents ko na aalis bago pa makalapit sina kuya.

Bumalik ako sa upuan ko kanina at prenteng umupo duon. May mga ibang nabati sa akin at tanging tango lamang ang aking naibibigay. Hindi ko kayang ngumiti at makipag usap baka mamaya bigla nalang nila akong chismisin at hawak hawakan.

Kumuha ako ng wine sa tray ng waiter. Pahigop na sana ako pero may bigla naman umagaw nun sa akin kaya natapunan ako sa bandang hita malapit sa crotch area ko.

"Oh my gosh! I'm sorry."

I looked at her in disbelief. Some people looked at us as well because of her voice.

She put down the wine glass on the table and pulled out a handkerchief. My lips parted when she unconsciously wiped off the wine stain on my pants.

"Wait.."

"No, stay still. Hindi ko sinasadya. Bawal ka pa kasi....."

Hindi ko na naintindihan ang lahat ng sinabi nya dahil naka focus ako sa lower part ko na pinupunasan nya. Unti unting namilog ang mga mata ko kasabay ng pagkatuyo ng lalamunan ko dahil may nararamdaman akong kakaiba.

She Loves Me ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon