𝓚𝓪𝓫𝓪𝓷𝓪𝓽𝓪 2

1K 25 0
                                    

"May sorbetes sa labas, Maxine! Bili tayo!"

Nabitawan ko ang hawak na notebook nang hilahin ako ni Louisa. Dito siya sa bahay iniwan ni Tita Louisiana at Tito Drave dahil nagkataon na parehas silang night shift sa ospital. She's their second child, just two months older than me.

"Mamaya pang alas nuebe dadaan sa subdivision si Kuya Nilo, Louisa. 8:35AM pa lang. Nasa kabilang subdivision pa lang 'yon ngayon."

"E'di puntahan natin!"

I snorted. "Gusto mo lang magbike, eh!"

She smiled sheepishly. Sabi ko na nga ba! Gumagawa lang siya ng dahilan para makapagbike kami!

Umiling ako. Her face fell and she pouted. Hindi kami pwedeng magbike ng ganitong oras dahil marami ang sasakyan na dumadaan kapag ganitong maaga pa lang. We are only allowed to bike on the afternoon, around 2:00 - 4:00 PM. Mga ganong oras kasi walang halos tao sa subdivision dahil nasa trabaho halos lahat.

"Dali na, Maxine, please?"

"Maglaro na lang tayo sa playground. We can't cycle, baka mapahamak tayo."

"Please?" She prolonged the word.

I sighed heavily. I  can see my little sister's eyes on her because they have the similar trait. Parehas na namana nila kay Grandmama. Tuloy, parang si Kelsey tuloy ang nagmamakaawa sa akin!

"Pretty please!"

"Fine!"

"Yes!" She did a happy dance.

Natatawang napailing ako. Sabay kaming tumayo at bumaba para kunin ang bike namin.

We sneak out of the house. Saktong abala ang guard namin sa guard house kaya nakalabas kami ni Louisa. She's laughing hilariously as we ride our bicycle on the side of the road.

"We'll jut cycle around the block! Hindi tayo pwedeng lumayo!"

"Paano tayo bibili ng ice cream?"

"We won't ride! Itutulak lang natin-"

"No way!"

My eyes widened when she started to cycle towards the exit of our subdivision.

"Louisa Denise! Come back here!"

"Don't be so scared! Malapit lang naman ang pupuntahan natin!"

I groaned frustratedly. Mapapahamak kami nito kay Daddy! Mommy left with Kelsey and Maddox for their self-defense class which I've already done that's why they leave me alone in our house. May tiwala sa akin si Mommy na hindi ako susuway sa kanila.

Thanks to my cousin here, I did! Kaya lagot ako nito kapag nalaman nila! Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan si Louisa!

I have no choice but to go with her. Katulad ng inaasahan ay marami ngang sasakyan. The two-way street never got a break from running vehicles passing them!

"Uuwi kaagad tayo, ah!"

"Of course! Uuwi tayo after kong makita si Giovanni!"

I grunted. I knew it! Yung crush niya ang pakay niya, hindi ang ice cream!

"Isusumbong kita kay Tito Drave!"

"Nye nye, you won't do that! Ilang beses mo nang sinabi 'yan!" Tumawa siya.

Nakasimangot naman ako. Palibhasa, alam niyang hindi ko siya kayang ilaglag kay Tito! We're the closest among all our cousins. Halos lalaki na kasi ang iba, tapos si Kelsey, Harriet, bunsong anak ni Tito Draco, at Janessa, anak ni Ninang Jana, ang magkakasundo.

Unsuccessful Landing II: To Crash on His Arms (COMPLETE)Where stories live. Discover now