𝓚𝓪𝓫𝓪𝓷𝓪𝓽𝓪 28

440 13 1
                                    

"Will you marry me?"

Natulala ako. I couldn't comprehend his words at first. Nakatulala lang ako sa nakaluhod niyang posisyon matapos naming sumayaw sa gitna ng bulwagan ng bahay nila.

It's his birthday. Nasa gitna kami ng selebrasyon ng kaarawan niya. I was too busy with the guest to even notice his plan. Kaya ba kumpleto ang pamilya ko ngayon dito? Do they knew about this?

I look around and saw all of our friends, relatives, and families. They are all watching me with tears in their eyes. Doon pa lang, alam ko nang alam nila ang tungkol sa proposal ni Santi.

Nagsimulang manginig ang labi ko. I look at Santi who's smiling at me with a diamond ring on his hand. Bumuhos ang luha ko kasabay ng mabagal kong pag-abot sa kaniya ng kamay ko.

"Y-Yes! I will marry you!"

Dinamba ko siya ng yakap. Muntik pa kaming matumba sa lakas ng pwersa ng yakap ko. He chuckled and hug me back as tightly as I hug him. Umiyak ako ng umiyak sa sobrang saya.

I wonder what I did to deserve this happiness. Para akong nasa alapaap. To love and to be loved back is like a drug I'm addicted to. I won't stop. I can't stop.

"I love you. Ikaw lang ang mamahalin ko...hanggang dulo."

I whispered as we sealed this engagement with a kiss.

───────────────

Hindi mawala ang ngiti ko habang binabaybay ko ang hagdanan. Patuloy pa rin ang party pero hindi ko mahagilap ang celebrant kaya heto ako ngayon paakyat sa kuwarto niya. Kanina pa sila nag-iinuman ng mga kaibigan niya at mga pinsan ko. Baka lasing na 'yon at nagpapahinga sa kwarto niya.

I turn on the hallway where his room is when I bump into someone.

"I'm sorry! Ayos ka lang– Crystal?"

Umatras siya at napatunayan ko na si Crystal nga ang nakabungo ko. Her eyes widen and she looks terrified for a second. Papiksing tinago niya ang isang kamay sa likod, pero nahagip pa rin ng tingin ko ang hawak niyang tila isang lalagyan.

"Ikaw nga! Anong ginagawa mo dito?" Kanina lang kasi nasa baba siya kasama nila Pristine.

Parang tinakasan ng kulay ang mukha niya. I remember her condition so I panicked a little. Baka may dinaramdam na siya!

"A-Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo? Should we go to the hospital?"

"H-Hindi! U-Uhm..." Naglumikot ang mata niya. "A-Ano... N-Nag-CR lang ako!"

Kumunot ang noo ko. Nag-CR siya dito sa taas?

"May CR sa baba, Crystal."

"M-Marami kasing tao! N-Nahihiya ako..." Hindi siya makatingin sa akin.

I know she's lying. Alam kong may tinatago siya, ngunit hindi ko mapunto kung ano 'yon. I think it's about her illness. Sa ilang araw naming pagkikita simula nung umuwi siya galing ibang bansa last month, napansin kong may nagbago talaga sa kaniya. She was a little...distant to me...at parang palaging kabado, takot, at nangungusap ang mga mata.

I don't want to push her further because of her condition. Kung may tinatago man siya, alam kong may maganda siyang rason para gawin 'yon.

"Okay." Masuyo akong ngumiti. "You know that I will always be here for you, right? You can trust me if you have problems. Mahalaga ka sa akin Crystal. Kaya kung ano man ang pinagdadaanan mo, sana ibahagi mo sa akin para hindi gaanong mabigat dito." I look at her fragile heart.

"You can always count on me. You're one of my best friends, after all."

Bigla na lang nanubig ang mga mata niya. Her lips tremble and she's about to cry. Nag-aalalang hinawakan ko ang braso niya ngunit agad siyang umatras at umiling. Nasa likod niya pa rin ang isang kamay niya.

Unsuccessful Landing II: To Crash on His Arms (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon