𝓚𝓪𝓫𝓪𝓷𝓪𝓽𝓪 16

531 22 1
                                    

"Magkakasama ulit tayo sa iisang section ngayong grade 9! OMG!" Tili ni Sybil at nagtatalon pa.

Ngayong araw ang announcement ng master list ng grade 9 students per section. Nandito ngayon sa bahay si Sybil para samahan akong sumilip sa master list.

She was so worried that she won't make it on the list because of her grades in Mathematics. Kaya ngayon tuwang tuwa siya ng makita ang pangalan niya sa listahan.

"We should celebrate! Sayang wala si Crystal dito. Kailan nga ang uwi niya?" She settle on my bed.

Crystal is taking a vacation outside the country. Nasa Australia siya tuwing bakasyon kaya hindi namin siya nakakasama sa pag-alis alis namin ni Sybil. Si Sybil din naman, nasa ibang bansa nung unang buwan ng bakasyon, habang ako ay nasa isla kasama ang buong pamilya ko. Umuwi lang kami nang magdadalawang linggo na lang bago magpasukan ulit.

"Mahuhuli daw siya ng uwi. Baka daw sa second week ng pasukan pa."

"E'di mahuhuli siya ng isang linggo?"

Tumango ako. Inayos ko ang laptop na nakalapag sa gitna naming dalawa para makausog pa siya sa kama ko. Nilagay ko 'yon sa bed side table.

"Oo. May inaasikaso pa daw kasi sila ng pamilya niya." Sagot ko.

Umusod si Sybil at komportableng nahiga sa kama ko. Kumalat sa unan ang kulot na brown niyang buhok. She's staring at the ceiling. Maya maya ay bigla siyang nangingiti na para bang may naisip na masaya.

"May crush na ako, Maxine." Bigla niyang anunsyo.

Tumaas ang dalawang kilay ko. I turn my body to face her, then she lay on her side to do the same way. Naka-upo lang ako. Tinukod niya naman ang siko sa kama at nangalumbaba para matignan ako ng maayos.

"Alam ko."

Namilog ang kulay tsokolate niyang mata. Napabangon pa siya sa pagkakahiga kaya yumugyog ang higaan.

"Talaga? Oh my gosh! Halata ba na may crush na ako?!"

"Hindi naman." Tumawa ako. "Nahalata ko lang dahil kaibigan kita, Sy."

Parang nakahinga siya ng maluwag. Muli siyang pabagsak na humiga sa kama at tumitig sa kisame. May ngiti na sa labi niya ngayon.

"I like Akiro..."

"I figured that."

Tumingin siya sa akin at ngumisi. She looks proud of it.

"I've always know that you're a great observant. Paano mo naman nalaman?"

Katulad niya ay humiga na rin ako sa kama. Tumagilid lang ako para humarap sa kaniya, at ganon din naman ang ginawa niya kaya naging magkaharapan na kami ngayon.

"After Decemberfest, nung magsimula ulit ang pasukan, palagi ka ng sumasama sa akin kapag may practice ang La Alma. Hindi naman nakakatakas sa akin ang panonood mo kay Kuya Akiro at ang minsan mong pakikipag-usap sa kaniya."

She giggled. Tuwang tuwa pa na nahulaan ko ang tunay na pakay niya sa lalaki. Sino ba naman kasi ang hindi makakahalata, samantalang hindi naman siya masyadong lumalapit sa lalaki basta basta, lalo na ang manood sa ginagawa ng mga 'to.

She's not friendly with boys. Kusa niya lang naging kaibigan sina Lenard dahil din sa ilang taon naming magkakasama sa klase. Hindi siya mahilig lumapit sa mga lalaki kaya natunugan ko kaagad ang nararamdaman niya nang makita kong nilalapitan niya si Kuya Akiro.

"Isn't he cool? Nagustuhan ko siya nung Decemberfest. Ang galing niya kasi sumayaw! Medyo suplado pero hindi naman masama ang ugali."

Tumango ako. Alam kong ganon talaga si Kuya Akiro. Siya lang ang hindi ko masyadong nakakausap sa La Alma dahil natural siyang tahimik. Kahit pa kaibigan niya sina kuya Robin at Kuya Earl, hindi pa rin siya natutulad sa mga 'to na madaldal at makukulit.

Unsuccessful Landing II: To Crash on His Arms (COMPLETE)Where stories live. Discover now