𝓚𝓪𝓫𝓪𝓷𝓪𝓽𝓪 18

557 23 0
                                    

Tila isang ihip ng hangin na mabilis dumaan ang mga araw na lumipas. We are in grade nine when my cousin, Louisa have her first secret boyfriend. At sixteen, I watch her get all clingy and sweet towards Gino who's very gentleman and sweet to my cousin. Ako ang naging panakip nilang dalawa sa lihim nilang relasyon.

Tuwing may date sila, magpapaalam si Louisa na lalabas kaming dalawa para maglibot o kaya bumili ng mga gamit, pero ang totoo, sila ni Gino ang magkasama. Gino is now studying on a private school near our subdivision, and sometimes they will meet shortly after class. They were very discreet that even our cousins never doubted her actions. Walang pagbabago sa kaniya maliban sa pagiging mas masayahin niya at madalas na pag-alis namin.

At siguro nakatulong din ang sinabi ni Tita Louisiana na natural ang pagbabago ng anak dahil nagdadalaga na ito. Tito Drave were a little suspicious but Louisa promised him that she will behave. Promises are big deal to our family. Daig pa nito ang panunumpa sa pamilya namin. If you promise, no matter what happen, you should never break it. It's one of our family rules.

At nakikita ko naman na hindi binabali ni Louisa ang pangako niya. She even got on top in her class! She got better when Gino and her became in a relationship. At malaki ang tiwala ko kay Gino dahil hindi ito kailanman gumawa ng bagay na talaga namang kaduda duda.

"Aalis ulit kayo bukas?"

Nilingon ko ang screen ng phone ko at nakita doon ang kunot noong si Santi. Nawala ang atensyon niya sa laptop niya at ngayon ay nakatingin na din sa akin. His hair is disheveled and he's only wearing white tank top. Ang warm yellow niyang lamp shade ay nagbigay ng napakagandang effects sa madilim niyang mata at matangos na ilong.

"Nag-aya kasi si Louisa sa Mariano. Doon sa sikat na Cafe. Yung may board games?"

"Can I come?"

Ngumuso ako. His eyes went down on my lips for a second. Tumaas ang kilay niya, parang nadistract saglit, bago muling binalik ang tingin sa mata ko.

"Girls bonding lang. Bawal ka." Sagot ko.

Umismid siya at muling binigyan ng atensyon ang laptop niya.

"That's your reason all the time."

Kinagat ko ang labi ko at pinigilang mangiti. Para siyang nagtatampo na ewan! He looks cute with both his thick brows almost lined up together.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Louisa wanted to explore with me. Ngayon lang kasi kami pinapayagan sa medyo mas malayong lugar, tutal ay sixteen na kami parehas."

"That's still a minor age, Maxine. Kaya nga isama niyo na ako para may babysitter kayo."

Mas humaba ang nguso ko sa binanggit niyang salita. 'Yan na naman kasi siya sa salitang babysitter. He's still using it up to this day! Ang tagal na naming nag-uusap at mas malapit na kami sa isa't isa ngayon, pero heto pa rin siya at mapang-asar pa rin!

"Bawal pa rin sumama, Saint Hebrew."

He glance at me and rolled his eyes. Natawa ako ng mahina nang maalala ang galaw na 'yon sa bago naming kaklase na pusong babae. Isang late transferee siya na mabilis naming nakasundo ni Sybil.

"Don't pray in front of me. I'm busy here."

Humalakhak lang ako sa pagsusungit niya.

Ang simpleng palitan ng chat noon ay ganito na. Halfway through the school year, he asked for my number and my permission to FaceTime with him. We already did video calls a few times before he asked, so I easily agreed.

At first, ilang minuto lang inaabot ang face time namin. Hanggang sa kahit wala naman kaming pinag-uusapan, di namin pinapatay ang face time. When I'm doing homework like right now, I will position my phone when I can be seen and just let it on. Ganon din siya. Kapag naglalaro siya ng Xbox, minu-mute niya na lang para hindi ako magulo. There are also instances where I will go out or he will go out while we face time each other.

Unsuccessful Landing II: To Crash on His Arms (COMPLETE)Where stories live. Discover now