𝓚𝓪𝓫𝓪𝓷𝓪𝓽𝓪 4

753 20 0
                                    

Dumating ang September. Kabadong kabado ako sa mangyayaring audition.

I've dance inside our room when we had our Christmas party last year, at iyon na ang una't huli kahit pa gusto nila akong sumayaw ulit. Kasi, I'm still working on my confidence.

"Manonood kami ng audition mamaya. Balita ko kasi, maraming gwapo na dancers!" Sybil giggles.

"In short, you only want to check out the guys, not to support me?" I did an angry glare jokingly to scare her.

Mabilis siyang lumapit sa akin at nilambing ako.

"Joke lang! Syempre mas gusto kita kesa sa boys."

Crystal shrugged when our gaze locked. May ngiti sa labi niya habang marahan siyang kumakain.

After class ay dumeretso kami sa auditorium. Pinayagan kasi ng school na gamitin ng dance club ang auditorium para malawak ang mapagsayawan ng sasabak. Bukod pa doon, marami din talaga ang gustong sumali at manood sa dance club.

Balita ko kasi, ang club na 'to ang pinakapihikan sa pagpili ng members. Pinamumunuan ang club ng senior high student. Gwapo daw ang lalaki, pero mailap.

Hindi kaya taong lobo 'yun? I laughed in my own silly thoughts.

"Good afternoon, everyone!"

A woman wearing our PE uniform went on the stage. Hawak niya ang microphone at nakangiti siya ng malawak.

The gossip is real. Halos kalahati na ng auditorium ang sakop naming nandito sa loob! Halo halo, junior at senior high ang nandito para mag audition. And I'll be dancing in front of them. Lalo tuloy akong kinabahan!

"As usual, sobrang dami niyo at siguradong hindi tayo matatapos kaagad dito kung iisa-isahin namin kayo." She continued. "So what we will be doing is group dancing!"

Oh. Sayang pala ang sayaw na ginawa ko para sa audition. Hindi kasi nila 'to sinabi sa announcement nila. It was to challenge those who will audition for, maybe, an impromptu dance.

"You will be grouped into ten, randomly selected, and you will be dancing a dance that we'll send to you on Messenger. Then we will give you ten minutes to learn the dance and finish it."

Umingay ang auditorium sa pinaghalong boses at tunog ng mga cellphone namin. Kinuha ko ang madalang kong gamitin na cellphone ko, at binuksan ang messenger doon. Agad naman na dumungaw ang dalawang nasa gilid ko.

Kinuha nila ang Facebook namin bago pumasok sa auditorium, kaya nakapagmessage sila. I checked the message requests, and I saw unfamiliar accounts messaging me, pero isa lang ang binuksan ko.

A video was sent and I played it. Tatlong tao, dalawang babae at isang lalaking naka-mask ang nandoon.

"We can go all the time
We can move fast, then rewind
When you put your body on mine
And collide, collide."

"Oh, shrimp! That's so cool!" Sybil gasped.

Tumango tango din si Crystal. Even I find it so cool. Maikli lang ang sayaw pero sobrang galing nila sumayaw kaya ang ganda ng kinalabasan. It has a lot of footwork. Sobrang galing nilang tatlo pero mas malakas ang impact sa akin ng galaw nung nag-iisang lalaki doon.

Maybe it is his stares that draw me to him. Ang ganda kasi ng itim niyang mga mata. It was emotionless but it flickers as he dances. Parang nang-aakit.

"Magpractice ka na!" Halos itulak na ako ni Sybil patayo.

Paano kasi, halos kami na lang ang naka-upo dahil marami na ang nag-eensayo. Kaniya kaniya silang pwesto sa loob ng malawak na auditorium.

"Doon tayo sa dulong dulo?" Crystal pointed on the far back right of the auditorium.

Unsuccessful Landing II: To Crash on His Arms (COMPLETE)Where stories live. Discover now