𝓚𝓪𝓫𝓪𝓷𝓪𝓽𝓪 22

535 15 0
                                    

"Maxi, nasa labas na 'yung sundo mo!"

Inulan ako ng tukso matapos ianunsyo ni Marvin 'yon. Natigilan tuloy ako sa pagsusulat ng mga pangalan ng kagrupo ko sa one-forth.

Katatapos lang ng klase at groupings namin, at ako ang naging leader kaya ako ang nagsusulat ng pangalan namin sa papel. Because of that, kahit dismissal na ay narito pa rin kami.

"Hindi pa talaga kayo sa lagay na 'yan ah?" Nanunudyong ngumiti si Sybil na nasa tabi ko lang.

Uminit ang pisngi ko. Mas lalo tuloy lumawak ang ngiti niya kaya napailing ako.

"Hindi kami. Hindi pwede. Masyado pa akong bata para sa ganyan." Tahimik na sabi ko.

Bumalik ako sa pagsusulat na parang walang mangyari. Hindi ako nagmadali kahit pa sa katotohanang nasa labas na siya katulad ng sinabi ni Marvin. Hindi rin naman ako magtatagal at matatapos na sa pagsusulat.

"Pero nanliligaw na?"

"Hindi." Simpleng sagot kong muli.

Napansin ko ang pang-uusisa sa mga mata ng dalawa pa naming kasama sa grupo. Hindi ko kasundo ang dalawa kaya nahiya ako sa naging usapan namin ni Sybil. Samantalang si Crystal tahimik lang sa kabilang upuan.

"Do you like him?"

"Tapos na. Ipapasa ko na 'to kay Pristine." Tumayo ako at ngumiti sa kanila.

Napansin ko ang gulat sa mata ni Violet na siyang nagtanong sa akin. Nagulat siguro siya sa biglaang pagtayo ko. Maging si Sybil ay bahagyang nanlaki ang mga mata pero hindi dahil sa ginawa ko, kung hindi dahil sa usisang tanong ni Violet.

Hindi ako kailanman nagtaray o nagmaldita sa iba na walang atraso sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit lumalabas ang ugali kong 'yon nitong mga nakaraang araw. Kung hindi pa napansin ni Sybil at Louisa, hindi ko mapagtatanto.

I don't know if it's because I'm growing up or what. Pero mas naging timid ako sa iba. Nagbabago na din ang mga gusto ko at nadadagdagan ang mga ayaw.

Sinukbit ko ang strap ng bag sa balikat ko at maikling nagpaalam lang bago umalis doon. Sumunod ang dalawa kong kaibigan kaya naiwan ang dalawa sa upuan. Dinaanan ko ang pwesto ni Pristine na nangongolekta ng one-forth at inabot sa kaniya ang papel namin.

"Heto yung papel namin."

"Okay! Ingat sa pag-uwi."

"Ikaw din." Nginitian ko siya.

I went out of the room and I saw him leaning on the pillar across the door. Tanging ang puting polo na lang ang suot niyang uniform, wala na ang kurbata, at ang coat ay nasa kanang braso niya. His bag is lazily hanging on his left shoulder and on his left hand is his phone.

Nag-angat siya ng tingin saktong paglabas ko kaya nagtama ang mata namin. His eyes lightened up instantly and then he stood straight.

"Mauna na kami, Maxi. Ingat kayo!" Sabik na bulong ni Sybil bago hinila ang isa pa naming kaibigan palayo.

I just waved on their leaving back.

I fix the strap of my bag on my shoulder, and I walk towards him. I can see some students watching us in my peripheral vision. 'Yung iba halatang paalis na pero huminto pa para tignan kami.

"Kanina ka pa?" Malumanay na tanong ko nang makalapit.

Hindi muna siya sumagot at sinubukang kunin ang bag ko. Sumimangot ako at iniwas 'yon sa kaniya.

"Ako na! Magaan lang ang bag ko."

"Ito na lang." At kinuha niya ang folders na hawak ko. "Let's go."

Hinayaan ko na lang siya kahit na nakakatawang tignan ang kulay pink at bulaklakin kong portfolio na bitbit niya. He looks manly but the folder is ruining it!

Unsuccessful Landing II: To Crash on His Arms (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon