𝓚𝓪𝓫𝓪𝓷𝓪𝓽𝓪 17

485 22 1
                                    

Kinabukasan nandito ulit ako kila Louisa. Katulad kahapon ay kasama namin dito sina Santi at ang kambal. Kausap lang ni Louisa si Gino habang ang apat ay naglalaro ng basketball. Hindi ko lang alam kung bakit hindi sumasali si Gino sa kanila at ang apat naman hindi din siya inaaya.

"Pasensya ka na talaga sa kapatid ko. Mabait naman 'yan bago umuwi dito, e. Hindi ko lang alam ang nangyari nung maiwan siya ng tatlong taon dito mag-isa."

Pati ako hindi na maiwasang makinig sa kinukwento ni Gino. Nasa tabi ko lang kasi si Louisa at nasa kabila niya naman ang lalaki.

"Bakit naman naiwan siyang mag-isa? Nasaan ang magulang niyo?"

Bigla ay naging mailap ang mga tingin ni Gino. Nakikita ko 'yon kahit pa hindi ako nakatingin ng deretso sa kanila. I'm watching the others play but I can see him on my peripheral vision. Malamang sa paningin nila ay wala akong pakialam sa pinag-uusapan nila.

"They went to the States with me. May inasikaso sila doon..."

"Walang naiwan kasama ang kambal mo? Or, binibisita lang siya buwan buwan?"

"Hindi... They settled with me there since they can't come home. Kahit gusto kong bumisita, hindi rin kasi pwede."

"Bakit naman?" Makulit na tanong pa ng pinsan ko.

I can feel that he's saying the truth. Pero may parte na nag-aalinlangan siya at mukhang hindi kumportable sa isasagot. It raise suspicion in me.

Kung hindi ko lang siguro nararamdaman na natural na mabait itong si Gino, ilalayo ko na kaagad 'tong pinsan ko.

Gino is really kind. He have this calm and composed demeanor. Halos magkaparehas na sila ni Crystal sa pagiging mahinahon! Ang paraan ng pananalita niya ay malamyos kahit na malalim ang boses. Parang hindi marunong magtaas ng boses at magalit.

And seeing how he acts makes me wonder... how did my cousin mistakenly thought Gio was Gino? Magkaibang magkaiba ang dalawa! Ako nga na dalawang araw pa lang silang nakilala, I can already distinguish them.

Gino is pale compared to Gio. Mas malaki ang katawan ni Gio kesa kay Gino, at sa ekspresyon pa lang mahahalata na ang pagkakakilanlan nila. They share the same face and height, but the other things...they're very different.

"Gino."

Sabay kaming tatlo dito sa bench na lumingon kay Gio nang tawagin niya ang kapatid.

"Kuya." Tumayo si Gino.

Mas matanda pala si Gio...

"May kailangan ka pang gawin. Anong oras na." Sinabi niya sa kapatid.

Hindi ko alam kung masyado lang akong nag-o-overthink, pero pakiramdam ko ay may laman ang tingin ni Gio. Para silang may sikretong signal, dahil medyo namilog ang mata ni Gino nang mapatingin sa suot na mamahaling relo.

"Right! Uuwi muna ako saglit, Louisa." Hinarap niya ang pinsan ko.

Nakita ko ang bahagyang pag-ingos ni Gio at ang pagtaas ng kilay ni Kuya Drake na pinanood siya sa tabi niya. Umiinom ng tubig ang pinsan ko habang papalit palit ang tingin sa dalawa kong katabi at kay Gio na bitbit ang bola. May naglalaro sa mga mata niya tuwing nakikita ang kaibigan na kumikibot ang labi habang nakatingin dito sa gawi namin.

"Samahan na lang kaya kita?" Louisa offered.

"Hindi na."

"Hindi pwede."

"Dito ka lang, Louisa."

Sabay sabay na sagot ni Gino, Gio, at Kuya Drake. It was my turn to raise my brow to them. Naramdaman ko si Santi na nasa tabi ko na at pinatunog ang dila. Habang si kuya Drakus ay seryoso lang na nakatingin sa amin.

Unsuccessful Landing II: To Crash on His Arms (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon