𝓚𝓪𝓫𝓪𝓷𝓪𝓽𝓪 8

621 15 0
                                    

Fortunately, I was saved by Louisa who fetch me in school, bago ko pa maangilan ang leader namin dahil sa itinawag niya sa akin.

He even pats my hair, at ginulo pa! Unacceptable!

Naglaho ang konsensya na nararamdaman ko matapos ng tagpong 'yon. Napalitan ng inis dahil sa pang-aasar niya sa akin.

Tinawag niya akong bata!

Fine, yes! I'm still young, but I'm already in the adolescent stage! I can't be classified as a kid anymore!

"Bakit ba inis na inis ka? Eh, bata ka pa naman talaga? He's just stating facts."

"I just hate how he says it. Hindi mo kasi narinig! He was teasing me!"

Umirap sa hangin si Louisa bago pasalampak na umupo sa kama ko. She bounced by it's softness. While I'm at my study table. Scrabbling letters repeatedly to calm myself.

I repeatedly write Santi pangit. Until my paper is filled with it. My therapist before taught me this calming method. This also works when I overthink about my past. It became a part of me now, kaya nakasanayan ko nang gawin kapag mataas ang emosyon ko.

When I did this, kumakalma ako at mas nakakapag-isip ng maayos pagkatapos. When I'm overwhelmed, this method helps me get back on track. So far, this is the best coping mechanism I learned. It works for me so well.

Katulad na lang ngayon. Hindi ko makontrol ang iritasyon ko kay Santi. No one have ever treated or call me like that, so it was new to me. Oo, inaasar naman ako, pero kakaiba kasi ang paraan niya! Hindi ako madaling mainis kaya wala lang sa akin ang pang-aasar ng mga pinsan ko o mga nakalaro ko noong elementary pa ako.

But his way? It works! Naiinis ako sa tinawag niya sa akin!

Oo, bata pa naman ako, kaya lang yung tono ng boses niya kasi! The way he said it was really getting on my nerves!

"Go home and sleep early. Para tumangkad ka, bata."

"Bye, bata."

"Argh!" I grunted when his voice rang in my head.

Gigil na diniinan ko ang pagsusulat sa papel ng Santi pangit hanggang sa mabutas na ang papel na ginagamit ko.

Kunot noo na binagsak ko ang lapis na gamit at nahahapong sumandal sa upuan ko. I close my eyes and take a couple of deep breaths. It took me a while to release the tension on my shoulders.

That's when my thoughts start to come together again.

He called me kid. But so what?  Was that enough to stir my nerves? No! Pero bakit ganon, naiinis ako?

Bakit ba ako inis na inis sa kaniya?

Siguro dahil hindi naman kami close tapos ganon siya kaagad magbiro? We just met today. Yung proper way, setting aside our unfortunate event a year ago. It should be that!

Siguro nga naiinis ako dahil hindi naman kami close pero inasar niya ako.

"Oh, tapos ka na ba laitin ang leader niyo?"

Louisa's bored voice snap away my thoughts. Dumilat ako at lumingon sa kaniya. She's now lying on my bed while busy with her phone. Saglit niya akong tinapunan ng tingin para taasan ng kilay, nag-aantay sa sagot ko.

"I think so." Tahimik na sabi ko.

Binaba niya ang cellphone niya at tinitigan na ako. There's teasing and suspicion in her eyes. Hindi ko gusto ang kahulugan sa mata niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Unsuccessful Landing II: To Crash on His Arms (COMPLETE)Where stories live. Discover now