Simula

2.4K 36 7
                                    

The main song😍
Na iimagine ko siya sa kanta:(

Simula






Bakit nga ba umiiyak ang isang tao?

Siguro dahil sa nasasaktan sila? Pero bakit naman sila nasasaktan?

Siguro dahil sa nagmamahal sila? Pero bakit sila nagmamahal kung masasaktan lang din naman sila? Bakit hindi nalang nila hayaan na sila ang mahalin?

Sa mundong ito, lahat ng tao ay lumuluha. Inaasa nila na may isang tao ang magpupunas ng mga luha nila, pero bakit hindi nalang nila punasan ang mga luha nila at inaasa pa nila sa iba? Gayong ang taong iyon ang dahilan ng pagkalaglag ng mga ito...

Ako. Bakit ko inaasa sa kaniya? Gayong galit siya. Naghihiganti, at wala ng pagmamahal na nadarama.

Masama bang piliin ko ang kaligtasan ko kaysa sa kaniya? May tamang panahon pa para piliin ko siya, pero ayaw ko na yung pagkakataon na iyon ay wala na ako sa mundong ito.

"Doc sa tingin mo po ba ay gagaling papo ako? " mahinang tanong ko sa doktor ko na tinitingnan ang kalagayan ko.


Tumigil siya sa pagtingin ng heartbeat ko sa monitor at tumingin sa akin sabay ngiti ng matipid.

"Oo naman. At kung lalaban ka... "

Kaya lumaban ako. Lumaban ako ng mag isa, kahit na nanghihina na ako. Kahit na gusto ko ng sumuko, lumaban pa rin ako kahit na gusto na ng katawan kong sumuko.


Lumalaban pa ang puso ko. Gusto ko pang mabuhay dahil may mga tao pang naghihintay sa akin.


At kung mawawala ako ay hindi na nila ako makakasama at hindi ko na rin sila makakasama...

"Anak lumaban ka ha? " ayan ang laging binubulong ni Mommy sa akin sa tuwing nakapikit ako.

Madaling araw na iyon pero nandito pa rin si Mommy sa tabi ko. O palagi, dahil palagi naman siyang nandito at binabantayan ako.


At kahit hindi man niya sabihin sa akin ay alam kong natatakot siya, natatakot siya na tuluyan na akong mawala.

Pero bakit naman ako mawawala eh lalaban nga ako 'diba? Lalaban ako kasi may ipinaglalaban ako, may babalikan pa ako.

Miguel....


Kamusta na kaya siya? Kumakain kaya siya palagi? Ano kaya ang mga nangyari sa kaniya habang wala ako sa tabi niya? Napatawad na kaya niya ako?


Siguro hindi. Iniwan ko siya at hindi pinakinggan ang explanation niya na kahit alam ko ang tunay na nangyari, dahil nakaplanado ang lahat. Plinano ko.


Dahil mahirap sa akin na pakawalan siya ng harap-harapan, dahil mahal ko siya, mahal na mahal. Kahit pa sumuko ako ay lalaban pa rin ako dahil may taong ipinaglalaban ako. Kilala ko si Miguel, hindi siya papayag na mag hiwalay kami ng walang dahilan.

Kaya kahit alam kong masakit ay pikit mata akong nakipagsapalaran sa kanila. Lalo na sa kaniya, sa ex ni Miguel.



"Sure kana ba dito? Bakit hindi mo nalang sabihin kay Miguel ang lahat? Malay mo naman ay pakinggan ka niya? " tanong ni Jenna sakin.



Malungkot akong ngumiti at umiling. "Sigurado na ako. Jenna... " tumigil ako sa pagsasalita at nilingon siya na nasa likod ko. "Alagaan mo siya ha? " dugtong ko, ang sakit. Parang gusto kong bawiin ang lahat ng iyon, ang hirap niyang pakawalan...


Ang bigat sa dibdib. Ang sakit pa lang makita na yung plano mo ay natutupad na.


At ang hirap isipin na wala na siya... Iniwan ko na siya...


At mahirap ang lumaban ng mag isa. Pero nandiyan naman sina Mommy, pero yung puso't isip ko ay siya ang hinahanap.


Siyang siya... Wala nang iba... Dahil siya talaga ang tunay na dahilan kung bakit pa rin ako lumalaban.

Pumikit ako at hinayaang dumaloy ang mga luha patungo sa aking pisngi habang paulit ulit na binibigkas ang mga katagang...


"Mahal kita kahit nakakapagod na... Titiisin ko ang sakit kahit na nakakamatay na... Lalaban ako... Ilalaban kita... Hanggang sa a-aking kamatayan... "

Nahihirapan ako na makita sina Mommy na nahihirapan sa tuwing inaatake ako.

Umiiyak siya at hindi ko kayang nakikitang umiiyak ang aking ina. Ang babaeng nagmamahal sa akin, ang babaeng nag alaga sa akin, ang babaeng nag intindi sa akin na kahit pasaway ako.


"Huwag mo kaming i-iiwan h-ha? " nagmamakaawang paalala ni Mommy sa akin habang umiiyak sa tabi ko at hawak hawak nang mahigpit ang kamay ko.

Nasa tabi niya sina Daddy at Kuya Jarrel, hawak hawak nila ang kamay ko. Binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti kaya nagsitulo lalo ang mga luha ni Mommy.


"At n-nagagawa mo pa t-talaga kaming ngitian ng ganiyan? " tila galit na sinabi ni Kuya Jarrel pero umiiyak na siya.

Pumungay ang mga mata ko dahil sa inaantok na ako. "Oo naman... Ngi-ngiti ako hangga't nakakangiti pa ako... " mahinang sinabi ko na halos pabulong nalang.


"Don't s-sleep, p-please? " pagmamakaawa ni Mommy sa akin.



Ngunit huli na ang lahat, naipikit ko na ang aking mga mata.

At sa pag mulat nun ay may lalaking nakatayo sa harapan ko.


Kumabog nalang bigla ang dibdib ko habang kinikilala ito. Dahil sa katawan palang ay kilala ko na ito, lumaki lang ang katawan nito ng kaonti pero kilala ko na siya.


"Miguel... " saad ko.


Dahan-dahan siyang humarap sa akin at sa pagkasalubong ng aming mga mata ay nakita ko sa mga mata niya ang poot at galit.



Para akong sinampal ng katotohanan na galit pa rin siya... Hindi yata mawawala ang galit niya...

"I hate you... "


Do i deserve that hate? Siguro ay oo? Pero bakit? Ginawa ko lang naman iyon para sa kaligtasan ko ah?

Bakit ba palagi nalang akong umiiyak? Wala na bang katapusan sa pagtulo ang mga luha kong ito?


Gabi gabi nalang ba? Imbes na matulog ay umiiyak ako.


Umiiyak sa sakit... Nagmahal lang naman ako... Pero wala ring saysay iyon dahil ang taong nagmamahal ay nasasaktan.


Pero kahit na nasasaktan ako ay hindi ako nagsisi na lumaban ako para sa kaniya...


Nagpapasalamat pa rin ako kasi kung hindi dahil sa kaniya ay wala na ako.

Pero mamamatay naman ako sa sakit. Sa mga trato niya, kakayanin ko kaya? Malalagpasan ko kaya ang lahat ng ito? Kailan kaya ako makakatulog ng mahimbing?

At kailan ako titigil sa pag iyak o kung titigil paba ito? ....






Don't forget to vote, comment and share your thoughts my shinecils^^

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now