Kabanata 37

1K 10 0
                                    

A/N: not edited.


Kabanata 37


Napakagat ako sa pangibabang labi ko habang nakahawak sa tasa. Kanina pa kasi sumasagi sa isip ko yung mga sinabi ni Miguel. At sa tuwing sumasagi iyon sa isip ko ay nasasaktan ako. Sumisikip ang dibdib ko.

"Tingnan mo ang ginawa ng lalaking iyan," galit na sinabi ni Tita at nilapag sa harap ko ang document.

Nagbaba ako ng tingin doon at nangunot ang noo.

Kinuha ko iyon upang tingnan. I bit my lower lip. Ganito ba talaga kalaki ang galit niya sa'kin?

Gusto niya na mabili ang farm bukas ka agad. Kapag hindi kami pumayag ay mag dadala siya ng abogado para maipakulong kami. Sinasabi din sa document ay hindi nang galing kay Daddy ang farm. Siya lang ang nagpalago. Galing daw iyon sa Ama ni Miguel na si Sir Mike.

"Ano tutunganga na lang ba tayo?! " puno ng iritasyon ang boses ni Tita.

Tumingin ako sa kaniya. Napabuntong hininga ako. P'wede ko naman siya sigurong pakiusapan 'di ba? Eh paano ko gagawin iyon eh ayaw niya nga sakin ang makita pa kaya ang mukha ko?

Napakamot ako sa pisngi ko. Argh! Bahala na.

Tumayo ako at alam kong nakahabol ang tingin sa akin ni Tita. At nang harapin ko siya ay nakataas na ang kilay niya sa akin.


Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong hininga. "Ako na ang bahala... " kahit ayaw niya sa'kin.


Napangiti si Tita dahil sa narinig at napatango. "Very good. Akala ko kinakailangan ko pang ipakasal si Daniela sa kaniya para lang hindi makuha ang farm. "

Natigilan ako.

Ngumisi naman siya. Nilagay niya ang mga kamay sa kaniyang likuran at lumakad patungo sa aking likod.

"Alam naman nating may gusto si Daniela sa Miguel na iyan, 'di ba? " malambing ang boses niya. Nakakaasar.


"Wala akong magagawa para kay Daniela. Iniisip ko ang farm. Hindi ang mga bagay na walang kwenta. " tumiim bagang ako.

"Walang kwenta, right, " agap niyang sagot.

Kumuyom ang kamao ko. Tumingin ako sa kaniya ng malagpasan niya ako.

Nakita ko ang ngisi sa labi niya. At gusto kong hilain ang labi niya dahil doon.

"Keep hurting yourself, Jennyrose. " aniya habang nakatingin sa pulsuhan ko.

Nabigla ako sa sinabi niya kaya naman hindi ako nakapag salita kaagad.

Ngunit itinago ko ang pulsuhan ko sa aking likod.

Nakita ko naman ang dahan dahan niyang pag iling.

"You are just like today's youth who cut their pulse because of the depression, " dismayadong sabi niya bago ako iniwan.

Napaupo naman ako dahil sa panghihina. Tinamaan ako.

Napayuko ako at napahilamos sa sariling mukha. Nararamdaman ko rin ang panginginig ng kamay ko. Nanlalamig. Argh I hate it!

Tumayo ako at pumunta sa water dispenser para uminom ng tubig. Gan'to lagi ang ginagawa ko kapag nanginginig ako o kaya naman kapag nasasaktan.

Napatulala ako ulit. Kung magmamakaawa ba'ko sa kaniya noon ay papayagan kaya niya akong panatilihin sa amin ang farm? Pero alam kong hindi lang iyon ang kailangan niya.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon