Kabanata 13

643 11 0
                                    

Kabanata 13






"Ba-bye! " pagpapaalam ko kay Janella habang kumakaway.

Kinawayan din niya ako pabalik. Hindi ko siya makakasabay sa pag uwi dahil sinundo siya ng mga kagrupo niya.


Meron kasi kaming groupings sa english at gagawin na nila iyon ngayon. Habang yung sa amin naman ay gagawin palang, at hindi din naman ako yung mamro-mroblema dun dahil hindi naman ako yung leader.


Kaya ako nalang ang mag isang uuwi. Walang magsusundo sa akin dahil nag tra-trycicle lang kami. Sinasanay kasi kami nina Papa Lo na huwag puro kotse ang gamitin, dahil mag trycicle naman daw kami.


Pero hindi ko gusto na sumasakay ako sa trycicle, maalog at masakit sa p'wet.



Kaya pinambili ko nalang ng buko yung limang piso ko at tusok-tusok ang bente ko.




Wala na rin naman na akong ibang choice kundi bumili nalang non. Dahil ayon nalang ang gagastusin ko dahil ang iba ay para sa susunod kong araw na panggastos.




At habang bumibili ako ay may tumabi sa akin pero hindi ako nag abalang tignan ito dahil sa hinihintay ko na maluto ni Manong yung kwek kwek ko na naubusan kanina ng luto.


Tumikhim itong katabi ko, nakita ko pa na tinignan siya ni Manong.
"Sampu nga pong fishball. " malalim ang boses nito na ikinatulos ko sa aking kinatatayuan.


Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili lalo na ang puso ko na nagwawala na naman.
Madiin ang tingin ko kay Manong dahil ang bagal niyang kumilos para naman makaalis na si Miguel. Dahil hindi ko talaga kaya ang presensya niya. Nanghihina na ang mga tuhod ko.


Manong pakibilisan! Siguro kung hindi lang masamang mag reklamo lalo na kung hindi sayo ay ginawa ko na iyon kanina pa.



Pinilit kong hindi mapangiti nang matapos na si Manong sa paglalagay ng mga fishball sa plastic cup para ibigay kay Miguel.



Pero nagkakamali ako....

Nangunot ang noo ko at dahan dahang nilingon si Miguel na nakatayo pa rin sa gilid ko at matiim na nakatingin sa akin.



Mabilis akong nag iwas ng tingin at napalunok.

Nanuyo bigla ang lalamunan ko lalo na ng maisip ko na nakatayo pa rin sa tabi ko si Miguel at pinapanuod ako.



Kinagat ko ang aking labi. At halos tawagin na ang lahat ng mga santo para lang maluto na kaagad ang kwek kwek. At makaalis na ako.



Nang maluto na nga yung kwek kwek ko ay mabilis kong kinuha iyon at naglakad papalayo pero napatigil ako nang may humawak sa bag ko. Sanhi ng pagkatigil ko sa pag hakbang.

Bumagsak ang magkabilang balikat ko at bumuntong-hininga.

"Harap, " maawtoridad na utos niya pero hindi ko iyon sinunod.


At alam kong nainis siya sa hindi ko pag sunod sa utos niya.


Kaya siya na ang gumawa ng paraan. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at pinihit ako paharap sa kaniya.

Nagpapihit naman ako dahil tila naestatwa ang mga binti ko.

At nang magkaharap na nga kami ay tinaasan ko siya kaagad ng kilay at nagkunwari na hindi naaapektuhan sa ginawa niya.


Pero ang totoo niyan ay nangingisay na ako sa kaloob looban ko. Hinawakan ba naman ako!

Nakaawang ang mapupulang mga labi niya at matalim ang tingin sa akin.


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon