Kabanata 5

728 14 1
                                    

Kabanata 5



Araw araw kaming may practice kaya babad kami sa initan. Lalo na ako, kaya panay kami paypay sa aming mga sarili at dala dala ng kaniya kaniya naming mga tubig.

At ngayong linggo lang ang pahinga namin. At imbes na magpahinga ako ay nag simba kaming buong pamilya.

Kaya ito ako ngayon, pipikit pikit ang mga mata habang nagmimisa ang pari.

Bawal naman kasi akong hindi sumama kasi simba ito at papagalitan ako nina Mama La. Dapat daw ay mag bigay ako ng oras sa diyos na dalawin siya at humingi ng kapatawaran.

At isa pa, hindi pa nila alam na sumali ako sa sayaw.

Nararamdaman ko naman ang mahihinang pagsiko sa akin ni Mama La sa tuwing napapapikit ako kaya naididilat ko ang mga mata ko.

"Umayos ka, Jennyrose. Nasa simbahan tayo, " sabi niya ng may pangangaral.

Kaya napaayos ako ng upo at tinignan ang pari, pero kahit anong klaseng pilit na hindi mapa pikit ng mga mata ang gawin ko ay pumipikit pa din sila.

Kaya sinesermunan ako ni Mama La nang makalabas kami ng simbahan. At wala akong ibang ginawa kundi ang mapayuko nalang.

"Ano ba kasing pinag-gagagawa mo at antukin ka yata ngayon? " tanong sa akin ni Mom.

Niyakap ko ang baywang niya at nginitian siya. "Wala po, Mommy. Nagre-review lang po ako kasi malapit napo yung exam namin. " pagdadahilan ko at pilit siyang nginitian.

Nginitian ako ni Mommy at niyakap din ako at hinalikan ang aking sintido.

"Pero huwag ka naman masyadong mag puyat. Alam mo naman na bawal kang mapagod diba? "

Tumango ako at hinalikan ang pisngi niya na ikinangiti niya lalo.

"Opo, Mommy! Mag iingat po ako at iingatan ko po ang sarili ko," nakangiting sagot ko.

Hindi ko rin naman masisisi si Mommy na kung bakit ganiyan nalang siya kung mag aalala sa akin. Kasi natatakot siya na baka mawala ako at ayaw ko na nakikita din siyang umiyak, at hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan na kapag nawala na ako ay may umiiyak ng dahil sa akin. Na umiiyak si Mommy.

Nakita ko na kasi kung paano umiyak si Mommy ng mawalan kami ni Kuya Jarrel ng kapatid which is yung sumunod sa akin.

Naalala ko pa dati na iniiyakan niya yung mga damit ng kapatid ko.

Kaya hindi ko hahayaan na mangyari ulit ang bagay na ikinakatakot ni Mommy.

"Back to top! Back to top! " tila nauubusan ng pasensyang utos sa amin ni Kuya Bats, ang choreographer namin.

Bumagsak ang magkabilang balikat ko. Kanina pa kami paulit ulit nakakapagod na.


Paano ba naman kasi ay may nalilito pa rin at nagkakamali.

"Jennyrose kumapit ka. Baka mahulog ka. " narinig kong utos ni Sandro kaya napatingin ako sa kaniya at sinunod din ang utos niya.

Kumapit ako sa balikat niya at inalalayan naman ako ni Rick at ng iba pa habang binababa.

At nang makababa na ako ay nagsilapitan sila kay Kuya Bats kaya ganun din ang ginawa ko habang nag pupunas ng pawis sa noo at batok.

"Kuya Bats bakit paulit ulit nalang tayo? Nakakapagod kaya! " naiinis na tanong ni Elizabeth kaya tinignan siya ni Kuya Bats.

Nagpamaywang ito.

"Paano tayo hindi uulit kung hanggang ngayon ay may nalilito pa rin sa mg steps? Kailangan nating maperfect ito dahil kapag hindi kayo nanalo ay mapapahiya kayo. " aniya.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now