Kabanata 21

667 11 2
                                    

Kabanata 21





Masaya ang salo-salo na nagaganap. Hindi maiiwasan ang tawanan at biruan lalo na ang asaran ng mga pinsan ko. Pero nanatili lang akong tahimik at paminsan-minsan na nakikisali sa kanila.

Palihim rin akong sumusulyap kay Miguel na naghihiwa ng pork na akala mo ay bihasa na siya sa pag hihiwa.

"Gusto mo ng pork? " narinig kong bulong sa akin ni Kuya Dante na ikinalingon ko sa kaniya bigla.

Muntik pa akong maduling dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Tumikhim siya at nahihiyang lumayo.

"Sorry."

Pilit ko siyang nginitian. Bigla akong nailang pero iwinaksi ko rin iyon. Hindi din naman namin inaasahan na mangyayari iyon noh.

Hindi pa man ako nakakasagot ay ramdam ko na ang panunuyo ng lalamunan ko dahil sa klase ng tingin ng kaharap ko sa akin.

Pasimple kong tiningnan ito. Ngunit napaiwas din ako ulit nang mapansing nakatingin din pala ito sa akin.

Mahina akong napamura. Biglang tumalon ang puso ko sa kaba.

Bakit kasi ganiyan siya kung makatingin? Na para bang kakainin niya ako ng buhay at parang manunugod na akala mo'y may dalang itak?

Ngunit hindi lang siya ang nag iisa na nakatingin sa akin. Dahil sa tabi ko may isa pang malalamig ang mga matang nakatingin sa akin.

Sa aking kaliwa sa side ni Miguel na lamesa ay nakita ko ang malalamig na mga mata ni Mharissa habang nakatingin sa akin. Ngunit kahit malamig ay makikita mo doon ang pagkainis.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba dahil sa klase ng tingin niya. Hindi ko din alam ang kasalanan ko. Pero ngayon ay alam ko na, dahil dito sa katabi ko.

Nakapag kuwentuhan kami ni Kuya Dante. Tinatanong niya ako kung kamusta na raw ba ang score ko sa test sa math.

Actually, hinihintay ko pa 'yung score ko sa math. At kinakabahan din ako at the same time.

Kasi hindi ko alam kung tama ba ako. Pero confident naman ako sa sagot ko magaling yata ang nagturo sa akin!




Mag isa lang ako sa hardin habang nakatingala sa kalangitan.

Hindi pa din umaalis ang mga Suriaga. Kahit nandito ako sa hardin ay naririnig ko pa rin ang tawanan ng dalawang matanda na si Papa Lo at Doncillo.

At sure din ako na nandito pa rin sina Miguel.

At hindi na nga ako magtataka kung sumulpot nalang ito bigla sa aking tabi.

Nakapamulsa siya habang nakahilig sa pinto ng hardin at taim tim na nakatingin sa akin ang maitim nitong mga mata na mas madilim pa sa gabi.

Napalunok ako ng laway at tumayo. Lalagpasan ko na sana siya nang hawakan niya ang aking siko na ikinatigil ko.

Para akong nakuryente dahil doon. Ngunit wala akong ibang nagawa kundi ang mapatingin sa kaniya. Kaya nakasalubong ko ang kulay itim nitong mga mata.

Seryoso ito at malalim. "I have something to tell you, " malalim ang boses niya nang sabihin iyon.

Napalunok ako at dahan dahang tumango. Walang masabi, kaya itinango nalang ang sagot.

Tumingin siya sa kahoy na upuan na kinauupuan ko kanina. Hindi lang iyon basta basta kahoy. May design siya na makaluma.

"And can we take a sit? " tanong niya na tila hinihingi ang pahintulot ko.

Tumango ako. "S-sure, " na utal ko pang sagot kaya napatikhim ako.

He looks so hot with that polo! Very very hot!

Siya ang naunang nag lakad sa aming dalawa. Sumunod lang ako sa kaniya.

At dahil nakasunod ako kay Miguel ay nakikita ko kung gaano siya ka kisig. Malapad ang balikat at mabato ang braso. Makinis talaga ang batok niya, ang sarap tuloy halikan charet.

Napatikhim ako at napaayos ng tayo ng bahagya ako nitong lingunin.

Namulsa siya at hinarap ako kaya napaayos ako sa aking sarili. Sinalubong ko pa siya ng tingin.


Tapang mo naman ghurl! Sabi ng utak ko dahil sa ginawa ko.

"You go first. "

Napatanga ako. Ano daw?

"H-huh? "

Bakit ba kasi ang g'wapo niya? Napakahot niya? Bakit ba hindi nalang siya maging akin—

"Sabi ko mauna kang maupo. "

Nagising ang diwa ko dahil sa sinabi niya. Lalo na nang makapa ko ang kasungitan roon.

Napangiwi ako. Namangha ka na naman? Sabi ng utak ko kaya maslalo akong napangiwi.

Halos makahinga ako ng maluwag nang makaupo na ako. Pakiramdam ko nauubusan ako ng lakas para manatiling nakatayo.

Naramdaman ko din ang pag upo niya sa tabi ko at nanuot din sa aking ilong ang panlalaki nitong pabango na hindi naman masakit sa ilong.

"About the day that I kissed you... " panimula niya na ikinaayos ko ng upo.

"A-anong mayroon doon? "

Sumandal siya at diretsong tumingin sa aking mga mata.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi kaya nagbaba ako ng tingin doon. At bigla akong kinilabutan sa ngisi niyang iyon, dahil para na rin siyang ngumiti.

"I enjoy it. " sabi niya at mabilis na nag iwas ng tingin.

Oh ghadd my heart! Napasigaw nalang ako sa aking kaloob looban nang sabihin niya iyon. Matapos kasi niyang sabihin iyon ay tumalon ang puso ko.

He enjoy it! He did! Arck and that was my first kiss!

"But I hate that man because he kissed you too, " he said coldly and there he is, being cold again.

Natigilan ako at napatingin sa kaniya. Naguguluhan, dahil bakit niya sinasabi ang lahat ng ito? Paasahin ba niya ako?

Unti unti akong nag iwas ng tingin. "Why are you telling all of this to me?" mahinang tanong ko at ramdam ko pa ang pag lingon niya sa akin.

At naramdaman ko ang kaseryosohan roon.

"Because I wanted you to know that I hate sharing" ani Miguel mula sa malalim na boses at may halong galit.

Matapang kong sinalubong ang kaniyang makanginig kalamnang mga mata.

"For what? " mapang hamon kong tanong.

Umangat pa ang sulok ng labi ko. At nakita ko ang pagbaba ng tingin niya roon kaya bumalik iyon sa dati, dahil nakakatunaw na naman kasi iyon.

Dahan dahang bumalik ang tingin niya sa aking mga mata.

Lumapit siya sa akin kaya umatras ako. Sinubukan ko pero wala na akong maatrasan.

Kaya wala akong ginawa kundi tanggapin ang aking kapalaran.


Sobrang lapit ng aming mga mukha. At ngayon, maslalo kong naririnig ang indak ng aking puso na tumatalon sa kilig at pinaghalong saya.

Mamamatay kana niyan, Jennyrose. Sabi ng utak ko. Well, sa kilig ba? Oo.

"Wanna know my reason? " tanong niya at ngumisi.


Kinilabutan ako sa ngising iyon ngunit tumango pa rin ako.

Curious ako eh.

"Because I like you, Jennyrose. And I hate my heart because he was beating so fast when I feel your presence. I smell your goddamn perfume for god's sake, and when I heard your fvcking gergous angelic voice. But I don't hate the day I met you, I love it. E-especially you... "


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now